Chapter 37 : Amnesia

2.4K 82 0
                                    

A/n: Ilalagay ko lang yung nangyari noong naaksidente sila shantal, kung paano sila nakaligtas o kung sino ang nagligtas sa kanila.

THIRD PERSON
May magkakaibigan na lalaki ang naglalakad ng makita nila ang isang kotse na nakabunggo sa malaking puno.

Nagmadaling nagpunta ang apat na lalaking ito para tignan ang nasa loob ng kotse o kung may tao ba itong laman.

"Tol may kotseng nabangga, tingnan natin baka may tao" tumango naman ang mga kasama nito.

"Shit! May babae at bata, dalian niyo duguan sila" sabi naman ng isa nilang kasamahan na nagngangalang mike.

Maingat nilang inilabas ang mag ina at dinala agad sa pinakamalapit na ospital.

"Doc ayos na po ba sila?" Tanong ni mike ng makalabas ang doctor na umasikaso ang mag ina.

"Okay na sila, pero baka matagalan ang paggising ng mga ito lalo na yung bata" tumango naman ang magkakaibigan.

Nagpunta na sila sa room kung saan nagpapahinga ang mag ina, pinagsama na kasi nila ito sa iisang kwarto para madaling bantayan.

"Tingin niyo ano kayang nangyari sa kanil bukod sa nabangga?" Takang tanong naman ni Axcel

"Kung nakita niyo yung sasakyan at napagmasdan ay makikita mo yung mga tama ng baril, thankfully bulletproof yung kotse nila kaya di sila natamaan" tumango tango naman sila mike at axel sa kaibigan na si arjay.

"Alam niyo, parang pamikyar sa akin ang mukha niya di ko lang alam kung saan ko siya nakita" sabi ni axcel

3 months later

Tulog parin ang magina, palaging nandun ang magkakaibigan para bantayan ito.

"Hmm" nagulat ang magkakaibigan ng gumalaw ito kaya naman tinawag agad nila ang doctor para matignan kong gising na ba.

Maya maya pa ay dahan dahan itong bumukas ang mata kaya naman sumalubong sa kanila ang kulay asul na mata.

"W-where's my son?" Hirap nitong tanong dahil sa pagkatuyo ng lalamunan.

Pinainom muna siya ng tubig bago pinatingin sa kabilang kama. Dun ay nakita niya ang kanyang anak na nakahiga sa kama na akala mo ay natutuloy lang.

"Nasaan kami ngayon?" Tanong nito.

"**** Ospital" tumango naman si shantal ng may bigla siyang naalala.

"Shit! Ilang araw na kaming tulog?"

"3 months na."

"Nakuha niyo ba yung phone ko sa kotse?" Umiling ang mga ito, napatigil si shantal ng makilala niya ang isang tao sa loob ng kwarto. "Di ba kapatid mo si andrea?" Sabi nito kay axel.

"Yes, i'm Axcel Mendoza. Paano mo nakilala ang ate ko?" Takang tanong nito.

"Your sister is my friend, by the way i'm Shantal Golden Ross Lee Dela Vega" pakilala nito.

"Ikaw yung boss ni ate, right?" Tumango lang ito.

Lumipas pa ang ilang araw ay nagising narin si ace ngunit my amnesia ito, dahil narin sa pagkakatama ng ulo.

Nalungkot si shan dahil pati siya ay di maalala ng anak niya.  Wala na naman siyang magagawa kundi tulungan na lang si ace.

Palagi rin na nakamasid si shantal sa kabilang panig para malaman ang mga hakbang nito at ipaalam sa mga kakampi niya.

JOSHUA DELA VEGA POV
Nandito kaming lahat sa labas ng emergency room, nagamot na rin ang sugat ko pati narin yung sa kanila.

Kanina pa namin hinihintay na matapos operahan si shantal. Natatakot ako na baka iwan niya na naman ako–kami ng mga anak niya.

Nakaupo kami ng biglang may dumating na tatlong lalaki kasama si ace.

"Axcel/Ace?" Sabay na tawag namin ni andrea.

"Ate andrea" pumunta ito kay andrea habang si ace ay nakatingin lang sa akin.

"Ace come here." Ngunit di ito gumalaw. "What the fuck! Bakit parang di ako kilala ng anak ko?!" nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa anak kong nahawak lang sa isang lalaki.

"May amnesia siya" ng marinig ko yun mula sa lalaking may hawak kay ace ay napakural kurap ako. Nagpaulit ulit ito sa isip ko na para bang ayaw magproseso.

Amnesia

Amnesia

Amnesia

Amnesia

"Ace i'm your dad, please come here" tumingin muna ito kay mike daw ang pangalan

"Go ace, siya yung sinasabi ng mommy mo na daddy mo daw" lumalapit ito sa akin bago ako niyakap.

"Baby, how are you?" Limang buwan ko siyang di nakita, tapos ito pa ang nangyari may amnesia siya!

"I'm fine dad, sorry daddy nakalimutan kita ganyan din naging reaction ni mommy noong una. I want to know my past but i can't"

"Don't worry maaalala mo rin yun, not now but soon" tumango ito at isinandal ang ulo sa dibdib ko.

Nawalan man siya ng alaala pero nandito parin ang ace na anak ko.

"Daddy sabi ni mommy may kapatid daw ako, i want to see them"

"Later baby papahatid kita sa tito mo" tumango lang ito

Maya maya pa ay nakita namin na bigla na lang lumabas ang doctor at sinabi ang nagpatigil ng mundo ko.

Di ko kayang tanggapin, hindi pwede!

"I'm sorry, ginawa na namin ang lahat pero di na kinaya ng katawan niya"

MAFIA QUEEN: Golden Dragon Mafia (COMPLETED) Where stories live. Discover now