08

6.3K 393 21
                                    


Kinabukasan ay maaga rin kaming nakaalis sa bayan na 'yon at nagpatuloy sa paglalakbay. Halos dalawang araw kaming naglakbay patungo sa bayan kung saan nandoon ang quest namin. Wala naman masyadong nangyari at wala rin namang sumugod na mga halimaw saamin pagtapos no'n.

Pero habang papalapit kami ay napapansin ko ang kakaibang katahimikan doon kahit na hapon pa lang. Hindi ko kasi alam kung anong klase quest ang dapat naming matapos doon.

"Careful, may nararamdaman akong kakaiba." Napatingin ako kay Lana na seryosong nagmamasid sa paligid.

Napalunok naman ako at agad na kinabahan. Hindi pa rin ako nasasanay, wala naman kasing mga halimaw sa dati kong mundo 'di ba? Malamang bago lang saakin ang mga panget nilang mukha.

Nang makarating kami sa tutuluyan namin ay nakarinig kami ng isang tawa kaya lahat kami ay napatigil.

"Eh? Why these little kids is still outside?" Lahat kami ay napatingin sa babaeng nakalutang sa taas.

Hindi ko mapigilan ang mapanganga. An-ang ganda! Ang mahaba nitong kulay pilak na buhok, ang kulay pula nitong mga mata, ang pangil na sumisilip sa bibig niya at ang maiksi niyang suot na bumagay sa kanya. Para siyang Diyosa pero obviously, isa siyang bampira.

Teh, kagatin mo ako teh. Rawr.

"Vampire," usal ni Kreyos. Ngumisi naman ang babae.

"Hindi niyo ba alam na hindi kayo pwedeng gumala sa gabi?" Napakunot naman ang noo ko at napatingin sa kalangitan.

"Hapon palang ah," nagtatakang sabi ko.

Napatigil naman ang babae at unti-unting namula ang mukha.

"Ma-magagabi na rin!" sigaw nito. Napangiwi naman ako.

"Tatlong oras pa bago mag gabi," usal ko at mas lalo namang namula ang mukha niya.

"Stephanie! What are you doing to our visitor?" Napatingin ako sa gwapong lalaki na naglalakad papunta saamin.

"Hmp!" Bumaba na rin ang babaeng nagngangalang Stephanie at lumapit sa lalaki.

Wow. Mag jowa sila? Naol.

"Nothing, Dad." Nanigas naman ako ng marinig 'yon.

D-dad? Pwede na siyang maging sugar daddy! Ang gwapo at hindi halatang may edad na!

"Welcome to the Kingdom of vampires," nakangiting bati nito saamin. "Let's go inside so we can talk about your quest."

Walang nagsalita saamin at sinundan na lang siya papasok sa malaking bahay na hinintuan namin kanina at hindi ko mapigilan ang mapahanga. Wow, ginto lahat ng nandito, o baka naman ginto lang ang kulay? Mahirap ng ma+scam.

Lahat kami ay umupo sa sala, ay hindi. Sila lang pala dahil nakahiga ako ngayon sa lap ni Lana. At pansin ko rin ang kanina pa pagtingin ng Stephanie na 'yon saakin. Anong problema niya?

"I am Vlad—"

"My Dad is the King," proud na sabi ni Stephanie.

"Steph," nagbabantang sabi ni Vlad marahil sa pagputol ni Steph sa sinasabi niya. Napanguso naman si Steph.

Pfft. So isa siyang prinsesa.

"The ogres stole our divine crystal ball. It helps us to control our bloodlust to humans and another creature and to make chaos to another kingdom so we need you to the get that crystal from them," panimula ni Vlad.

Naitabingi ko naman ang ulo ko. Ogres? Sila ba 'yung panget na may kulay green na katawan tapos malalaking ngipin?

"My soldiers and another creatures living here in my kingdom can't go outside their house. Hindi ko sila pwedeng isabak sa misyong ito dahil baka mawala sila sa sarili." Napatango-5ango naman ako.

That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Där berättelser lever. Upptäck nu