PatNer

119 1 0
                                    

Start

"Kumusta?" Tanong ni Nerissa sakin.

"Buhay ka pa pala?" Natatawang balik tanong ko dito.

Tumawa ito. "May problema." Sa sinabi nyang iyon ay napatigil ako sa pagtawa at sumeryoso.

"Ano yon?" Seryosong tanong ko dito.

"May tatambangan tayo." Seryoso din nyang sabi.

Tumango ako dito. "Dating gawe?" Tumingin ako nang seryoso dito. "Nagbago na ako eh. Pero sige. Para sayo." Tumawa ako dito.

Kaya naman pumunta kami sa napagusapan ng kalaban nya sa abandonadong lumang bahay.

Matagal na kaming magkakilala ni Ner. Highschool magkakilala na kami. Lagi kaming magkasama sa lahat ng bagay.

Mapa up and down man yan, lagi kaming andyan para sa isa't isa.

Kahit sa bisyo, away, party, wildest, trip, saya at lungkot.

"Naisahan ka ata ah." Natatawang asar ko sa kanya.

Biglang nasilabasan ang mga kalalakihang may mga dalang pamalo.

"Scammer!" Sigaw ng isang lalaki sa itaas.

"Sino naman yan?" Bulong ko kay Ner.

"Nauto ko." Natatawang sagot nya sakin.

"Baliw ka talaga." Natatawang sabi ko dito.

"Nagagawa nyo pang tumawa!" Nang gagalaiting sabi nang lalaki.

Nagkibit lang kami ni Ner nang balikat.

Sumenyas ang lalaki na lusubin kami. Kaya naman ay humanda na kami ni Ner.

Nagpapalitan kami nang mga kalaban ng malalakas nasuntok, palo at sipa sa isa't isa.

"Ahh." Daing ko nang mapalo ako sa tyan, hindi ko hinayaang matumba ako. Kaya naman ay malakas ko ito sinuntok sa mukha at sinundan nang suntok sa kabilang mukha at upper cut.

Nang mapatumba ko ito ay yung iba naman ang pinagtuunan ko nang pansin.

Sinalo ko ang palo na dapat tatama sa likod ni Ner. Nilingon ako ni Ner at tumango.

Binalingan ko naman ang lalaki na nagulat, sinamantala ko yon at binigyan sya nang suntok na hinding hindi nya malilimutan.

Nang mapatumba ko na ang halos hindi ko na mabilang na lalaki ay humarap ako kay Ner.

"What's plan?" Tanong ko dito nang mag back to back kami.

"Inum tayo pagkatapos." Tumatawang sagot nito sakin.

"Bet ko yan." Natatawa ding sabi ko dito.

Halos apat na oras ata kaming nakipag bakbakan.

"Ang sakit nang katawan ko." Reklamo ko.

"Tanga! Akala mo ba ikaw lang!" Galit na angil nito sakin.

Andito kami sa isang tindahan nakaupo at nagpapalipas ng sakit ng katawan.

Bumili si Ner ng yelo at alak, pati yosi ay bumili ito.

Ginagamot ko ang mga pasa at galos ko sa katawan ng umupo si Ner saking tabi sabay abot ng yosi.

Umiling ako dito. "Hindi na ako nag smoke." Sabi ko dito.

Kuwari ay nagulat ito sa sinabi ko pero hindi naman na ako pinilit.

Tinungga ko ang alak na nasa bote. "Ano bang atraso mo dun sa lalaking yon?" Tanong ko nang wala akong naisip na mapagusapan.

"Inistapa ko ang bayad sa weed nya." Natatawang sagot nito sakin.

One shot CollectionWhere stories live. Discover now