Borders

191 0 0
                                    

Start

-Nangungupahan ako sa isang paupahan, kung saan malapit lang sa pinapasukan kong trabaho.

"Kakauwi mo lang?" Tanong ni Marco kapitbahay ko at isa ding borders.

Ngumiti ako dito at tumango lang.

Tinalikuran ko na ito at naglakad ng muli. Kinuha ko ang susi nang apartment ko at ipinasok na sa keyhole, bago ko pinihit ang doorknob at pumasok na sa loob. Nang makapasok sa loob inilapag ko ang susi sa pasimano at inilapag ang aking bag sa pang isahang sofa.

Nakakapagod na araw, ilang linggo na kaming puro overtime.

Nagtatrabaho ako sa isang factory, maganda naman ang bigayan kaso nakakapagod lang talaga.

Pumunta ako sa kusina at nag saing na, de lata nalang muna ang uulamin ko ngayong gabi dahil tinatamad na akong magluto.

Nang maisalang ko na ang sinaing ay nagtungo ako sa banyo para maligo.

Ilang minuto din ang itinagal ko sa banyo bago ako lumabas, nagsuot lang ako nang itim na panty at manipis na na sando na medyo may kahabaan. Hanggang itaas kasi nang tuhod ko ang haba nito. Hindi na ako nag abala pang magsuot ng bra dahil matutulog naman na.

Nagpahid ako nang lotion sa katawan at pagkatapos sinuklay ko na ang mahaba kong buhok.

Wala namang pasok bukas dahil linggo.

Pinatay ko ang apoy ng kalan ng makitang in-in na ang sinaing ko.

Maghahain na sana ako nang may kumatok sa pintuan ko.

"Sino yan?" Medyo may kalakasang tanong ko.

"Si Marco ito." Sagot ng nasa labas.

Naglakad ako papuntang pinto at binuksan ko ang pinto, medyo nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto.

"Ano yon?" Tanong ko dito.

"Ah. Nagluto ako nang adobong baboy, baka gusto mo?" Tanong nito sakin.

Ngumiti ako dito at mas nilakihan pa ang pagkakabukas ng pinto.

"Sakto wala akong ulam." Sagot ko dito. "Pasok ka." Alok ko dito.

Ngumiti ito sakin at pumasok na sa loob ng apartment ko, isinarado ko muna ang pinto at nilock ko iyon.

Alam kong type ako nitong si Marco. Lagi ko itong nahuhuling nakatingin sakin.

"Kumain kana ba?" Tanong ko dito.

Umiling ito sakin. "Dinalhan muna kasi kita." Paliwanag nito.

Tumango tango ako dito. "Pumasok na ba ang asawa mo?" Tanong ko dito habang naghahain na.

Kita ko ang pasimpleng paghagod nito saking katawan. Nakalimutan ko, nakapanty nga lang pala ako.

"Oo. Pang gabi sya ngayon." Sagot nito habang hindi inaalis ang mata saking pwetan.

At dahil inatake ako nang pagiging malandi ko ay mas lalo kong iniusli ang aking balakang.

"Ah. Ganun ba? Dito kana kumain, kung gusto mo." Medyo malambing na sabi ko dito.

Gwapo din naman itong si Marco, medyo may kaputian ito at malaki ang pangangatawan.

"Sige." Sagot nito at hindi nakatakas saking paningin ang pasimpleng paglunok nito.

Tumayo na ako nang tuwid at humarap na dito.

Ngumiti ako dito nang matamis. "Upo kana." Alok ko dito at pinaghugot pa nang upuan.

One shot CollectionWhere stories live. Discover now