Chapter 7

67 10 10
                                    

'Drowning myself in beer while im trying to forget my feelings for you.'

_______

KELAN

Nasa bahay ako ngayon ni Naomi kasama ang mga ka-grupo ko para gawin ang thesis namin, we're planning to pass it next week para wala na kaming proproblemahin iprepresent pa naman namin ito.

"Oh. Meryenda muna kayo." Nakangiting sabi ni Naomi at binaba sa lamesa na nasa harapan namin ang juice na malamig at may ilang biscuit.

"Salamat." Sabay-sabay na sabi namin bago bitawan ang ginagawa namin ay kumuha ng pagkain.

"Kailan pa nating idiscuss ito sa buong klase. We should be confident with our words." Sabi ni Jaiden habang kumakain kami.

"I agree. Mas mataas ang grado natin panigurado." Pagsang-ayon ko.

"Wendy oh kumain ka." Alok ni Naomi sa kaniya sabay bigay ng biscuit sa kaniya.

"Ah-yes, thanks." Nakangiting sagot ni Wendy na tila nahimasmasan at kinuha ang biscuit.

Kanina ko pa napapansin na parang ang lalim ng iniisip niya, para siyang lutang which make me kinda curious about her. Palagi kase siyang maalam sa paligid niya at palangiti rin but she looks different lately.

"Are you okay?" Pasimpleng tanong ko sa kaniya na ginantihan niya nang bahagyang ngiti at tumango saakin. "Yeah."

"You two look cute, kaso taken na si Kelan." Kumento saamin ni Naomi na kinataka ko. "Me?"

"Yes. You and Chantal are in a relationship right?" Umiling ako.

Sana nga.

"No. Kaibigan lang kami ni Chantal." Pag-aayos ko sa sinabi niya.

"Hindi ako naniniwala maybe just friends for now. Possibleng walang nararamdaman ang isa sainyo." Panunukso pa niya na kinangiti ko.

Ako yung nagkagusto.

"Wala." Maikling sagot ko.

"Then pwede kayo ni Wendy. You two look cute together, a guitarist and a dancer a perfect match." Kunwari pang kinikilig na sabi niya.

Kaso lang mahal ko na ang Bestfriend ko.

"Dude don't take Naomi seriously." Natatawang sabat saakin ni Jaiden na tinawanan ko rin.

Matapos magmerienda ay muli naming sinimulan na gawin ang thesis ang as we plan bago pa kami maghiwa-hiwalay ay natapos na namin ito.

"Bye!" Nakangiting sabi ni Naomi saamin habang kumakaway sa tapat ng pinto nila na ginantihan namin nang kaway bago nagpatuloy sa paglalakad.

"You guys have a car? I can give you ride." Nakangiting sabi ni Jaiden na hindi na namin tinangihan at sumakay sa kotse niyang Hyundai.

Nakatingin lang sa labas si Wendy buong oras na nasa kotse kami, nabaling sa kaniya ang atensyon namin ni Jaiden nang magsalita siya.

"Stop the car here. Dito na lang ako." Nakangiting sabi ni Wendy ngunit halata kong pilit lang ito. "Here? Sa 7eleven?" Nakakunot noong tanong ni Jaiden na tinaguan niya.

Nagtataka man ay hininto niya ang kotse at bumaba si Wendy. "Dude, dito na rin ako." Nakangiting sabi ko sa kaniya at tinapik ang balikat niya bilang pasasalamat bago ako bumaba sa kotse niya.

Hinintay ko pa na makaalis ang kotse niya bago habulin ang naglalakad na si Wendy, hindi ko alam kung saan siya pupunta hut i insist to go with her.

The Art Of Letting Go Where stories live. Discover now