Lover

125 0 0
                                    

Sorry sa mga wrong grammar and typo, thanks

Start

-Nakatingin ako sa babaeng nilalaman lagi nang aking puso't isip. Nakangiti ito habang nakatingin sa mga kaibigan nyang naghaharutan. Nasa isang bar kami at nasa kabilang table ito.

Napawi ang ngiti ko sa mga labi, nang lapitan ito nang lalaki.

Ngumiti ito sa lalaki at nakipagusap.

Oo nga pala. Hindi ko nga pala ito pagaari.

"Pre wag mong titigan! Lapitan mo." Sulsol sakin ni Mark tropa ko.

"Kausapin mo na kasi. Tagal mo na iyang gusto pero wala pa'ring nangyayari." Natatawang kanyaw ni Dennis.

"Larissa!" Malakas na tawag ni Mark dito na ikanagulat ko.

Naagaw namin ang atensyon nito.

Pinalapit ito ni Mark samin, kaya naman ay lumapit ito samin habang bitbit ang isang basong rum.

Ngumiti ito kay Mark. "Bakit?" Mas yado naman itong sexy na suot nitong fitted crisscross dress na kulay itim.

"Pinapatanong nitong tropa ko." Asar na tanong nito sabay turo sakin.

"Hala! Bakit ako?" Gulat na tanong ko at hawi nang kamay nitong nakaturo sakin.

Tumawa ito at hindi pinansin ang sinabi ko. "Kung may boyfriend kana? At kung pwede daw bang magusap kayo?" Natatawang sabi nito kay Larissa.

Tumawa naman si Larissa at naupo sa tabi ko. Tumingin ito sakin at ngumiti. "Wala akong boyfriend." Nakangiting sabi nito sakin.

Namula naman ako sa ginawa nito. Alam kong wala itong nobyo.

Lagi kaya akong nakasubay-bay sa kanya.

"Pasensya kana sa mga kaibigan ko ah." Nahihiyang sabi ko dito.

Ngumiti ito sakin. "Ayos lang."

Nagusap pa kami nito, kaming dalawa nalang ang natira dahil ang mga lintik kong kaibigan ay iniwan kaming dalawa, natatawa-tawa sakin bago umalis.

Nagiinum kami habang naguusap na dalawa. "Anong oras na?" Tanong nito sakin.

Tumingin naman ako sa relong pambisig. "Alas onse na nang gabi." Sagot ko dito.

"Pwede bang makituloy sayo? Iniwan na ata ako nila Andrea." Ani nito sabay linga sa paligid. "Kung ayos lang."

"Ayos lang sakin." Pagpayag ko.

Lasing na'rin ito, baka mapahamak pa  ito kung iiwan ko.

"Hindi ka naman mang rerape? Hindi ba?" Natatawang sabi nito sakin.

Namula tuloy ako sa sinabi nyang yon. "Syempre hindi." Mahinahong saad ko.

"Wag kang mag-alala... magpaparape naman ako sayo. Hindi ako papalag." Natatawang sabi nito at itinaas pa ang dalawang kamay na parang nasuko.

Natawa'rin tuloy ako.

Kaya naman ay umuwi na kami sa condo ko.

Nang makarating kami ay naupo ito sa mahabang sofa, at hinubad ang sapatos.

"Ang sakit ng mga paa ko." Angil nito sabay hilot sa paa.

Lumapit ako dito at lumuhod. "Dapat kasi hindi ka nagmataas na takong." Sermon ko dito habang ako na ang nagmamasahe nang paa nito.

"Okay babe. Sorry." Maamong ani nito na ikinapula nang mukha ko.

Tunawa ito dahil sa pamumula nang mukha ko. "Ang cute mo kapag namumula ka." Sabi pa nito sabay pisil sa pisngi ko.

One shot CollectionWhere stories live. Discover now