19

4.9K 357 33
                                    


Matapos naming bumisita sa lamay ko ay pumunta na agad kami sa condo. Bigla akong nawalan ng lakas. Ano 'yon, pinaniwala ko lang ang sarili ko na hindi nila ako mahal? Ang boba ko pala kung gano'n.

Tahimik akong umupo sa sofa habang iniisip kung gaano ako naging kasamang anak at kapatid sa kanila. I never listen to them, I let myself to believe in lies.

"Fiera, do you know her?" tanong ni Lana na tinutukoy ang pinuntahan naming lamay kanina.

"Yeah," mahinang sagot ko.

"How did you know someone from the earth?" takang tanong ni George.

I sighed. "Because I came from here. Nagmula ako sa mundong 'to." Wala rin akong choice kundi sabihin.

"Eh? Really? That's why you suddenly talked about this world," sabi ni Nana at tumango tango pa.

"It's impossible, paano ka napunta sa mundo namin?" tanong naman ni Jack.

"I died. Na-reincarnate ako rito." Napasinghap naman sila Mira.

"It's that your friend? It's so sad that she died too," sabi ni Nana.

Umiling ako at umakyat sa side table. Itinayo ko ang picture frame na nakatumba ro'n at mapait na napangiti. 'Yun ang picture ko na naka-steady lang at hindi nakangiti. Ewan ko kung bakit pina-frame ko 'to.

"It's me."

"Ha?!" Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw nila.

Kailangan ba talaga nilang sumigaw ng gano'n kalakas kapag nagulat?

"Ikaw 'yon?!" Napairap ako.

"Kasasabi lang 'di ba?" Bumaba ako at umakyat naman sa lamesa. "I died here, don't ask me why it's been a month in your world since we met, and then we found my burial here. Hindi ko rin alam."

"I also know the person who has magic too, not really because I don't want friends back then." Huminga ako ng malalim. "Well, It's the Goddess plan. Wala na akong magagawa."

"Pero ang ganda mo ro'n ah," asar ni Lana at sinundot sundot pa ang katawan ko.

"How about your family?" tanong ni Kreyos.

"Hmm, kaya na nila ang sarili nila. I mean, may na realize ako ngayon na may pakialam naman talaga sila sa 'kin at hindi pwede sa mundo ko ang hayop na nakakapagsalita at may kapangyarihan. I don't belong here anymore," sagot ko.

"Maybe it's too painful for you." Kinuha ako ni Lana at niyakap. "Don't worry, Fiera. We will be your new family."

Napangiti naman ako. Not gonna lie, kahit papaano ay nabawasan ang lungkot ko.

Matapos ang pag-uusap ay nagluto na sila ng pagkain. Good thing, I still have food inside the refrigerator kaya ginamit namin 'yon. Matapos naming kumain ay nanood sila ng t.v at para silang mga baliw na manghang mangha sa pinapanood.

Napailing na lang ako at pumasok sa kwarto. Nag-inat ako ng katawan at binuksan ang drawer doon. Kinuha ko ang family picture namin na matagal ng lagay ro'n.

"Need help?" Napalingon ako sa likod ko.

"Yes, katulong. Come here." Sumama naman ang mukha ni Kreyos at lumapit sa 'kin.

Sinabi ko kay Kreyos ang isusulat sa likod ng picture. Hindi naman mahaba pero humingi pa rin ako ng tawad sa pamilya ko.

Nagtipon-tipon kaming lahat sa sala pagkatapos no'n. Hinihintay na lang namin na sumapit ang hapon para mapuntahan na si Isabela.

Ugh, I can't imagine her going with us and for sure, doon din siya mag-aaral sa Academy. Hindi naman n'ya ako kilala so no worries.

"Promise me you won't tell anyone about my past. Kahit sa mas nakakataas," sabi ko.

That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Where stories live. Discover now