Chapter 2

98 14 21
                                    

'Looking at you feels like I saw the mesmerizing galaxy of the universe, telling me only one thing. Dub-dub-dub.'

_________

4 years ago...

KELAN

Nasaan na ba si Chantal? Nakakaloka. Malapit na mag-simula ang Prom Night pero hindi ko parin siya makita. Baklang yun, kaya nga siya ang gusto kong partner dahil ayokong mag-lakad mag-isa mamaya eh.

Masasabunutan ko ang babaeng iyon kapag talaga mag-isa akong naglakad mamaya. Nakakahiya. Nagpaganda pa man din ako ng bonggang-bongga tas magiging alone pala ako sa paglalakad.

Tumunog ang telepono ko at nang makita na si Chantal ito ay agad kong sinagot ang tawag. "Nasaan ka na babae? Bakit wala ka pa. Magsisimula na yung Prom." Kinakabahan aniko sa kanilang linya.

"Chill ka lang nga. Nandito na ako." Nagbunyi ako sa saya ng marinig iyon. "Saan?" Agad na tanong ko at luminga-linga sa paligid ko.

"Nasa likod mo." Lumingon ako nang marinig iyon. Mula sa likod ko ay nakita ko siyang nakatayo at hawak ang telepono sa tenga niya. Nakangiti siya saakin at ilang hakbang lamang ang layo namin.

Nakasuot siya ng mahabang gown na binili namin nung nakaraan sa Mall. She turn into a beautiful star. Hindi makapal ang make-up niya ngunit ibang-ibang ang tama niya saakin.

Wala akong ibang makita nung mga oras na iyon kundi ang buong siya. Imbis na sa gwapong lalaki ako nakatingin na nasa likod lang niya ay sa kaniya ako nakatingin.

"Tara na sa section natin." Nakangiting sabi ko sa kaniya at inalalayan siya maglakad nang makabalik ako sa huwisyo.

Ilang sandali pa ang lumipas at tinawag na ang mga estudyante para sa entrance kasama ang partner nila. Kinuha ko ang telepono ko at tinutok saamin. "Ngiti." Sabay kaming ngumiti sa camera ng telepono ko.

Nakatingin ako ngayon sa litratong nakadikit sa pader ng kwarto ko. Ito ang litrato namin sa telepono ko nung Prom Night. Napangiti ako nang bahagyang maalala iyon.

Mula nung gabing iyon ay marami na ang nagbago saakin, hindi ko lang alam kung pansin niya ba. Everything  change in just a seconds after that night.

And as expected she won as the Ms. Brightest Star 2011. Iyon ang titulo dahil starry night ang theme ng Prom namin. Tsk. Nakakainis lang dahil hindi ako ang nanalo bilang Mr. Brightest Star 2011, si Clyde. Yung nakakainis niyang ex. Aanga-anga kase ako nun at sa kaniya lang natuon ang buong atensyon ko.

Speaking of her ex boyfriend. Hindi ko alam ang rason kung bakit sila naghiwalay, all i know is she's running for my hugs as she cries because of him.  Magiging masaya na sana ako kung hindi ko lang nakita na umiyak at nasaktan si Chantal eh.

I know how much she loves him. Nakikita at naramdaman ko kung gaano niya kamahal ang lalaking iyon. Everytime she talks about him, I can see how her eyes will light up. How I wish that was me. Pero alam ko naman na hindi mangyayari iyon.

Isang pangarap na hindi matutupad ang mahalin niya ako pabalik. Dahil alam ko kung gaano niya ka-mahal si Clyde. They're together for almost three years, kahihiwalay lang nila nung nakaraang linggo. And here I am secretly loving her for four years now.

The Art Of Letting Go Where stories live. Discover now