Chapter 10: Blind and Truth

0 0 0
                                    

Kagura's POV

Kasalukuyan akong nagpapahinga sa ilalim ng puno malapit sa likod ng library nitong Academy, hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit ako napadpad sa lugar na iyon.

Tanging ang alitan lamang namin ni Danica tungkol sa isang tao ang dahilan kung bakit ako dali dali akong naglibot sa buong Academy hanggang sa mapadpad ako sa isang malamig na kagubatan.

Matapos nun ay nagising na lamang ako sa ilalim ng puno na ngayon ay sinasandalan ko na pagod na pagod at halos hindi maigalaw ang mga binti.

"Ano bang dahilan, Bakit?" Tanong ko sa sarili ko.

"Andyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap"

Napalingon naman ako ng may narinig kong may kumausap sa akin at paglingon ko ay nakita ko si Danica na hawak hawak ang mga gamit sa paghahardin.

"Teka, ano bang meron?" Tanong ko sa kanya.

"Mukang napasarap ata tulog mo ha" sagot nya sakin sabay tinawanan ako ng mahina.

"Ano nga?" Irita kong tanong sa kanya.

Ngunit muli ay tinawanan nya ulit ako.

"Tulad ng dati magtatabas tayo ng damo, didiligan ung mga pananim, pagkatapos irerecord natin ang progress natin at ipapasa sa student council" sagot nya sakin.

~Makalipas ang ilang oras na gawain sa hardin~

"Tara, bilisan na natin ang pagpasa nito" sabi ni Danica

Nagmamadali syang umalis papunta sa room ng student council at doon ay nakasalubong namin ang presidente nito.

Dahan dahan naman inabot ni Danica ang mga papel sa harap nya ngunit tinitigan lamang sya nito at tinuro ang lamesa.

Lumapit naman si Danica at nilapag ang mga papel sa lamesa at dali dali syang umalis palabas ng room ng pigilan sya bigla nito.

"Hanggang kailan mo binabalak manahimik?"

"Wala ka na dun kung anong balak kong gawin"

Hindi ko alam kung anong napagusapan nila nung mga sandaling iyon ngunit nabalot ng mga nagbabanggaan nilang mahika ang buong paligid ng mga sandaling iyon.

"Tara na" sabi ni Danica

Umalis na kami at dumiretso na sa unang klase mabuti na lang at hindi nalate sa pagpasok.

Lyka's POV.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Hindi ko inaasahan na ang mundong kinatatayuan namin ay isang ilusyon lamang at bukod pa rito ay ang paglilihim ni Danica sa bagay na ito.

"Sabihin mo Kayla papaano natin sya matatalo?"

"Hindi ko alam pero posibleng nahihirapan ngayon si Shiro sa pakikipaglaban sa kanya mag-isa"

Habang pinapanood ko ng paulit ulit ang mga nangyari sa akin sa loob ng bilang crystal ay may isang idea na pumasok sa isipan ko.

"Kayla babalik ako sa Academy" seryoso kong sabi sa kanya.

"Kung gagawin mo iyon mawawala ang lahat ng alaala mo" sabi ni Kayla sakin.

"Alam ko kaya lang....." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng pigilan nya ako.

"Sandali may naisip akong paraan"

Sinunod ko naman ang planong tinutukoy nya at bumalik sa Academy sa pagkakataon iyon ay nakita mismo ng mga mata ko ang biglaan pagbabago nito simula ng tumuntong ako sa teritoryong nasasakupan nito.

"Lyka oras na malaman nya na alam mo na ang lahat siguradong papatayin ka nya".

"Oo alam ko, kaya kinakailangan ko magingat"

Nakikipagusap kami ngayon sa isa't isa gamit ang telepathy hangga't hindi ako nalalayo sa mga lugar na sakop nya sa Academy ay siguradong hindi ko makakalimutan ang lahat ng alam ko.

Ilang saglit pa lamang ay nakita ko ang pagpasok nila Danica at Kagura sa loob ng silid, alam kong kinakailangan ko ng gampanan ang mga papel ko sa Academy nung oras na iyon.

Hindi ako naalala ni Kagura dahil hindi naman kami nagkakilala sa panahon kinatatayuan namin ngayon, kaya naman sinubukan kong kumbinsihin si Danica ngunit nagpumilit syang tumanggi.

"Kung sakaling magkaaberya hindi ako magdadalawang isip na tapusin sila at ang sarili ko" sabi ko kay Kayla.

"Hindi ko pa masasabi na nandun nga si Shiro matapos syang mapatay ni Kagura ng mga panahon na iyon, kaya naman hindi ko maipapayo sayo na gawin yan" sagot ni Kayla sakin.

"Kinakailangan na natin bilisan bago pa tayo maubusan ng oras" tugon ko sa kanya.

"Lyka subukan mo kayang komprontahin yung nagsasalitang kuneho baka sakali na makabalik tayo sa mundo natin" sabi ni Kayla sakin.

Pumayag naman ako sa inimumungkahi nya at agad na hinahanap ang kakaibang nilalang sa buong parte ng Academy na nasasakupan nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Magical Girl Academy Where stories live. Discover now