17

5.8K 313 58
                                    


"Ang earth ay isang hindi mapayapang mundo kung saan nabubuhay ang mga pesteng kurakot na gahaman sa pera—aray!" Sinamaan ko ng tingin si Mira sa pagbato niya sa 'kin ng ballpen.

"Kanina mo pa 'yan sinasabi!" sigaw niya.

Umirap ako at tinalikuran siya.

"Ako nagku-kwento kaya manahimik ka," sabi ko.

Napasigaw naman ako ng hilain niya ang mga buntot ko. Pesteng Mira! Ipapatapon ko 'to sa north korea e!

"Tama na 'yan, Mira. Hayaan mong makapag-kwento si Fei." Kinuha ako ni Lana kaya naman nilabas ko ang dila ko at inasar si Mira.

Panget!

"Sarap kumain ng nilagang soro ngayon," nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa 'kin.

Napalunok naman ako at dumikit pa lalo kay Lana. Alam kong masarap ako pero ayokong makain.

"Heto na nga." Umayos ako ng upo.

"Mag-kwento ka ng maganda," sabi ni Lana.

Ngumisi naman ako.

"Ako," sabi ko na sana hindi ko na lang ginawa.

"Ihawin na lang natin?"

"Basta akin ang binti, gusto ko ng may sabaw."

"Waah! Magku-kwento na nga e!" sigaw ko kaya agad nila akong binaba.

"Magku-kwento naman pala, gusto pang bantaan lutuin." Napasimangot naman ako.

Malasin sana kayo pareho. Mga wala kayong puso.

"Ehem. Since ang baybayin ay nagsimula sa Pilipinas, sa Pilipinas lang tayo mag-focus," panimula ko.

"Paano ang ibang lugar? Marami pa bang lugar bukod sa Pilipinas?" Tumango ako.

"Next time ko na iku-kwento 'yon kasi nga may kailangan pa kayong tapusin, 'di ba?" At isa pa hindi pa naman ako nakakarating sa ibang bansa.

"Ang Pilipinas ay isang magandang bansa, marami kang pwendeng puntahan doon para magsaya pero hindi naman siya perpekto. May lugar din na kung saan ay makalat at madumi," sabi ko.

"Dahil nga walang kapangyarihan ang mga tao r'on, teknolohiya ang katulong nila."

"Ano ang teknolohiya?" tanong ni Mira.

"Hmm, 'wag mo na itanong mahirap mag-explain," sabi ko.

Napasimangot naman siya.

"Back to the topic!" sigaw ni Lana.

"Isa sa pinakamagandang napunta ko r'on ay ang isla ng Boracay," nakangiting sabi ko at agad ding nawala ng may maalala ako.

Oo nga pala, 'yun pala ang huling lugar kung saan nakasama ko ang pamilya ko. The funny thing is kahit hindi ko nararamdaman na mahal nila ako ay masaya pa rin ako kapag nakakasama sila.

"Fei, are you okay? Nanahimik ka." Tumingin ako kay Lana.

"Ah, oo. Dahil tamad akong mag-explain at wala na kayong pakialam kung bakit, bakit hindi niyo na lang kunin ang libro na nakita ni Lana?" Nagkatinginan naman ang dalawa sa sinabi ko.

"Nanakawin namin 'yon?" pabulong na tanong ni Mira.

Napairap ako.

"Hihiramin niyo lang naman," sabi ko.

"Eh kailangan pa naming mag-paalam?" Napatampal na lang ako ng mukha sa katangahan ng dalawa.

Sarap ilunod ng dalawang 'to ng matauhan.

That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Where stories live. Discover now