21

5K 386 70
                                    


Pagmulat ko ng mata ay hindi na ako nagulat ng makita si Tania sa harap ko. Ang boses n'ya talaga ang huling narinig ko bago ako mawalan ng buhay. Patay na ako 'di ba? 'Yun lang naman ang pwedeng dahilan kaya ako nandito.

"Laki ng ngiti ah," sabi ko ng makita ang ngiting nakapaskil sa mukha n'ya.

"Why not? You're in your human for now."

"Oh Goddess! I'm so thankful that I became human and died again for no reason," sabi ko at humawak pa sa dibdib ko.

"Silly, you're not dead. You're just unconscious. The power you used just drained all your mana so I decide to talk to you while you're unconscious," natatawang sabi niya.

Napangiwi naman ako.

"Ano namang kailangan mo sa 'kin?" tanong ko.

"Here." Hinawakan n'ya ang kamay ko at inilagay ro'n ang puting bilog na bagay. "Eat it."

"Ha?! Ang laki nito, tingin mo ba kakasya 'to sa lalamunan ko?" gulat na tanong ko sa kanya.

Mukha pa namang mahirap kagatin ang bilog na 'yon.

"Trust me, eat that. It will help you a lot," sabi n'ya pa.

Napasimangot ako. Kasing laki ng golen ang hawak ko. Hindi kaya ako mabulunan dito? Huminga na lang ako ng malalim bago pwersahang nilunok ang bilog.

"G-gah!" Napahawak ako sa dibdib ko ng malakas na tumambol 'yon.

Bigla ring lumalabo ang paningin ko at sobra akong nahihilo na para akong masusuka. Teka, ano ang ibinigay n'ya saakin, lason?!

"T-Tania," tawag ko sa kanya pero nakangiti lang siya sa 'kin.

"Have a nice life, my masterpiece."

Master piece mo mukha mo punyeta ka ang sakit!

"Report: You mana as increased into 999999. . ."

"AH!" sigaw ko at marahas na napabangon.

Mabilis akong napatingin sa katawan ko at kinapa iyon. Buhay pa ako!

"Fiera? Are you okay?" Hinihingal akong napatingin kay Lana at napahawak ng ulo.

Punyeta, kung sakaling papuntahin ulit ako ro'n ay hindi ko na tatanggapin ang kung ano mang ibibigay n'ya sa 'kin! Pakiramdam ko namatay ako ulit!

"Okay lang." Inilibot ko ang paningin ko at napansin na nasa clinic pala ako.

"We're worried about you, may sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Lana.

Inilagay n'ya ang dalawang kamay n'ya sa pisngi ko at bahagyang pinisil pisil 'yon.

"You're not hot naman. Or maybe your mana drained so much, huwag mo kasing ipilit ang sarili mo." Napasimangot ako at tinanggal ang kamay niya sa pisngi ko.

"Para kang Nanay ko, Lana." Natawa naman siya.

"Aba, kung may anak ako na ganito kaganda, hindi na ako tatanggi pa." Napatawa na lang din ako sa sinabi niya at napailing.

"Teka, nasaan ang iba?" tanong ko.

"Nasa training room, ngayon kasi gaganapin ang pag-summon ng familiar," sabi n'ya.

Familiar? Ayon ba 'yung parang magiging side kick nila?

"Eh ikaw? Bakit na nandito?"

"Malayo pa kasi kami tsaka sinabihan din ako ni Kreyos na i-check ka, sakto naman na gising ka na." Napatango ako at tumayo.

Ayos naman na ang pakiramdam ko. Hindi sumasakit ang ulo ko o ano pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang pinakain saakin ni Tania. Naramdamaan ko ro'n ang ikalawang kamatayan.

That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Where stories live. Discover now