Chapter 6

68 12 11
                                    

'How can i forget my feelings for you when you're the most beautiful chapter of my book?'

_______

KELAN

"Tabitha pumayag ka na." Pangungumbinsi ko kay Chantal sa telepono.

"Ayoko nga Kelan. Tigilan mo ko." Nayayamot na sabi niya ngunit hindi ako paawat. "Sige na! Tabitha." Pagpupumilit ko.

"Tsaka isa pa huwag mo nga ako tawagin sa second name ko, hindi ako natutuwa." Seryoso ang boses na sabi niya saakin.

"Ang cute kaya ng Tabitha. Tabitha. Tabitha." Pang-uulit ko sa pangalan niya narinig ko nag malakas na buntong hininga niya.

"Fine. Basta huwag ako ang pagagalitan ni Tita kapag pumalpak ka at madumihan ang kitchen ninyo." Nagdiwang ako nang marinig ko ang pagpayag niya.

"Oo ako bahala. Basta tuturuan mo ko ah." Masayang-masaya na sabi ko.

"Syempre alangan naman pabayaan kita sa kusina." Nayayamot paring aniya na tinawanan ko.

"Bilisan mo na mag-ayos, kailangan nating bumili nang mga ingredients." Napasuntok ako sa hangin dahil sa narinig ko. "Oo baba ko na, bye Tabitha." Bago ko pa marinig ang pagkainis niya ay binaba ko na ang tawag namin.

"Yes!" Masayang-masaya na sabi ko habang pababa ako nang hagdan.

"Aba, anong kinatutuwa nang anak ko?" Nagtatakang tanong ni Mama habang naghahati nang sibuyas sa lamesa.

"Tuturuan ako ni Chantal gumawa ng cake." Masayang sabi ko kay Mama na binigyan ako nang nag-aasar na tingin.

"Kaya naman pala napakasaya mo pero saan naman kayo magluluto aber?" Tinaasan niya ako nang kilay na kinakamot ko sa batok ko.

"Dito sa kusina natin." Nangingiting saad ko.

"Ay hindi pwede, kilala kita magluto paano kung madungisan ang kusina ko." Nakataas na kilay niya saakin bago tumalikod at inilagay sa mainit na kawali ang hinating sibuyas na naglikha nang tunog.

"Mag-iingat naman ako tsaka kasama ko si Chantal." Pagpapaliwanag ko.

"Hay nako basta gusto ko pag-uwi ko maayas tong kusina at may nakahandang pagkain para saakin, siguraduhin mo na masarap ang luto mo ah." Pagpayag niya sa kahilig ko.

"Noted Madam." Pabirong aniko at kunwari pang sumaludo sa kaniya.

"Saan ka nga pala pupunta Ma?" Nagtatakang tanong ko.

"Bibili ako nang grocery natin. Tsaka may i-memeet akong highschool friend ko." Nakangiting sagot niya saakin na tinaguan ko.

Saglit pa kaming nag-usap ni Mama bago ako nag-ayos ng sarili ko para sa pagbili namin mamaya ni Chantal ng mga ingredients sa iluluto namin.

"Ingat ka." Paalala pa saakin ni Mama bago ako tuluyang lumabas saamin. Mula doon ay nakita ko ang nayayamot na mukha ni Chantal na nakatayo sa gate nila at hinihintay ako.

"Oy! Masyado kang masungit ngayon. Papangit ka niyan lalo." Pang-aasar ko sa kaniya nang malapitan siya.

"Tigilan mo nga ako Kelan." Naiinis na suway niya saakin tsaka kami nagsimula maglakad palabas sa Subdivision namin.

"Bakit red flag mo ba ngayon at napakasungit mo?" Taning ko sa kaniya kaya mas lalo niya akong sinamaan nang tingin.

"Oo kaya tumahimik ka diyan dahil pag nainis talaga ako hindi kita tuturuan." Pagbabanta niya na kinatahimik ko.

Pero hindi ko mapigilan magtanong sa kaniya. "Bibili ka din ba ng napkin?" Bulong na tanong ko.

"Ayt!" Biglang sigaw niya na muntik ko pang kinatalon. "Hoy Kelan Bryant Federino. Tigilan mo ko kung ayaw mong sabihin ko kay Jaiden na gusto mo siya." Pagbabanta niya saakin sabay kawak sa kwelyo ko.

The Art Of Letting Go Where stories live. Discover now