Chapter 11

76 10 10
                                    

'Im so inlove with you that i fall for you everytime.'

______

KELAN

Nagsasayahan at magagandang awitin ang bumungad saakin pagpasok ko sa University. Napangiti ako ng mapagtanto na ito na ang huling araw ng Event na ginaganap. Mas masaya ito kumpara sa nakaraang tatlong araw ng kasiyahan.

Its the 40th Foundation of our school kaya may gantong kasiyahan, swerte namin dahil sakto ito sa graduating class at naranasan namin ito bago umalis sa school.

May mga ibat-ibang vendor sa loob ng University para mabilhan ng mga pagkain at ibat-ibang mga gamit. Its indeed a happy day para sa lahat ng estudyante ng school namin.

Bukod sa mga bilihan ay mayroom ding kompetisyon na sisimulan na maya-maya lang ang mananalo ay malaking halaga ng pera ang mapapanaluhan, kada participants ay may makukuhang halaga para sa pagsali nila kaya sa madaling salita walang uuwing talunan.


Tinignan ko ang gitarang hawak ko at bumuntong hininga, isa ako sa mga sasali at ilang araw ko nang ineensayo ang boses ko para rito.

Nagtungo ako sa back stage school. Marami ng estudyante ang nakaupo sa kaniya-kaniya upuan para manood sa mangyayari palabasan ng talento.

Lumipas ang oras hanggang mag-simula ang kompetisyon. Ilang candidates na ang naunang nagtanghal at kinakabahan ako dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin makita sa audience si Chantal.

Kahit iniiwasan ko siya ay kailangan ko siya. Siya ang nagbibigay saakin ng lakas para ibahagi ang talento ko sa harapan ng maraming tao.

Nasaan ka na Chantal? Para sayo pa naman ang kantang aawitin ko.

"Next performer let's welcome, Kelan Bryant Federino from Section I!" Malakas na anunsyo ng Emcee ng school na nasa gilid ng stage na kinahiyaw ng lahat ng mga manonood na estudyante rin.

Umakyat ako sa stage dala-dala ng gitara ko, malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang umupo sa high chair na inihanda sa harapan kasama ang de-stand na micropono.

Ngumiti ako sa kanilang lahat, binalingan ko ng tingin ang gitara at sinimulan kong patugtugin ito.

Muli kong inangat ang paningin ko sa mga manonood ngunit tumigil ang paningin ko sa babaeng nag-lalakad sa mismong gitna patungo siya sa mga bakanteng upuan sa harapan, ayan nanaman siya.

Huminto ang paligid tanging ang tunog na lamang ng gitara ko ang naririnig ko at hindi na ang mga hiyawan ng mga manonood para saakin.

Sa isang saglit nawala ang kaba ko nung makita siya at nagsimulang kumanta.

"Look out here she comes, the woman that i love." Simula ko sa kanta habang nakatutok ang paningin ko sa kaniya.

'How can she make me feel like a statue everytime she come near?'

Napako lamang ang paningin ko sa kaniya habang patuloy siyang naglalakad patungo sa bakanteng silya para manood saakin.

"Its too bad she'll never know, yea i can't tell her how i feel."

'Those eyes of her, how can that make me feel something i never felt before?'

Isang tingin ko lang sa kaniya, babagal nanaman ang paligid ko, matitigilan at mapagtatanto ko na lamang na nakatulala na ako sa kaniya.

'How can this girl, walking infront of me, change me in just a seconds?'

"Because she has someone that makes her happy."

The Art Of Letting Go Where stories live. Discover now