Chapter 3: Yes we're just a bunch of bullies

2 0 0
                                    

Lyka's POV.

"Ano bang iniisip mo?" *Blag*

Nagising na lamang ako bigla ng marinig ko ang sigawan at pagkalabog ng lamesa.

Unti unti kong dinilat ang mata ko upang makita kung sino ang mga taong nag-aaway malapit sakin.

"Ugh..." Mahilo hilo pa ko ngunit pinilit kong bumangon at makaupo sa mga pinagdugtong dugtong na silya na hinigan ko.

"Gising ka na pala" sabi sakin ni Danica.

Nakatitig lamang ako sa kanya habang nagsasalita sya ng kung ano ano hanggang sa magising ang diwa ko sa sinabi nya.

"Kung naiintindihan mo na lahat maari ka ng umalis." Sabi ni Danica sakin.

Tatayo na sana ako nun upang maglakad palabas ng silid nang biglang magsalita si Kagura.

"Hindi ka lalabas ng silid na ito" pagpigil sakin ni Kagura habang nakaharang sya sa may pintuan.

"Pero...." Gusto kong sabihin sa kanya na tigilan na nya ko ngunit wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ito.

Napatingin na lamang ako kay Danica na nakaupo lamang at nakatingin sa mga papeles na nasa lamesa nya. Sa totoo lang hinihintay ko syang pigilan nya si Kagura ngunit tila ba hindi nya napapansin ang mga nasa paligid nya.

Alam kong hindi matatapos ang pagbabanta sakin ni Kagura kung di ako magsasalita at lalaban sa kanya.

"Bahala na kung anong mangyari sakin." Bulong ko sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim at inipon ang lahat ng lakas ng loob ko sa isang salitang bibitawan ko.

"Hindi ko gusto na sumali sa club ng mga taong walang ibang inisip kung di mangbully lamang ng masmahina sa kanila." Sabi ko kay Kagura habang nanginginig ang buong katawan ko sa takot sa kakaisip na maaaring mawala ako sa mundong ito anumang oras na gugustuhin nila.

Naramdaman ko mismo ang pagbuntong hininga ni Kagura at agad naman ako napapikit at naiharang ang mga braso ko sa mukha ko.

"Tama ka nga siguro mga bully lang kaming nandito." Sabi ni Kagura sakin.

Matapos nya magsalita ay tahimik lamang syang naglakad papalayo sakin ngunit nung oras na makita ko ang mga mata nya ay punong puno ito ng lungkot.

Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay may nasabi akong hindi maganda sa kanya.

Lumabas na ko ng tuluyan sa silid matapos ng mga nangyari.

~P.E. time~

Oras na ngayon ng physical examination namin ngunit tila ba hindi pa rin ako makamove-on sa mga nangyari kanikanina lang.

"Ano kayang nasabi ko sa kanya na tila ba kinalungkot nya ng husto?" Tanong ko sa sarili ko habang iniisip ang mukha ni Kagura ng mga huling sandali na yon.

Ilang araw na din ang lumipas ay hindi ko na muli pang nakita si Kagura o naramdaman lamang ang presensya nya. Ngunit sa bawat lumilipas na oras nito ay ang lalong pagbigat ng pakiramdam ko kaya naman naisip ko na hanapin si Kagura sa buong Academy upang makipag-ayos sa kanya.

Halos napuntahan ko na ang buong sulok ng Academy ngunit hindi ko pa rin sya makita ni isa kina Danica at Shiro.

Inabot na rin ako ng gabi sa kakaikot kaya naman bumalik na lamang ako sa dorm ko upang magpahinga at ipagpabukas na aking paghahanap.

Danica's POV.

Napansin ko mismo ang mga pagbabagong naganap sa isa sa miyembro ng club na to matapos nya makilala ang bagong estudyante ng Academy.

"Sa palagay mo ba magiging ayos lang sya?" Tanong ni Kagura sakin.

Alam ko na si Lyka ang tinutukoy nya at sa totoo lang kahit na ako ay gustong gusto syang pasalihin sa club namin ngunit hindi pwede.

"Kanina lamang nabalitaan ko na hinahanap ka ni Lyka sa buong Academy" sagot ko kay Kagura.

Tiningnan na lamang nya ako at nahiga na lamang sa may sulok.

Alam ko rin mismo na ilang beses na nakalampas si Lyka sa room na ito ngunit binalutan ko ng force field ang buong paligid nito kaya naman sa tuwing makakalapit sya dito ay di nya napapansin na nasa malapit lang kami.

"Masyadong inosente si Lyka upang sumali sa club natin." Pahabol na sabi ko sa kanya.

"Ganun ba?" Mahinang tugon naman sakin ni Kagura habang nakataklob sya ng kumot.

Lumipas ang ilang oras ay nanatiling ganun ang mood sa loob ng silid na ito.

Maya maya lang ay bumangon si Kagura at lumakad papalabas ng silid.

"San ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.

Tiningnan lamang nya ko at tuluyan ng naglakad palabas ng silid habang si Shiro naman ay di ko namalayan na sumunod na pala sa kanya palabas.

Lyka's POV.

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi at ngayon ay hindi na makatulog kaya naman naisip ko na maglakad lakad muna sa labas.

Sa paglalakad ko ay isang grupong ng mga kababaihan na may hawak na mga batuta na may tusok tusok sa dulo nito ang syang humarang sakin.

"Ikaw pala yung bagong estudyante na usap usapan sa class A-1" nakangising sabi sakin ng nasa gitna nila.

Iniiwas ko na lamang ang tingin ko at naglakad palayo ngunit bigla na lamang nya ko itinulak ng malakas dahilan upang mapaupo ako sa sahig.

"Ano bang kasalanan ko sa inyo?" Tanong ko sa kanila.

"Kasalanan? Simple lang dahil naiinis lamang kami sayo" sagot ng isa sa kanila.

"Lahat ng mga nandito minsan ng binalak na makasali sa club ni Kagura at nabigo ngunit ikaw ininbita lamang nya ng ganun kadali?" Tila ba naiinis ang isang ito habang sinasabi nya sakin ang mga salitang iyon.

Magsasalita na sana ako ng bigla na lamang ako atakihin ng isa sa kanila.

"Ugh!!" Halos mahimatay ako sa lakas ng suntok nya sa mukha ko ngunit di pa sya nakuntento ay tinawag pa nya ang iba nyang kasamahan upang makisali.

Dahil sa pambubugbog nila sakin ay nawalan na ko ng lakas upang makatayo.

Dahan dahan lumakad sakin ang pinakapinuno nila habang hila hila ang batuta na may mga tinik sa dulo nito. Nang makalapit na sya sakin ay inangat na nya pataas sa ulo ko ang batuta upang hampasin ako sa ulo ngunit bago pa nyang tuluyan magawa ang binabalak nya ay isang napakalakas na kidlat and tumama sa pagitan naming dalawa nagtagal pa ito ng ilang minuto at tila ba nagmimistulang barricade na pumoprotekta sakin.

-To be continue.

Magical Girl Academy Where stories live. Discover now