13

6K 376 55
                                    


"Good morning 'ya all!" Napaungol ako sa inis ng marinig ang sigaw ni Lana.

Abot hanggang dito sa kwarto ni Kreyos ang malakas niyang boses.

Nakauwi na kasi kami galing sa quest na ginawa namin at nagu-umpisa na rin ang klase pero dahil pagod kaming lahat ay lumiban sila. Kahit naman pumasok sila makakapagpahinga pa rin. ako kasi hindi naman ako nag-aaral.

"Rise and shine everyone! Nakahanda na ang ating agahan!" muling sigaw ni Lana.

"Aray naman!" inis na sigaw ko ng bumagsak ang mabigat na kamay ni Kreyos sa 'kin.

Agad ko itong kinagat at pinagsisipa pero ang loko tinakpan lang ang mukha ko gamit ang higante niyang kamay!

"Kreyos!" inis na sigaw ko ng inalog alog niya ang ulo ko.

Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.

"Good morning," medyo paos na sabi niya kaya napasimangot ako.

"Anong maganda sa umaga?" iritang tanong ko at tumayo.

Gusto ko pa sanang matulog at magpahinga pero ang daming istorbo. Ugh, why can't I have a peaceful life?! Kahit ilang minuto lang.

"Why so grumpy?" Sininghalan ko lang si Kreyos at nag-unat ng katawan.

Pumunta ako sa harap ng salamin at tiningnan ang sarili ko. Oh my, I'm so adorable. Look at my nine tails, it's cute. Hindi ko sila masisisi kung pangigigilan nila ako dahil sa ka-cute-an ko.

"Shit. My head hurts." Napatingin ako kay Kreyos na nakaupo sa kama.

He's half naked and his hair is messy. Kung ibang babae lang siguro ang makakakita ng ganitong eksena ay magtitilian na ang mga 'yon, ang hot niya kasi tingnan.

"Tanggalin mo ulo mo," sabi ko at naglakad patungo sa pinto.

Paano ko ba 'to mabubuksan?

"Open the door," utos ko kay Kreyos pero parang wala itong narinig at tumayo para pumunta sa closet niya.

"Open the door!" sigaw ko.

Naniningkit ang mata ko sa inis. Naku! Nangigigil ako! Umagang umaga iniinis niya ako!

"Kreyos! You're freaking ugly faggot!" Natigilan naman siya sa paghahanap ng damit niya.

Opps. I think it's a wrong move?

Seryoso siyang tumingin sa 'kin kaya mabilis akong tumalikod at napalunok. Bibig mo kase Nina! Kinalmot kalmot ko na ang pinto at umaasa na may makarinig dahil ramdam ko ang nakakamatay na tingin ni Kreyos mula sa likod ko.

Oh no. Please, spare me.

"You really have bad mouth, Fiera." Mas lalo akong namutla at binilisan ng pagkalmot sa pinto gamit ang dalawa kong kuko.

"No! No! Help!" sigaw ko ng marinig ang yabag niya papalapit sa 'kin.

Nanlalaki ang mata kong tumingin kay Kreyos na ngayon at nakangisi sa 'kin. Fakshoot, ang creepy!

"U-uhm. Ya-yamete kudasai?" patanong na sabi ko at nagpa-cute pa. "Daisuki, Kreyos-sama."

Please! Gumana ka!

Tumaas naman ang isa niyang kilay. Tinabingi ko ang ulo ko at nag-pretty eyes pa. Nina, isang kahihiyan ang ginagawa mo!

Ano pa ba? Wala na akong alam na japanese word!

"Sogo?" Sogo ba 'yon? Hindi ba motel 'yon sa mundo namin?!

"The fuck are you saying?" kunot-noo niyang sabi.

That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Where stories live. Discover now