Online Love

87 0 0
                                    

Sorry ngayon lang nakapagupdate. Sobrang busy lang talaga.

Start

-Role play world alam ko lahat ay hindi pamilyar dito, alam ko na ang tingin ng iba dito ay poser o magnanakaw ng pagkakakilalanlan.

Pero mali sila don, dahil sa RPW dyan mo mararanasan makipagkaibigan, kahit isa lamang itong pekeng mundo.

Ako ni Lmnop Pascual Furrer o mas kilala bilang Nopy. Nirorole ko ang isang fictional character.

Marami akong naging kaibigan sa RPW marami na din ako naging ka RS o relationship sa mundo na ito.

Maharot nga daw ako sabi nang mga friends ko dito.

Tamang scroll lang ako sa RP acc ko nang may nakita akong isang post.

"lf gbf." sabi sa post kaya naman nag comment ako.

"partner in crime, ayaw mo?" comment ko sa post ng isang lalaki na nag ngangalang Ryu Bird.

Hindi ko hinintay na mag reply sya, may mga obligasyon ako sa totoong mundo. Nag tatrabaho ako sa isang electronics company dito sa lugar namin.

Matapos ang ilang oras na hindi ko pag online ay inopen ko ulit ang acc ko sa RP.

Nakita ko na nagreply yung Ryu Bird, pinindot ko ito.

"yes, please." reply nito sa comment ko.

Napangiti ako dahil alam ko na may bago na naman akong haharutin.

Nag message ako dito at nakita ko na nasa message request na pala sya at tadtad ako nang message.

Nag usap lang kami saglit dahil limitado ang oras ko, may work ako ngayong gabi kaya naman hindi ako pwede mag tanggal kausap sya. Hindi din naman ito tatagal sakin.

Wala naman talagang natagal sa RPW na relasyon.

"need to go. May work kasi ako now." reply ko dito.

"may work ka pala. Sana all." reply nya sakin.

"mag work kana para may pakinabang ka naman. Pabigat ka." pagbibiro ko dito.

"hahahaha kahit hindi ako mag work, nakita ako sa isang araw ng 500. Kaya ako na nagbibigay sa magulang ko nang pera." reply nito sakin na nag paangat sa labi ko.

Mayabang pala itong gago na ito.

Natatawa ako sa aking naisip at napailing nalang.

"matulog kana mandaling araw na eh. " reply ko dito.

"matutulog na sana ako, nag reply ka kasi." reply nya sakin.

Tumaas ang isa kong kilay dito. "so kasalanan ko pa pala." sarkastikong reply dito.

"yup. Ano pala work mo?" tanong nito sakin.

Natawa ako sa tanong nya kaya naisipan ko itong biruin.

"Clubbing." reply ko dito.

Hindi ko na inantay reply nya at pumasok na sa loob ng company.

Problemado talaga ako ngayon, dahil sa magulang ko.

Kaya naman sinusubsob ko nalang ang sarili ko sa pagtatrabaho at pagaaral.

Twenty years of existance pero never ko pa nalasap ang tunay na saya.

Ala sais ng umaga uwian na namin, deretso ako sa locker room dahil ayoko makipagsiksikan sa mga empleyado na atat na umuwi.

Antok at pagod na ako, gusto ko na matulog.

"Ang bilis talaga ni Hanna!" biro sakin ng katrabaho ko.

Tumawa ako dito, "pagod na eh." ani ko dito.

One shot CollectionWhere stories live. Discover now