Diploma

238 2 0
                                    

-Start

Transfer ako sa isang school dito sa manila.

At ito ang unang araw ko sa school. Medyo kinakabahan ako.

Si mama kasi iniwan ako kay papa.

Naghiwalay kasi sila, kaya naman palipat-lipat ako sa kanilang dalawa.

Ako yung nahihirapan.

Malapit na ako sa room nang may mga kalalakihan akong nakasalubong.

"Eric tara na." Aya nang isang lalaki.

"Sige pre. Sunod ako!" Sigaw naman nang lalaking nasa may pinto.

Sa pagkakaalam ko ito yung room ko. Classmate ko pala sya.

Naglakad na ang lalaking tinawag na Eric papalapit sa kanila at makakasalubong ko sya.

Tinapunan pa nga niya ako nang tingin pero agad din nagbawi.

Pumasok na ako sa room at naupo sa dulo.

Gusto ko sana sa gitnang parte kaso marami nang nakaupo.

"Ikaw yung transfer?" Tanong sakin nang babaeng medyo singkit.

"Yeah." Nakangiti kong sabi.

"Dun ka nalang umupo sa tabi ko." Alok nya na agad kong pinaunlakan.

Gusto ko din naman magkaroon nang kaibigan.

"Ano nga pala name mo?" Tanong nya sakin. "Ako si Sofia." Nakangiti nyang sabi.

"Ako si Shaira." Nakangiti ko ding sabi.

Maya maya pa ay dumating na ang teacher namin.

Tinawag nya ako para ipakilala sa buong klase. Third year na ako ngayon.

Okay naman ang naging unang araw ko, masaya naman at nagkaroon ako agad nang mga kaibigan.

Breaktime na at nasa canteen kami.

"Cutting na naman si Eric." Reklamo ni Sofia at nakatingin sa kumpulan ng mga lalaki.

"Sino si Eric?" Tanong ko lahit na may clue na ako kung sino ito.

"Classmate natin sya. Lagi syang cutting, pinsan ko sya." Turo nya sa lalaking nakasalubong ko kanina.

"Ah." Sabi ko nalang sabay tango.

Magpinsan pala sila.

"Papakilala kita sa kanya." Sabi nya sabay tawag sa Eric at mga kaibigan nito.

Agad namang lumapit samin ang Eric.

"Ano yun Pia?" Tanong nito sabay upo sa tabi ni Pia.

Pang animan kasi ito kaya kasya kami.

"Ito nga pala si Shaira." Pakilala nya sakin sa nga kasama nung Eric. "Ito naman si Eric." Turo nya kay Eric. "Ito naman si Martin." Turo naman nya sa lalaking tumawag kanina kay Eric. "Ito si Harold." Turo nya sa lalaking may hikaw sa tuktok ng tenga. "At ito naman si Jayson." Turo nya sa lalaking medyo brown ang buhok.

Ngumiti naman ako sa kanila.

"Classmate natin sya, sya yung transfer." Ngiting dagdag pa ni Pia.

"Saan kang school galing?" Tanong nang Harold.

Mukhang babaero itong Harold.

Sinabi ko ang school ko dati.

"Dyan din nagaaral dati ate ko." Ngiting sabi naman ni Martin.

"Talaga? Saan sta dun?" Tanong ko dito.

Sinabi nito ang section nang ate nya.

"Maganda ba dun?" Tanong ni Jayson.

One shot CollectionWhere stories live. Discover now