02

7.4K 513 140
                                    


Nasa balikat niya ako ngayon habang papasok kami sa isang malaking gate ng school. Halos lahat ng estudyante ay napapatingin sa 'wemin. Hindi ko alam kung dahil ba sa'kin o dahil sa kanya o baka dahil saaming dalawa.

This man is a freaking prince, dark prince to be exact. Nagulat nga ako ng malaman na magkakasundo ang lahat ng kaharian dito, looks like this word is peaceful.

"Wow! President, alaga mo?" tanong ng babaeng nakasalamin at nilapitan ako.

Ugh. Please don't touch me.

"My guardian," tipid na sagot ni Kreyos.

"Can I hold her? Please?" sabi pa nito habang nakatingin lang sa 'kin.

Don't let her! Kanina pa akong hinahawakan ng mga tao sa loob ng mansyon!

"No," ani niya na ikinangisi ko. Good.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang bahay. Pumasok siya doon at hindi pinansin ang mga taong nasa loob.

"Wait! Is that the fox we saw?!" Napalingon ako at doon ko nakita ang dalawang babae na nakita ko sa gubat.

Oh, nandito sila?

"Nakakainis naman," nakasimangot na sambit nito na ikinatawa ng kasamahan niya.

"It's cute, Pierce. Saan mo nakita 'yan?" Nilapitan ako ng isang lalaki at akmang hahawakan ako ng angilan ko 'to.

Sawa na akong mahawakan ng mga madudumi niyong kamay. Please, tigilan niyo muna ako.

"Whoa. Sabi ko nga," natatawang sambit nito.

"She's a guardian and she's now mine," sabi ni Kreyos at binuhat ako. "She's tiny, I think I should train her to make her big."

Train what? No! I'd rather sleep than do that! Psh. Umalis ako mula sa pagkakahawak niya at ininat ang paa ko. Parang mas maganda ang ganito kasi puro kain at tulog na lang ang gagawin ko.

Pumunta ako sa isang kwarto at akmang papasok ng may bumuhat sa 'kin.

"It's not my room," sabi ni Kreyos bago ako ipasok sa isa pang kwarto.

Inilapag niya ako sa kama kaya agad akong nahiga. Yes, that's the spot. Ang lambot ng kama.

"You love sleeping, don't you?" I yawned when he start caressing my head.

What is he doing here? Hindi ba siya aalis para makasama ang mga kaibigan niya?

"You're wierd, you know?" Yeah and please stop talking to me like I can talk back. "Stay here, I'll get you a food."

Yes! A food! That's right, serve me, Dark Prince! I'm your boss now!

Napatawa nalang ako sa naisip ko at napabuntong hininga. I think this is gonna be exciting, I mean, I'm another creature now and I'm in other world. Mas marami akong mai-explore dito kaysa dati na parati akong nag-iisa at puro aral lang ang inaatupag. Luckily, hindi ko na kailangan mag-aral! Yey!

Ilang minuto pa ay hindi parin bumabalik si Kreyos kaya napagdesisyunan kong sundan siya. Well, I need to eat first before I sleep. Mas masarap matulog kapag busog. Hehe.

But, wait. Where's everyone?

Pumunta ako sa kusina pero walang tao roon. Ugh, nasaan naman sila nagpunta?

"President! Ilag!"

"F*ck! How did they get in here?!"

Wait, boses ba nila 'yon? Mariin akong napapikit ng kumirot ang ulo ko.

That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Where stories live. Discover now