Fan Boy

161 1 0
                                    

Start

"Ganda talaga ni Ms.Hanna."

"Ang sexy mo idol!"

"Can I be your boyfriend?"

"Maganda lang yan kasi may make up."

"Sexy daw! Eh ang taba taba nya!"

Ilang mga comment pa ang binasa ko bago ko inoff ang cellphone ko.

"Nagbabasa ka na naman ng mga comment. Tapos mamaya iiyak ka kasi sinabihan ka nang mataba." Biglang sumulpot si Mel sa kung saan.

Humarap ako dito at ngumiti. "Ayus lang naman ako. Saka comment nila yon. Ang panget nga lang ay sobra ang sinasabi nila." Nakangiti pa ring sabi ko.

"Ewan ko sayo." Umirap ito sakin bago ngumiti. "Oh." Inabot nito sakin ang isang bugkos nang rosas. "Pinabibigay ni Fan boy mo." Nakangiting sabi pa rin nito sakin.

Tinanggap ko ito at inamoy. "Ang sweet talaga nun." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Kinikilig ka pa dyan!" Sabi nito sakin sabay irap. "Magayos kana. Malapit na mag simula." Sabi nito sakin sabay ayus nang gown na suot ko.

Nang magsimula ay kinabahan ako. Matami rami din ang mga kasama ko sa show. Maraming tao, lalo tuloy akong kinabahan.

Nang matapos ang rampa ay nagkaroon kami nang mini awarding.

Nanalo pa ako, dahil ang galing ko daw. Nagpicture taking pa kami kaya naman ay gabi na ako nakauwi.

Pagdating ko sa unit ko ay may nakita akong lalaking nakatayo dun.

"Ms.Hanna? Deliver po." Sabi nang lalaki.

Delivery boy pala ito. Inabot nito sakin ang isang malaking box.

Punirma sa receipt paper t pinasok na ang malaking box. Medyo mabigat yon.

Nang makapasok ay inilapag ko yon sa sahig. Isinara ang pinto at binuksan ang malaking box.

Tumambad sakin ang malaking teddy bear. Ang cute naman nito!

Kanino kaya galing?

Pinasok ko ito sa loob nang kwarto ko at lumabas ako saglit para kumuha nang wine.

Bumalik ako sa kwarto at nagsimulang uminum.

Tinignan ko ang teddy bear at parang may nakasiksik sa collar nito. Kinuha ko yon at nakitang paper yon.

Binuksan ko ito.

To:Ms.Hanna

Hi! Napanood ko yung show mo! Ang galing mo dun. Gusto lang kita icongratulate.

From:fanboy

Sino kaya ito? Kanina red rose ngayon naman ay teddy bear.

Niyakap ko ang teddy bear dahil ang cute nya.

Hindi naman na bago sakin ang makatanggap ng mga regalo galing sa mga fans.

Kaya hindi ako dapat makaramdam ng ganto.

Bakit parang ang bilis lagi nang tibok nang puso kapag sa kanya galing ang mga regalo?

Alanganin namang main love ako sa kanya? Eh hindi ko naman sya kilala at mas lalo naman hindi ko pa sya nakikita.

Pero sya ang dami nyang alam about sakin.

Kahit ang Favorite kong color, food, song artists. Kahit ang pabango hindi nakatakas sa kanya.

One shot CollectionWhere stories live. Discover now