Wildest Dream

224 1 0
                                    

Start

-Nakaupo ako sa isang stall ng bar kung nasaan ako.

Nagiinun ako at nag aunwind, gusto ko lang mapagisa at namnamin ang sarap ng alak.

Hanggang sa nakita ko ang lalaking pumukaw saking atensyon.

Matakad ito at malaki ang pangangatawan. Nakasuon ito nang white v-neck shirt at khaki short, nakasuot din ito nang kulay itim at puting rubber shoes.

Nakakapang-akit ang mga ngiti na pinapakawalan nito sa kausap na babae, nahalatang nilalandi sya.

Napataas ang kilay ko nang haplusin ng babae ang braso nito at bahagyang pinisil.

Well! Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa lalaking nag ngangalang Lizardo Roque.

Anak ng isang businessman at isa itong model and actor.

Maganda ang karera nito, pinapangarap ko din itong lalaking ito.

Lumingon ito sa gawi ko at ngumiti. At kahit na bumilis ang tibok ng puso ko ay hindi ko ito pinansin.

Bahagya ko pa itong inirapan at nag focus nalang sa paginum ng alak.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko, nilingon ko ito at nasalubong ko ang mga matang mapangakit ni Lizardo.

"Ano naman ang kailangan mo?" Mataray na tanong ko dito.

Tumawa ito. "Kahit kailan talaga ang sungit mo Mhel." Matatawang sabi nito sabay order ng alak. "Busy kaba? Matatapos na ang photoshoot natin." Masayang sabi nito.

"Ngayon hindi ako busy. Pero bukas busy na." Mataray paring sagot ko dito.

Tumawa ito sa tonong ginamit ko sa pagsagot sa kanya.

Bahagya pa nitong pinisil ang aking kanang pisngi.

Inis ko itong tinignan.

"Ang ganda mo talaga kapag magagalit." Natatawang sabi nya sakin.

At kahit na bumilis ang tibok ng puso ko, at kahit pa naramdaman kong umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha ay nanatiling inis ang bukas ng aking mukha dito.

Inirapan ko pa ito, at kinurot sa braso kung saan sya hinawakan ng babae kanina.

Hinimas nya yon habang tumatawa. "Ang sakit ah." Daing nito pero nakangiti naman.

Sa totoo lang, matagal ko nang gusto itong si Lizardo, nagsisimula palang ito sa career nya ay nakasupport na ako dito, matagal na din naman kaming magkakilala.

Dahil din sa kanya kaya ako nakapasok sa showbiz.

"Saan ka nga pala uuwi?" Tanong nito kapag kuwan.

Hindi ko ito tinignan, inubos ko muna ang alak na iniinum ko bago ako nag salita. "Pwede sa unit mo muna ulit? Ayoko sa condo ko." Agad na sabi ko dito.

Dahil kung uuwi ako don, paniguradong andun pa rin si mommy.

Ayokong magkausap kami, kung maaari nga lang na wag muna kaming magkita ay gagawin ko. Pero kilala ko si mommy, gagawa at gagawa yon ng paraan para magkausap kami.

"Kausapin mo muna kasi si tita." Sanhensyin nito sakin.

Tumingin ako dito. "Nahihibang kana ba? Alam mo naman kung ano ang sasabihin nya." Inis na sabi ko dito.

"Ipaintindi mo kasi kay tita na gusto mo ang ginagawa mo." Saan nya sakin.

Alam ko kung ano ang pinupunto nya, gusto nyang maaman at maintindihan ko na dapat kong ipaliwanag kay mommy ang mga gusto ko at ayaw ko.

One shot CollectionWhere stories live. Discover now