Eight

154 5 0
                                    

Agnes' POV

Hinatid ako nila Pat sa office ni mama. Bago ako bumaba ay nagpasalamat ako lalo na na-enjoy ko rin yung kwentuhan namin ni kuya Ronnie.

"Uy boss A musta?" bati ni kuya Zenrico sakin. Sya yung guard dito sa office ni mama

"Hello kuya Z! okay naman, kakagaling ko lang sa school. Kamusta shift? asan si isco?"

"Ay may pasok si bunso ngayon kaya di ko nasama dito. Puntahan mo ulit si mama mo?"

"Oo kuya mukhang overtime nanaman eh, dadalhan ko lang ng pagkain"

"Bait talaga ni boss A, sige na akyat ka na. Na sa may conference room ata sila ngayon"

"Sige kuya thank you!"

Pag akyat  ko ay kita kong hindi pa tapos ang meeting nila mama so umupo muna ako sa gilid

"It's good to have you on our division Mrs. Walker, alam naming busy kayo sa hospital kaya we are suprised na pumayag kayo" napalingon naman ako sa nag uusap sa dulo ng hallway. Parang familiar yung surname na yun ah.

"Vero is a busy man pero we talked about it naman and it's best to accept your offer. Besides, we like how you run things here."

Saan ko kaya narinig yung name na yun. Kita ko namang tapos na meeting nila mama

"Oh nak anong ginagawa mo dito? may kailangan ka ba?

"De ma dinalan lang kita pagkain kasi alam kong overtime ka nanaman"

"Sweet talaga ng anak ko na to" tapos she kissed me on my forehead "Sige na uwi ka na, masyadong delikado yung umuuwi mag isa tapos sobrang late"

"Opo ma, kainin mo yan ha!"

"Thank you nak! Text me pag na sa bahay ka na" I kissed her cheeks tapos sumakay na ako elevator

--

Pag uwi ko ng bahay ay kaagad kong tinext si mama na nakauwi na ako. Naisipan ko rin i-text si Pat. Buti na lang we exchanged numbers bago ako bumaba

/Agnes: Hi Pat! This is Agnes. Thank you pala for dropping me sa office ni mama. Nakauwi ka na ba?

Wow naman Agnes bakit may pag message kung nakauwi na sya. Okay erase erase

/Agnes: Hi Pat! This is Agnes. Thank you pala for dropping me sa office ni mama. See you tomorrow!

(sent)

Maya maya ay umilaw yung phone ko

/Pat: Hello Agnes! No worries. Skl naman na I'm watching Harry Potter and the sorcerer stone at the moment  :)

Napangiti naman ako sa idea na she's watching the hp series na. Hindi ko alam kung saan ako matutuwa, sa fact na nanonood sya hp or yung sa dahil sakin pinapanood na nya dahil sakin

/Agnes: Ay weh? I really hope na magustuhan mo. Can't wait na matapos mo! :)

/Pat: Sa totoo lang Agnes, I really don't watch movie series kasi it's too long and most of the time I find it boring. Pero parang tama ka nga, ma e-enjoy ko to lalo na recommended mo hahahahaha

/Agnes: Sorry Reoma charms things

/Pat: Ang hangin naman non teka kunin ko lang kumot ko

"Ngiting ngiti ka dyan ate ah, sino ba yang katext mo? may jowa ka na ba? patingin nga" biglang nagsalita si Emil, yung nakakabata kong kapatid

"Alam mo ikaw lagi ka nalang sumusulpot bigla"

"Hala di nya sinagot yung tanong. Ikaw ate ah who's that pokemon?"

"Anong pokemon? kakanood mo ng tv yan eh. Matulog ka na nga ipapasok kita sa tv" binato ko sya ng unan

"Aray? kailangan nananakit?"

