05

6.8K 395 57
                                    


Next morning, I walked with the President. Halos lahat ng nadadaanan naming estudyante ay napapalingon saamin. Paano ba naman kasi, isinama niya ako sa pag-iikot sa school.

Madami ngang nagbubulungan na, bakit daw ang guardian ni Kreyos ay kasama ng President achuchu. Hindi ko na lang pinansin ang iba dahil bukod sa inaantok ako, ayokong marinig ang tungkol sa lalaking 'yon.

"I'll give you back to your real owner," sabi niya at doon ko lang na realize na papunta kami sa dorm nila Kreyos.

Ha! As if tatanggapin ako non. Tsaka ayoko rin naman sa kanya, masamang tao kaya siya, duh. Pagdating naman namin sa harap ng pinto ay kumatok ng tatlong beses si President.

"I wish you are mine," mahinang sabi niya at medyo humigpit ang pagkakayakap saakin.

Napangiti naman ako. Oh I would love to be your guardian dahil kahit may side ka na masungit at seryoso inaalagaan mo ako. Hindi katulad ng iba r'yan. Panget na nga, panget pa ugali.

"Yes?" The hell? Bakit ba siya lagi nagbubukas ng pinto.

"I have your guardian," usal ni President. Bumaba naman ang tingin nito sa 'kin.

"Thanks for taking care of her." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kreyos at kinuha ako mula kay President.

Seryoso siya? As in legit? 'Di nga? Kukunin niya ako?

"Welcome," sagot naman nito at binalingan pa ako ng tingin bago tumalikod at umalis.

Oh no, don't leave me.

"Now, go away." Napasinghap ako ng ibaba niya ako ng makalayo si President.

How dare he! So cruel, hindi niya na sana ako kinuha kay President!

"Ano bang problema mo?! Isusumbong kita kay Mama!" inis na sigaw ko at napatigil ng maalala kong may naiwan pala akong pamilya sa dating buhay ko.

Si Mama at Papa, pati ang nakakainis kong kapatid na babae. Kumusta na kaya sila? Sana hindi sila masyadong malungkot sa pagkawala ko. Pfft, kalokohan. Eh wala nga silang pakialam saakin, baka nga nagsasaya pa ang mga 'yon sa pagkawala ko kaya bakit ko pa sila inaalala?

"Hey." Naapangat ako ng tingin kay Kreyos at umiwas agad ng tingin.

"Tch," singhal ko at tumalikod para umalis.

As if gusto kong tumira kasama siya.

Nakarinig naman ako ng pagbuntonghininga kasabay ng muli kong pag angat. Kapal, matapos akong palayasin bubuhatin ako? Iba rin.

"I'm sorry." Natigilan ako ng marinig ang mababang boses niya. "I am wrong, please be mine again."

Pinaharap niya ako sa kanya kaya ngayon kitang kita ko ang seryoso niyang mukha, hindi manlang nagbago.

"Hmp. Fine, buti na lang mabait ako," sabi ko at naulit ang pagliwanag na nangyari noong una niya akong binigyan ng pangalan.

"Are you hungry?" tanong niya. Umiling naman ako dahil kumain kami ng President bago umalis.

"We're having a quest tommorow, wanna come with me?" anyaya niya.

Huh? 'Di ba dapat nasa tabi niya lang ako kasi guardian niya ako?

"You're still small, baka hindi mo makayanan—" Sinampal ko naman ang mukha niya dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita.

Psh, alam ko naman hindi siya masasaktan sa sampal na 'yon, eh, pero sa reaksyon niya parang ang lakas lakas ng sampal ko. O.A beh?

"Maliit ako pero malakas ako!" protesta ko.

Mahinang tawa lang ang isinukli niya saakin bago kami pumasok sa dorm at ibaba ako sa lamesa sa tapat ng sofa.

That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Where stories live. Discover now