Episode 02

237 21 11
                                    

Episode 02

Professor


"Yiv, why are we even here? Kaya naman natin magbayad ng hotel, bichi nom (Crazy guy)," sabi ng isang kasamahan nila.

Nanlaki ang mga mata ko at nataranta dahil nakita ko ang lalaking tumulong sa'kin kagabi! Anong gagawin ko? Hindi ako nakapagpaalam nang maayos!

"Basta, dakcho! (Shut up!)." Uminom ng tubig ang lalaki at mas lalo akong nalito sa kung anong dapat kong unahin. At tama ba ang pagkakarinig ko? Yiv ang pangalan niya?

Tumalikod na ko at nagsimula nang maglakad papalayo. I don't have the guts to show my face to him again. Nahihiya ako na parang ginamit ko lang siya para makaligtas sa amo ko noong gabing 'yun. Hindi man lang ako nakapagpaliwanag at nakapagpasalamat nang maayos.

Patuloy lang ako sa paglalakad papunta sa mga k'warto para sa mga babae habang nakayuko para hindi nila mapansin. Pero napahinto ako dahil may isang pares ng mga paa na nakatayo sa harapan ko. My heart started beating loudly at the familiar scent.

"You're... the girl from last night, right?" narinig kong tanong niya gamit ang malalim na boses at hindi ko alam ang sasabihin. Nanlamig ang mga kamay ko at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. I saw how his Adam's apple move as he spoke.

"Yiv!" narinig kong tawag nng mga kasamahan niya na mukhang ngayon ay papalapit na sa'min. Mas lalo akong kinabahan at wala na 'kong kawala.

Pero bakit nga ba 'ko kakabahan? May ginawa ba 'kong kasalanan? Wala naman 'di ba. Pakshet naman oh!

"What's your name again? Bianca? Am I right?" Napatingala ako dahil sa sinabi niyang peke kong pangalan.

Tama! Hindi niya naman talaga ako kilala at dapat nga ay magpasalamat pa 'ko! Bakit ba 'ko natatakot?

Maybe because he was too intimidating. His eyes were dark ash gray and his hair was neutral blonde. Sa totoo lang ay hindi talaga siya mukhang Pilipino kung titingnan mo. Sa buhok at mata pa lang ay hindi na eh.

Nagtama ang mga mata namin at nakita kong napalunok siya. "Ikaw 'yung kagabi 'di ba?" tanong niya muli kaya wala na akong nagawa kung hindi ang tumango. Nagulat ako nang biglang mabagsak ang pagkakatali ng t'walya sa buhok ko kaya lumaylay ang itim na hanggang baywang kong buhok.

I was about to say something when our moment was disturbed because of his friends.

"Yiv! Ano meron kagabi? 'Di nga? Hala! Lagot ka kay Tito!" pang-aasar ng isa niyang kaibigan na palangiti. "Hi miss. Anong ginawa sa'yo ng kaibigan namin kagabi?" Nagtunog malisyoso siya kaya agad nanlaki ang mga mata ko at umiling-iling ako. I was about to defend myself when the other man spoke.

"Tumahimik ka nga, Haru." Siniko ng seryosong lalaki 'yung nang-aasar na Haru kaya napangiwi na lang 'yun bago umamba ng suntok. Apat sila ngayon na nasa paligid ko. Si Haru, isang seryosong lalaki, isang mukhang masungit at si... Yiv.

'Yun ba talaga ang pangalan niya?

"Bianca..." Napabalik ako ng tingin sa lalaking nasa harap ko at kulang na lang ay tingalain ko siya dahil sa tangkad niya.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa presensya niya. He looked harmful from the outside but I clearly know that he has a good heart when he saved me. Sadyang sobrang intimidating lang ng aura niya.

May sasabihin pa sana siya pero agad akong nakaisip ng dahilan. Hindi man lang kasi ako nakapaghanda sa pagkikita namin!

"Ah! Kailangan ko na pa lang matulog dahil may trabaho pa 'ko bukas!" pagdadahilan ko at kinuha na ang nahulog kong t'walya sa sahig bago humarap sa mga kaibigan niya.

Flakes of TearsWhere stories live. Discover now