Workers

185 0 0
                                    

Happy 5k word thanks!!!! Keep supporting me.

Start

-Nakatira ako sa apartment ng mama ko. Nagtatrabaho kasi ako sa isang company, at malapit lang naman ang apartment na tinitirhan nya kung saan ako nag tatrabaho.

"Winnona." Rinig ko ang pagtawag ni mama sakin, sa kwarto kung nasaan ako.

"Po?" Medyo malakas na tugon ko dito.

"Ibili mo nga ako nang sibuyas, dyan lang sa may kanto." Utos nito sakin.

Kaya naman ay tumayo na ako sa higaan para bumili.

Kinuha ko ang perang iniabot nito at lumabas na ako.

Pagkarating ko sa tindahan ay agad akong namili nang sibuyas.

"Oh! Renz." Masayang pagtawag ng tindera sa bagong dating.

Ramdam ko na pinasadahan ako nito nang tingin, pero hindi ko yon pinansin.

"Ate pabili nga po ako nitong sibuyas nyo." Singit ko sa kanila.

"Sige iha. Tatlong piso ang dalawa." Sagot nito sakin.

Agad kong iniabot ang bayad ko at umalis na.

Hindi ko na pinansin pa ang paghabol ng tingin ng lalaki sakin.

"Ang ganda talaga nang anak nyang si Wilma." Rinig kong sabi nang tindera.

Hindi ko naman na narinig ang sagot ng lalaki dahil umalis na ako.

"Ma. Ito ho ang sibuyas nyo." Pagtawag  pansin ko sa nanay ko.

"Pakihiwa mo na rin." Dagdag nautos nito.

Agad ko yong hiniwa para matapos na ito. Kakauwi ko lang kasi galing trabaho, at gusto ko lang magpahinga.

"Ano pala ang gusto mong ulam? Para sa baon mo?" Tanong nito habang nakatalikod sakin.

"Kahit ano basta wag lang itlog." Agad na tugon ko dito.

Tumango naman ito sakin, matapos kong hiwain ang sibuyas ay agad ko yong binigay sa kanya.

Naupo ako sa mahabang sofa para dun nalang hintayin na maluto ang pagkain.

Nang matapos magluto ang aking ina ay kumain na kami.

"Kumusta naman ang unang araw mo sa trabaho?" Masayang tanong nito sakin.

"Ayus naman. Nakakapagod lang." Simpleng sagot ko dito.

Tumango ito sakin. "Nga pala. Nilabhan ko na ang uniform mo, para bukas." Pagaanunsyo nito sakin.

Hindi naman ako kumibo dito at tinapos ko na ang aking pagkain. Nang matapos kaming kumain ay ako na ang naghugas.

"Ikaw na ang bahala dito ah. Matutulog na ako. Yung pinto siguraduhin mong nakalock, bago ka matulog, at ang mga ilaw. Patayin mo, mahal pa naman ang singilin sa kuryente at tubig." Mahabang bilin nito sakin.

"Oho. Ma." Tugon ko dito habang sinasabunan ang kaldero at kawali.

Pumasok naman na ito sa kwarto nya at sinara na ang pinto.

Nang matapos akong maghugas ay naligo naman ako nang maligamgam na tubig, nanlalagkit kasi ang aking katawan, at hindi ko gusto ang pakiramdam na yon.

Matapos maligo ay nag bihis na ako nang aking pantulog, at sinuklay ang may kahabaan kong buhok.

Pinatay ko muna ang ilaw bago ako sumampa sa kama ko.

Goodnight, at bukas ay work work ulit ako.

One shot CollectionWhere stories live. Discover now