"Matulog ka na nga Emil"

"K. Goodnight! love you panget mo sleepwell"

"Love you too! May humila sana sa paa mo habang natutulog ka"

Kahit lagi kami nag aasaran ni Emil, I know for sure na we love each other so much. It's the love-hate relationship for me. Most of the time, kami lang kasing dalawa magkasama sa apartment lalo na pag nag w-work si mama. Akala nila pag may kapatid ka, you have the constant rivalry and competition with them pero it really depends on the sibling itself. Emil is very protective lalo na he have to step up nung nawala si papa. I know younger brother ko sya pero there's this aura na alam ko pag may nanakit sakin, si Emil yung unang susugod. And I know na alam nya I would do the same for him.

I took a shower and pumasok na ako sa kwarto ko. Pat and I texted for hours. She asked questions about the movie and nakipag chikahan din about random things. Tuwang tuwa sya sa mga random facts ko about Harry Potter, may mga na sa book kasi na wala sa movie. I don't know exactly what I'm feeling pero ang sarap sa pakiramdam na kausap ko sya. Napansin namin na 1 am na and then she decided to sleep na kasi may lakad daw sya tomorrow morning eh baka di nanaman sya magising sa alarm nya kasi minsan daw sa sobrang antok, sarili nyang alarm pinapatay nya.  We said our goodnights na pero di parin ako makatulog. So I read books na lang and ang advance study na rin para dalawin ng antok since saturday naman bukas, okay lang magpuyat.

--- time jump, here comes monday again ---

I was awaken by the sound of my alarm. I checked my phone and kita kong 5:30 am na. Grabe inaantok parin ako pero kailangan ko ng bumangon para mapaghanda ko sila mama ng breakfast bago sila umalis. It's the least that I could do para mabawasan manlang yung mga gawain ni mama sa bahay.

"Ma? Ready na yung breakfast mo"

"Hay nako nak ikaw talaga, dapat ako na nag luluto nyan. Aga aga mo tuloy gumigising

"Hay nako ka rin ma sige na kumain ka na dyan"

"Ikaw nak hindi ka ba kakain?"

"Hindi na ma, nag coffee naman na ako. Dun na ako sa school kakain"

"Agnes ha puro ka kape"

Nginitian ko lang si mama and kumiss na ako bago umalis. Sinilip ko rin si Emil na natutulog pa sa kwarto nya. Habang nag lalakad ako papuntang terminal ng jeep, naramdaman kong nag vibrate yung phone ko sa bulsa.


/Pat: Good morning, Agnes! Club day today right?

good na good talaga ang morning sis

/Agnes: Good morning, Pat! Yes yes. Sa music room tayo for the orientation ng new members

/Pat: Oh okay okay. Otw ka na ba sa school? ingat!  :)

Ay shet teka lang may pa ingat si ategirl, okay self wait kalmahan lang natin ang reply baka mahalatang tuwang tuwa ka

/Agnes: You too!

------

Pat's POV

After ko kumain ng breakfast ay naalala ko yung kwentuhan namin ni Agnes last friday. I really enjoyed talking to her, ang dami dami nyang facts and tuwang tuwa ako. Ang gaan gaan sa pakiramdam pag nag uusap kami. Last saturday pa ako nag iisip ng way para makausap sya ulit pero wala akong maisip. Baka kasi makulitan na sakin. Pero ngayon mukhang may reason na ako para i-text sya

/Pat: Good morning, Agnes! Club day today right? btw, nag breakfast ka na?

Teka lang naman Pat bakit ganon yung message mo, erase erase

/Pat: Good morning, Agnes! Club day today right?

Alam ko namang club day today pero wala alng gusto ko lang syang i-text

/Agnes: Good morning, Pat! Yes yes. Sa music room tayo for the orientation ng new members

/Pat: Oh okay okay. Otw ka na ba sa school? Ingat! :)

/Agnes: You too!

Ay yun na yun Agnes? sagad na yun? wala bang ingat din? smiley? Pighati tayo dun self ah. Behave na nga lang muna

Sunsets and city lights with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon