Chapter 25 : They are starting

2.3K 72 1
                                    

SHANTAL GOLDEN ROSE LEE POV
Kakarating ko lang ngayon sa japan, nang malaman kong pinasabog ang isang hideout namin sa malaysia ay nagpatawag agad ako ng meeting sa lahat ng commander.

Kaya kasama kong lumipad si jamaica, dapat nga ay sasama pa ang iba pero di ako pumayag, lalo na ngayon na kailangan namin ingatan si kate.

Hindi ako makakapayag na madamay ang bata sa sinapupunan niya. Kaya mas ginusto kong dun na lang sila sa dorm.

Wala pa kaming alam kung may nakakilala na ba sa mukha namin kaya kailangan ng mag ingat ngayon.

"Queen emp, we're here" sabi ni kuya franco na siyang kasama din namin.

Nakamask na siya bilang commander ngayon.

Lahat ng madadaanan namin ay nayuko, tanda ng paggalang.

"WELCOME BACK QUEEN EMP"

Yan ang naririnig ko sa tuwing dadaan ako. Matagal tagal na rin ng huli akong nagpunta dito, dahil wala namang nangyayaring gulo.

[A/N: Lahat ng salita dito ay wikang japanese ang ginamit, dahil yun ang salita nila sa main headquarter sa japan.]

"UPDATE?"

Bungad ko sa kanila ng makapasok ako sa meeting room. Sanay na sila sa akin lalo na paggalit, dahil pranka at walang paligoy ligoy kung magsalita.

"Limang tao ang namatay sa pagsaboy at pitong sugatan na ngayon ay stable na, queen emp." Paliwanag ni C07 (reymark feria)

"Pinasabog na nila ang isang hideout sa malaysia at pinasabog din nila ang isang sa hideout sa china, queen emp." Sabi ng commander sa headquarter sa china.

So hindi lang sa malaysia, pati sa china tinira nila.

"They are starting!" I said with my cold voice. They were all stiff because of my voice.

"Yes queen emp, they are" sabi ni C01–jamaica na unang nakabawi.

"Hindi ako makakapayag sa ginawa nila lalo na't nawalan tayo ng kasamahan. Magbabayad sila sa ginawa nila. Sa susunod na gumawa ulit sila ng hakbang tayo naman ang gagalaw, pwede na kayong umalis."

Nagsipaalam na sila at lumabas na ng meeting room, except kay kuya nathan, jamaica and kuya franco.

Ginagalit na talaga ako ng Organisasyon na yon.

Magbabayad sila!

"Hey cous, relax muna baka maputol mo yang ballpen" biglang sabi ni kuya nathan o mas kilalang C02.

Pinsan ko siya sa mother side.

Nang tumungin ako sa hawak ko at kunti na lang mapuputol na sa higpit ng hawak ko.

"Shan nasa mansion mo dito sa japan si Gilbert baka gusto mong makita para naman mabawasan ang init ng ulo mo." Biglang sabi ni kuya franco.

Naalala kong pinadala ko pala ang anak ko dito sa japan para naman may alam siya sa pakikipaglaban kahit self defense lang.

Mahirap na ang buhay ngayon lalo na at hindi ordinaryo ang buhay namin.

"Hayst buti pa nga, kuya sa mansion muna ako." Tumango lang naman siya.

Maiiwan dito si kuya franco at kuya nathan dahil may gagawin pa sila lalo na si kuya nathan na bantay dito sa main headquarter ng Organisasyon.

Nandito ang mahahalagang bagay na iniingatan ng buong Organisasyon.

Basta malaki ang headquarter lalo nat may underground ito na kung saan nakatago ang mahahalagang bagay. Halos lahat naman ng hideout at headquarter ay may underground ngunit yung nandito talaga ang pinakainiingatan namin.

MAFIA QUEEN: Golden Dragon Mafia (COMPLETED) Where stories live. Discover now