Fourteen

143 5 0
                                    

Agnes' POV

Last period na namin for the day and after this ay yung band auditions na. Excited na ako mapanood yung mga gustong sumali. We are currently having a math quiz at the moment, medyo mahirap sya pero natapos ako ng maaga. I scanned the room and dami pang nag sasagot, tinignan ko si Pat and I saw na kakatapos lang nya. Our eyes met and we both smiled

"Ms.Reoma and Ms.Lasaten, anong ginagawa nyo?"

Nagulat ako nang sumigaw yung prof namin,

"Uhm wala po sir" sagot ni Pat

"Anong wala? bakit kayo nag ngingitian? diba sabi ko no talking habang nag q-quiz?"

Nakayuko ako at hindi sumasagot. Kasi naman self bakit ka ba lagi ngumingiti pag nagkakatinginan kayo ni Pat? camera ba sya ha? sinasabi ba nya 1,2,3 smile?

"Sorry po sir." sagot ni Pat

"I'll mark you both cheating kapag inulit nyo pa yan habang nag q-quiz kayo. Am I clear?"

"opo" mahina naming sagot

"AM I CLEAR?!" kaloka ka sir need sumigaw? nakalunok ata to ng mic

"opo, sir."

Maya maya ay nag ring na ang bell, inayos ko na yung gamit ko at sumenyas ako kay Pat na sa labas na kami mag usap kasi baka ma bingo na naman kami kay sir.

"Hoy walangya ka lasaten first time ko masigawan"

"Ha weh? Sorry naman si sir kasi masyadong highblood"

"Kaya nga eh parehas naman na tayong tapos sa quiz, as if naman na mag kokopyahan pa tayo"

"Paano mo nalaman na tapos na ako mag sagot? Tinititigan mo ako no? ikaw reoma ha, may bayad ang titig" pabiro nyang sinabi

"Napatingin lang napaka feeling neto, pero sige magkano ba bayad sa titig mam?"

"Libre na kung ikaw tititig sige" ay teka lang naman Pat shet

bigla namang may nagsalita sa likod namin

"Hoy kayong dalawa wag kayong mag landian dito sa hallway aba" paglingon ko si Andrew and Poch pala

"Ulul tigilan nyo kaming dalawa biruan as friends lang naman yun?" talaga ba Agnes

"Ouch sa as friends. Payag ka non Pat?" Poch

"Puro kayo kalokohan, bahala kayo pag sinapak kayo ng bff ko, diba bff?" ayan bff daw, awit.

"Oo tama tama bff"

"Bestfriend my ass" Andrew

Sabay sabay na kami pumunta sa music room at kita naming nag aayos na sila Migs sa loob. Pumwesto na kami sa may long table at yung mga mag a-audition naman na sa may bandang likod. Migs will just call them kapag sila na yung mag peperform

Medyo madaming nag audition ngayon kasi we are looking forward to make our band na madaming members para unique.

"Ayan na, next na yung inaabangan ni Ms. President" Binulong ni Migs sa amin.

"Next na sila Pat?" I asked.

"Wala naman akong sinabing sila Pat na yung next ah?" napangiti si Migs

"Halatang sila yung inaabangan Agnes" Pao

"Ewan ko sainyo excited lang naman ako kasi sabi nila they were in a band before eh gusto ko lang naman na maging solid band natin kasi ngayong year yung 5oth anniversary ng bandslam na sasalihan natin okay? gusto ko lang manalo okay?"

"Oh kalma ka lang masyado kang defensive eh" sabi ni Keifer. tumatawa silang lahat. Minsan talaga gusto ko tong sapakin isa isa eh

"Excited na ba kayo malibre ng samgyup guys? dagdag ni Pao. hay nako isa pa to. Syempre bugok tong sila Poch, um-oo naman sila, jusko pag pagkain talaga kahit lovelife ko napag ttripan eh

"Eh sa movies and popcorn ni Poch?" tanong ni Jam

"Ha anong movies and popcorn? napakunot yung noo ko.

"Ay wala yun imbento lang yan si Jam" sagot ni Poch. nako may something hmm ano yun

"Tatawagin ko na sila Pat ha" tumayo na agad si Migs at nagmadali tawagin sila Toni


"Hello guys" Kumaway sila Andrew sa amin papunta sa harap. They were setting up their instruments and ready na to perform.

"So please describe yourself and yung instrument na gagamitin nyo" Poch

"Hi I'm Patricia Lasaten, I play the keys"

"l'm Andrew De Pano, I play the percussion"

"l'm Toni Munoz and I also play percs"

"So tell us, why do you want to be a part of the band or anything about why do you love music" Migs

"l love music so much and I can see na we are on the same page. It's a good thing na lahat tayo may mutual perspective about music so I think marami tayong matututunan together and do amazing things sa future performances" Andrew

"Sa totoo lang hindi ko naman pinangarap magbanda, pero nung naranasan ko mapunta sa isang band, I know sa sarili ko na I was meant to play music like this. Kaya l'm doing my best palagi kasi l use music as an expression. I know if ever you've given us the chance na sumali kami sainyo officially, parehas tayo mag ggrow to make more music together kasi solid kayo as a band and as friends." Toni

"Same kay Toni, music is my way of expressing words and emotions na hindi ko masabi. Singing is not my forte, pero I make sure na every note I play sa piano are genuine enough to make you feel things without being touched physically, and I know na with you guys, I'll be able to express more and share messages kasi alam kong talented kayo. Chaka the most important thing siguro kaya I want to join your band is because of you

Agnes..."

I can feel that all eyes were on me. Nagulat ako, what does she mean? shet Pat

"And you Migs" wait ha?

"And Pao, Keifer, Poch and Jam" bwisit na to. She laughed. Pati sila Jam natawa rin

"Kasi I can see you guys as a potential family na will always have our backs, and for me mahalaga yun kasi that's a form of bond na hindi mo mahahanap basta basta sa iba" Tapos na si Pat mag salita pero di parin sila tapos tumawa.

Ah Lasaten gumaganti ka ha.

Sunsets and city lights with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon