Love at first sight

589 2 0
                                    

Start

Huwebes ng umaga, nag mamadali ako dahil may interview ako, lahat ng mga ginagawa ko sa umaga ay ginagawa ko na, matapos kumain ay pinasadahan ko muna ng tingin ang aking sarili sa salamin bago lumabas.

Pagkalabas ko ay nag abang na ako ng jeep, pinara ko ang jeep na paparating, ito yung maganda dito sa apartment na inuupahan ko eh, malapit sa sakayan ng jeep.

Umupo ako sa may likod ng driver. "Bayad po." Abot ko sa driver.

"Saan ito?" Tanong ng driver.

"YZ company po." Sagot ko sa driver.

Tinignan ako ng driver sa salamin na nasa harap nya. "Saan?" Medyo alanganin nyang tanong.

Nagtataka man ay sinagot ko parin sya. "Sa YZ company po." Medyo malakas na sagot ko.

"Saan?" Tanong nya ulit.

Naiinis na ako, kasi nag mamadali ako tapos napakabingi pa ng driver. "YZ company!" Malakas na sabi ko.

"Bayan ito neng hindi ko madadaanan yung YZ company." Sabi nya sakin sabay abot ng binayad ko sa kanya.

"Ay! Sorry po! Mali pala nasakyan ko! Nag mamadali kasi ako." Natatawang sabi ko sa driver sabay kuha ng perang ibinayad ko kanina.

"Okay lang miss." Sagot nya sakin.

"Nag tatalo pa kayo." Natatawang sabi ng kapwa ko pasahero, ngumiti lang ako at bumaba na.

Buti nalang dito ako binaba ni kuya sa mismong sakayan.

This time sinigurado kong tama yung sinasakyan ko.

Ilang minuto ang lumipas ay nasa tapat na ako ng company, pumasok ako sa loob at umakyat sa floor kung saan gaganapit ang interview ko.

Pagkadating ko dun ay marami rami na ang tao dun. Malaking kumpaya kasi ang YZ company kaya naman hindi na katakatakang maraming gustong makapasok dito. Maganda pa ang benefits dito.

Kumuha ako ng number sa babae at nag log in.

Tinignan ko ang number ko. "107." Bulong ko sa sarili.

Ng lumipas ang oras ay ako na ang isasalang sa interview ay lalo ako kinabahan.

Pinakakalma ko muna ang aking sarili bago pumasok sa loob.

"Happy morning!" Masiglang bati ko.

"Morning take a sit." Sabi ng babae na nasa likod ng lamesa.

Maganda ang babae maputi sya siguro mga nasa mid 30's na.

Nag simula na ang interview sakin sinasagot ko lahat ng mga tanong pinapaliwanag ang bagay na hindi nya gets.

"I'm sorry to tell you but hindi ka namin matatanggap, kasi ang hanap ng company ay yung may experience na. Sabi mo kasi first job mo ito kung saka sakali." Malungkot na sabi ng babae.

Ngumiti lang ako sa kanya at nag pasalamat tapos umalis na.

Bagsak ang balikat papalabas ng gusali, gustong gusto ko ng mag kawork!

Mangiyak ngiyak akong lumabas ng YZ company.

Pumara ng jeep pauwi! Ilang araw akong nag handa para dito, ang dami kong ginastos para dito, tapos mauuwi lang sa wala!

May tumigil na jeep sa harap ko, dinoble check ko pa kung tama na ang sasakyan ko mahirap na! Last money ko na itong hawak ko.

Pag kasakay ko nag bayad agad ako ng tama, pinikit ko ang aking mga matang pagod, tanghali na ng makalabas ako sa YZ kaya naman gutom ako.

Huminto ang jeep senyales na may sasakay, well wala naman kasing nag salitang "para po!" Kaya matic na yon.

May naramdaman akong may tumabi sakin. Hindi ko ito pinansin.

"Bayad sa kanto ng F lang." Sabi ng kasasakay lang.

Lalaki sya base sa boses nya.

"Saan?" Tanong ng driver.

"Sa kanto ng f!" Malakas na sabi ng lalaki.

Dinilat ko ang aking mata at nakita kong nag tatrabaho sya sa YZ company, nakayuko sya, nakahawak sa handel ng jeep, halatang lasing ang isang ito, nakapikit ito, nakaharap banda sakin. Mag katabi kasi kami.

Napatingin ako sa mga mata niyang nakapikit, makapal na pilik mata at makapal din na kilay, mapupulang labi at maputi sya! Black na black ang kanyang buhok. May jacket na nakasampay sa balikat nya.

Umayos sya ng upo, itinakim ang jacket sa mukha nya, siguro naramdaman nyang may nakatingin sa kanya.

Yung bigat na naramdaman ko kanina ay parang magic na nawala! Never pa akong nakaramdam ng ganto sa buong buhay ko!

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nakatingin lang ako sa kanya umusog ako palayo kasi may bumaba, saka baka isipin mas yado kaming close.

May girlfriend kaya sya? Saan kaya bahay nya? Ano pangalan nya? Nasisiraan na ako ng ulo! Parang kanina lang para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Ngayon naman para akong nasa heaven.

Sobrang gwapo kasi nya! Ang lakas pa ng dating! Makasama ko lang ito ng isang gabi okay na ako!

My god! Ang landi ko! Umusog sya ng konti papalapit sakin at tumalikod sakin. Nakayuko sya pero nakaalis na ang jacket sa ulo nya.

Malago din ang buhok nya, bumabagay sa kanya, para syang k-idol yung mga kpop! Parang ganun.

Umayos ulit sya ng upo nakasampay ulit ang kamay nya sa handel ng jeep, napatingin ako sa mukha nya, pababa sa leeg, sa may tenga!

My god nirerape ko na sya! Solid din naman pala ang mga nangyari sakin ngayon.

Hays! Saan kaya sya nakatira ng marape ko na!

Sana wag na huminto ang jeep! Sana dito nalang kami! Gusto ko syang makausap kaso nahihiya ako, saka ano naman ang sasabihin ko sa kanya?

Kuya may gf kana ba? Kuya crush kita! Waaa! Ano ba nababaliw na alo dito! Wala pa nga syang nagagawa pero ang lakas na ng impack nya sakin! Pano pa kaya pag may ginawa na sya? Baka mahimatay ako dito!!

May mga bumababa at sumasakay sa jeep sa bawat minutong dumadaan. Pero ang atensyon ko ay nasa lalaking katabi ko lamang! Kababae kong tao ay napaka manyak ko!

Well hindi nyo ko masisisi! Ang gwapo kasi nitong lasing na lalaking ito. Ang angas.

Malapit na kami sa F kung saan sya bababa nakaayos na sya ng upo, kuya wag kana muna bumaba! Dito kana muna!

Pero hindi nya ako pinakinggan bumaba parin sya! Hmp! Pasalamat sya crush ko sya!

Halos mamilipit ang leeg ko sa kakasunod sa kanya. Hindi ko man lang naitanong name nya at kung ano number nya! Kahit ang fb name nya ay hindi ko na tanong!

Ng makarating ako sa bahay ko ay nahiga ako sa kama, at laman pa rin ng isip ko ang lalaking yon, kahit sandali ay hindi sya mawala sa isip ko.

Ano kaya name nya?

Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko na nag wowork pala siya sa YZ COMPANY kaya naman dalidali kong hinanap ang aking cellphone at hinanap ang page ng YZ company saking cellphone.

Nakakita ako ng lalaking medyo hawig sa kanya, dapat pala kinuhanan ko sya ng picture! Tanga tanga ko talaga!

Sana sya itong lalaking ito! Sinave ko yung pic nya at nag send din ako ng friend request.

The end

One shot CollectionWhere stories live. Discover now