Chapter 9: Memories

0 0 0
                                    

Lyka's POV.

"Naalala mo pa ba ang dahilan kung bakit ka pumasok sa Academy na ito?"

Iyon ang tanong na paulit ulit kong iniisip, nararamdaman ko na nasa dulo na ng dila ko ang kasagutan ngunit hindi ko malaman kung ano ito. Para bang may isang mahalagang bagay ako na nakakalimutan.

"Sige lang Lyka alalahanin mo lang nang mabuti ang tunay na pakay mo sa mundong ito" sabi ng babaeng nakaputi sakin.

Bigla kong naalala ang dahilan ng pagpunta ko dito sa Academy at yun ay...

"Wala talaga akong dahilan sa pagpunta dito." Sabay na bigkas namin ng babaeng nakaputi.

Napatingin agad ako sa kanya sa isip isip ko...

"Paano nya kaya nababasa ang nasa isip ko?" At muli ay sabay nanaman namin binigkas ang linyang ito.

Paano? Tanong ng babaeng nakaputi sakin sabay tinawanan nya ako.

Unti unti syang naglakad palapit sa akin habang nakatitig ang mga mata nya sa mga mata ko na para bang ang kaluluwa ko mismo and tinititigan nya.

Bigla akong nakaramdam ng bigat sa paghinga at pakiramdam ko ay mayroon invisible na pwersa na pumipigil sa paggalaw ng mga braso at hita ko.

"Sa tingin mo Lyka ilang beses ka na namatay sa mundong ito?" Tanong nya sa akin.

Bigla kong naramdaman ang biglaan paghinto ng tibok ng puso ko.

Dahil dito ay nakaramdam ako ng takot at halatang halata mismo ito base sa reaksyon sa mukha ko at kapansin pansin rin ang panginginig ng buong katawan ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

Dahan dahan nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko hanggang sa nagulat na lang ako ng halikan nya ko sa labi.

"Hmp.."

Bigla kong nakita ang sarili ko sa akin harapan na nasusunog at halos hindi makilala dahil na rin sa pagkakapinsala sa mukha nito gamit ang isang matulis na bagay at ang salarin sa pagpatay sakin ng mga oras na iyon ay si Kagura.

Sumunod naman ay nakita ko ang sarili kong bangkay na inaagnas na sa pinakamalalim na parte ng karagatan ngunit ang karagatan na ito ay hindi matatagpuan sa kahit anong mundo dahil isa itong lugar na gawa ng isa pang pumatay sa akin at yun ay si Danica.

At ang huli ay isang malabong imahe ng lahat nagising na lamang ako bigla ng naramdaman kong bigla akong tinamaan ng kidlat.

"Sa wakas at nagising ka na rin Lyka" sabi sakin ng babaeng nakaputi.

"Totoo ba lahat ng nakita ko?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, totoo ang lahat ng iyon at sa mundong ito paulit ulit kang mabubuhay na may ibang memorya at apektado rin ang lahat ng memorya ng mga tao sa buong Academy sa tuwing mangyayari ito" Sagot nya sakin.

"Pero sino ang gagawa nito at bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Pasensya ka na Lyka pero hindi pa panahon para sagutin ko ang katanungan mo" Tugon nya sa akin.

"Nakikiusap ako sayo Kayla" bigla akong nagulat sa sarili ko ng banggitin ko ang isang pangalan ng taong hindi ko pa nakikilala o nakikita sa harapan ng isang taong ngayon ko lang nakita.

"Hindi ko na ata kinakailangan magpakilala pa kung naalala mo na kung sino ako" sabi nya sa akin.

Magical Girl Academy Where stories live. Discover now