Chapter 17 : Sportfest

2.4K 69 0
                                    

Aug 10, 2013

JOSHUA DELA VEGA POV
Eto na ang araw na pinakahinihintay ng lahat. Ang sport fest na dito gaganapin sa lee University.

Opening ay 8 am bukas ang university sa lahat. Kaya naman pwedeng pumasok yung mga gustong manuod.

Di ko pa nakikita si shantal ngayon, busy kasi ang lahat lalo na ang mga council.

Ako naman kasama ang mga boy na kasali sa basketball ay naghahanda na pagkatapos kasi ng opening program basketball agad ang unang laro.

"Attention everyone, proceed to auditorium we're going to start the opening in 5 minutes." boses ni kate sa speaker.

Si kate ang spokesperson namin dito kaya naman kasali siya sa council ngayon.

"Guys tara na baka maging dragon pa si pres pag wala pa tayo dun." sigaw sa amin ni louis na kasi din sa basketball.

"Kung narinig ka lang nun siguradong di na makakapaglaro mamaya" nakangising ani ni mark

"Ah eh tara na nga" iniwan na lang kami bigla.

Nagtawanan naman kaming mga naiwan. Halos lahat kasi kami ay takot sa president namin o mas kilalang si Shantal. Iba kasi yun pag tungkulin na ang usapan, magseseryoso yun na pagsinuway mo ay maninigas ka.

Iilan na lang ngayon ang mga bully, tapos di na sila nananakit, pero minsan di parin maiiwasan ang pang aasar.

Ang daming tao. Nandito na rin kasi ang ibang istudyanteng taga ibang school kaya ang ingay.

Halata kay sandro na naiinis siya sa mga babaeng nagtitiliin sa dinadaanan namin pati naman ako eh. Si louis lang ang natutuwa sa mga ganyan.

"Fuck! Louis can you stop that!" pagalit na sita ni ross kay luois na todo kamay pa.

"Okay okay" nakataas pa ang dalawang kamay na akala mo sumusuko.

"BABEEEEE!"

Biglang sigaw ng kung sino kaya natahimik ang nakapaligid sa amin.

Tumingin kami sa likod namin at nakita namin dun sila shantal na may kasamang babae, siya ata yung sumigaw. Naaalala ko siya yung kapartner ni sandro noong debut ni maica. Samantha ang pangalan.

Seryoso ang mukha ni shantal na pag binangga mo ay malalagot ka. Nagsitabihan nga ang iba ng makita ang seryosong mukha ng mahal ko.

"sino kaya yung babae?"

"Kaya ng sumigaw pa siya ng babe"

"Akala mo naman papatulan siya ng mga prince natin"

"Bitch"

"Attention seeker"

"Sis ang seryoso ni pres"

"Kaya nga eh nakakatakot pag kinalaban mo"

Matakot kayo sa baby ko. Hahaha

Nagulat na lang kaming lahat sa nakita  namin maliban kila shantal na alam na sigurong ganon ang gagawin ng kasama nila.

Tumakbo kasi yung babae kay sandro tapos tumalon payakap, kaya naman nakahawak na siya sa balikat ni sandro habang si sandro naman nakahawak sa bewang nito at mas nakakagulat, nakangiting  nakatingin pa siya sa mukha ng babae.

"Ang cute cute mo talaga babe, btw i miss you" sabay kiss sa pisnge ni sandro.

"Haha ikaw talaga, i miss you too" sabay halik sa noo nito. Ngayon lang namin nakitang ganito siya aa ibang babae maliban kay shantal at sa mommy niya.

MAFIA QUEEN: Golden Dragon Mafia (COMPLETED) Where stories live. Discover now