Chapter 32 : Pregnant

2.1K 70 0
                                    

JOSHUA DELA VEGA POV
"Shit! Okay ka lang hon? Dalhin na kaya kita sa ospital?"

Sa loob ng dalawang linggo ay palaging ganito ang eksena namin. Umagang nasa bathroom at nagsusuka si shantal.

"Okay lang ako" bumuntong hininga na lang ako bago siya binuhat papunta sa baba.

Nang makarating kami sa dining area at nandun na si ace kami na lang ang hinihintay.

"Good morning mom and dad", bati nito ng makita kami. Nakasanayan na naming kumain ng sabay sabay.

"Good morning ace" bati namin ni shantal.

"Mom, are you okay?"

"I'm fine, don't worry. Hmm after natin kumain may sasabihin ako sa inyo" nakangite nitong sabi sa amin.

Sasabihin? Ano naman kaya yun? Sana good news ayoko pa ng gulo.

Nagsimula na kaming kumain habang masayang nagkukwentuhan. Ganito na kami tuwing kakain.

A/n: Hi! Papalitan ko na pala yung lastname ni shantal, gagawin ko na siyang dela vega dahil kasal na naman sila ni joshua.

SHANTAL GOLDEN ROSE DELA VEGA POV
Ilang linggo na akong nagsusuka tuwing umaga katulad na lang ngayon. Alam ko kung anong nangyayari sa akin dahil nagpacheck up na ako.

Noong malaman ko ay sobra kong tuwa dahil magkakaroon na ako-kami ng anak! Yes, anak.

I'm pregnant!

Magiging daddy na si joshua habang magiging kuya na si ace.

Alam kong matutuwa ang mag ama ko sa balitang sasabihin.

Naalala ko pa noong unang beses akong nagsuka ay nataranta si josh baka daw may sakit ako, yun din ang akala ko noong una pero normal lang pala iyon lalo na't nagbubuntis ako.

I can't wait to tell them!

"Hon anong sasabihin mo sa amin?" Tanong ni josh ng makaupo kami sa living room nandito sila kuya, nagulat na nga lang ako ng bigla silang dumating. Bibisita lang daw, maganda na rin yung nandito sila para masabi ko narin ang good news ko.

Nag aabang silang lahat kung anong sasabihin ko kaya naman ngumiti ako sa kanila sabay sabing

"I'm pregnant!" Masiglang sabi ko. Nagsilakihan ang mga mata nila kuya habang nagsitilian naman ang mga babae. Si josh? Ayon natulala!

"WAHH CONGRATS!" Ani ni kathy.

"Ninong kami" nakangiting sabi ni kuya mark.

"Ma-magiging daddy na ako?" Tulalang tanong nito, kaya naman tumango ako na siyang ikinasigaw nito. "Yes! Daddy na ako. You heard that ace magiging kuya ka na" tuwang sabi nito habang binuhat pa si ace at nagtatalon.

Natawa naman kami sa naging reaction niya. Di naman halatang masaya, promise hindi talaga! Just kidding

"Thank you hon" pasalamat nito na ngayon ay nakayakap na sa akin.

Nagcelebrate kami dahil makakaroon na ng bagong baby sa pamilya namin. Dumating din sila mommy para makisalo sa amin pati parent ni joshua.

Nagsaya kami buong gabi hanggang isa isa na silang nagpaalam para umuwi.

Sana manahimik muna ang mga kalaban gusto kong makasama ng matagal ang pamilya ko lalo na ngayon na magkakaanak na ako.

Ayokong madamay ang batang nasa sinapupunan ko. Kahit na nandito palang ito ay mamahalin ko na siya gaya ng pagmamahal ko kay ace

"Hon, di ka pa ba matutulog gabi na oh?" Nandito pa kasi kaminsa veranda nagpapahangin.

"I can't sleep" Isinandal ko ang ulo sa dibdib niya ng yakapin niya ako mula sa tagiliran.

Matulog tulog ba naman kanina kaya ayun tuloy hindi ako makatulog. Ganon naman siguro ang mga buntis diba, yung mabilis antukin.

"I love you hon" naramdaman ko ang paghalik nito sa tuktok ng ulo ko.

"I love you too" gagawin ko lahat wag lang masira ang binubuo natin pamilya. Kahit anong gawin nila mananatiling ako ang reyna kaya wag nila akong susubukan!

MAFIA QUEEN: Golden Dragon Mafia (COMPLETED) Where stories live. Discover now