Chapter 5

71 13 12
                                    

'Seeing you with someone else
is silently breaking me.'

_______

KELAN

Mabilis na lumipas ang isang linggo at kasalukuyan sabado ulit ngayon. Graduating class kami kaya mas marami ang ginagawa namin kumapara sa iba.

Isinarado ko ang librong binabasa ko nang mapagod ako kaka-aral. Kinuha ko ang telepono ko na nasa gilid lang, nakita ko na may groupchat silang ginawa para sa grupo ko sa thesis na ibinigay saamin. Passing na sa susunod na buwan kaya mas marami ang pagkakaabalahan namin nito.

Jaiden:

Let's meet up kung may free time kayong lahat. We should focus on our thesis.

Naomi:

Yes. We can do it guys.

Wendy:

I am free anytime, kayo?

Me:

Im free naman pero bibili ako nang mga kailangan natin.

Wendy:

I go with you na lang.

Me:

Sure.

Jaiden:

I be the one to do research kasama ko na lang si Naomi.

Naomi:

Oo. Then we all do the thesis na lang kapag kumpleto na tayo sa gamit. We can do it.

I-off ko na ang cellphone ko at naghanda para umalis. Ngayon na kase ako bibili nang mga kailangan namin. Sigurado akong marami ring students ang bibili nang mga kailangan nila, mahirap nang maubusan sa mga kailangan naming gamit to do thesis.

Nakasuot lang ako nang maikling short na hanggang hita panglalaki at maluwag na puting t-shirt, nagpapabango ako nang biglang tumunog any cellphone ko. Tumatawag si Chantal saakin.

"Oh?" Bungad ko nang masagot ang tawag at i-on ang speaker tsaka binaba ang cellphone ko habang pinagpatuloy ang pag-aayos ko.

"May gagawin ka ba ngayon?" Napansin ko ang saya sa boses niya.

"Hmm. Bibili ako nang mga materyales para sa thesis ngayon, bakit?"

"Sakto!" Masayang aniya. "Magkikita kase kami ni Clyde sa Mall din eh. Pasabay ako ah." Nagpaawa pa ang boses niya, napakusilap ako sa kawalan sa sinabi niya.

"Bakit hindi ka ba masusundo nang magaling mong boyfriend?" Mapaklang tanong ko at binitawan na ang suklay na hawak ko.

"Oo eh, tsaka hindi pa kami ulit nanliligaw pa lang siya." Kinikilig na sagot niya.

Sige pamukha mo pa saakin.

"Sige na baba na ako." Maikling sagot ko, hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at tinapos ko na ang tawag.

Bumaba ako patingin sa sala namin. Naabutan kong nanonood si Mama nang paborito niyang teleserye tuwing hapon.

"Ma alis lang ako, bibili ako nang mga kailangan sa project namin." Paalam ko habang umiinom nang tubig.

The Art Of Letting Go Where stories live. Discover now