Chapter 6: Forgotten Memories

0 0 0
                                    

Isang tahimik at mapayapang araw sa bahay ampunan, masayang naglalaro ang mga magkakaibigan na sina Danica, Kagura at Shiro.

Isang araw habang abalang abala sila sa paglalaro ay tinawag sila ng madre na nag-aalaga sa kanila upang ipakilala ang isang batang babae na magiging bagong kalaro nila.

"Mga bata sya si Lyka nakita syang pagala gala sa lansangan ng mga DSWD at pinaampon sa atin."

Tahimik lamang sya at tila ba walang buhay ang mga mata nya. Lumapit naman si Kagura sa kanya at tila ba pinag-aaralan nya ang itsura nito.

"Teka marunong ka bang magsalita?" Tanong ni Kagura kay Lyka.

Agad naman nagtago si Lyka sa likod ng madre at tila ba'y takot na takot ito.

"Teka lang hindi ako nangangagat" pabirong sabi ni Kagura sa kanya.

"Mukha lang masungit si Kagura pero ang totoo mabait yan" sabi naman ni Danica.

"Sinong mukang masungit ang sinasabi mo?" Galit na tanong naman sa kanya ni Kagura.

Bago pa man sila mag-away ay pinapasok na sila ng madre sa kanikanilang kwarto at inihatid na rin nya si Lyka sa sariling kwarto nya.

Palagi lamang tahimik at nakatulala si Lyka maliban lang sa oras ng pagkain, napapansin rin ni Danica ang tila matamlay na kilos nito simula ng tumira sya sa bahay ampunan kaya naman isang gabi habang tulog ang mga tao ay pasimple syang lumabas ng kwarto nya dala ang paborito nyang laruan.

Dahan dahan at matahimik syang naglakad hanggang sa makarating sya sa pangatlong kwarto sa may kanan at iyon ang kwarto ni Lyka.

Bago sya nagpatuloy ay tiningnan nya muna ang kaliwa't kanan nya kung may nakasunod ba sa kanya ngunit ni isang tao ay wala syang nakita.

"Ayos" bulong nya sa sarili nya at pumasok na sa loob ng kwarto ni Lyka.

"Lyka" nakangiting sabi nya sabay pakita ng kanyang laruan kay Lyka.

Lumapit naman sa kanya ang kanina pang nakasilip sa bintana na si Lyka at hinila sya palapit dito sabay turo sa mga bituin.

"Wow! Ang ganda" manghang mangha naman si Danica sa mga bituin na nakikita nya sa langit. Hindi kase sila nabibigyan ng pagkakataon na makita ang mga ito dahil bago pa lamang maggabi ay pinapatulog na sila at pinagbabawalan na mapuyat maliban na lang kung may mahalagang gaganapin.

"Palagi ko silang tinitingnan tuwing nalulungkot ako" sabi ni Lyka kay Danica.

"Teka asan na nga pala mga magulang mo?" Tanong ni Danica sa kanya.

Tinitigan lamang sya ni Lyka sabay iwas ng tingin sa kanya.

Nakutuban na agad ni Danica na ayaw pagusapan ni Lyka ang tungkol dito kaya minabuti na lang nyang manahimik.

Habang nalilibang naman sina Lyka at Danica sa pagtingin sa mga bituin ay hindi nila namalayan ang pagtakbo ng oras.

Magaalaskwatro na pala ng madaling araw at oras na iyon upang bumangon silang lahat at maghanda ng kanilang kakainin para mamaya sa agahan.

~Tiktilaok Tiktilaok~

Tumilaok na ang manok hudyat upang gumising na sila at lumabas sa kanikanilang kwarto.

"Anong gagawin ko, anong gagawin ko?" Natatarantang tanong ni Danica sa sarili nya.

Lagi kaseng nagroronda ang tagapangasiwa ng bahay ampunan tuwing madaling araw upang tingnan kung sino na ang mga gising pa at hindi at kung sino ang wala sa kanikanilang mga kwarto.

Someone POV.

Isang matipuno at gwapong lalaki ang kausap ngayon ng namamahala ng bahay ampunan.

"Ano sister sapat na ba ang mga batang nakuha mo para sa proyekto na gagawin ko?" Tanong ng lalaki sa madreng namamahala sa bahay ampunan.

"Ang bawat bata ay may kanya kanyang trauma sa pagkawala ng kanilang mga magulang sa kanilang harapan at ang bawat isa sa kanila ay naharap ito gamit ang kanilang mga lakas." Sagot naman ng madre sa lalaki.

~Ang magical girl project ang pinakamalaking proyekto ngayon na pinag-aaralan mabuo gamit ang makabago at modernong teknolohiya layunin nito na iconvert ang emotional strength at nature power at pagsamahin ito upang maging isang bagong energy.~

"Matanong ko lang sister maaari ba akong makahingi ng ilang sample ng mga bata upang gawin ang proyekto ko?" Tanong ng lalaki sa madre habang dinudukot nya sa bulsa nya ang envelope na naglalaman ng pera at sabay lapag sa lamesa nito.

"Marami kaming magagandang klaseng pagpipiliian at lahat ay mga batang babae na malapit na magdalaga." Nakangiting sagot naman sa kanya ng madre habang pauntiunting kinukuha ang envelope na nasa lamesa.

Agad naman syang sinamahan mg madre papunta sa mga kwarto ng mga bata na nasa bahay ampunan.

Naabutan nila na nasa labas ang lahat ng mga ito at tila may hinihintay.

"Mga bata makinig kayo nandito si Mr. Valdez upang ampunin ang ilan sa inyo" sabi ng Madre sa mga bata.

Habang nililibot ni Mr. Valdez ang paningin nya ay napukaw ang kanyang atensyon sa tatlong batang babae ang isa sa kanila ay tila masayahin, ang isa naman ay tila masungit at ang isa naman ay masyadong tahimik.

"Silang tatlo ang gusto kong ampunin" sabay turo Kayla Danica, Kagura at Shiro.

"Ihahanda ko na agad ang adoption letter Mr. Valdez" sabi naman ng madre sa kanya.

Napaatras naman ng kaunti si Danica habang tila tahimik na nakatingin ito kay Mr. Valdez ay napansin nya na tila may gustong sabihin ito.

"May gusto ka bang sabihin?" Tanong ni Mr. Valdez sa kanya.

Agad naman umiyak si Kagura at sinubukan syang pakalmahin ni Mr. Valdez

"Tahan na munting binibini magiging ayos lang din ang lahat." Sabi ni Mr. Valdez kay Kagura habang pinapakalma sya.

"*sniff* Pero....pero..." Sagot naman ni Kagura sa kanya.

Habang pinapakalma nya si Kagura ay napukaw ang tingin nya sa isang batang babae na pumunta na lamang bigla palapit kay Kagura.

Sandaling nanahimik si Mr. Valdez habang pinagmamasdan nya ang batang babae na nasa harap nya.

"Ikaw" sabi ni Mr. Valdez sa sarili nya.

Tila ba naghalo ang pagkabigla ay pagkatuwa na naramdaman nya sa di mapaliwanag na dahilan.

Ang babaeng lumapit lamang kay Kagura na ngayon nasa harapan din nya ay walang iba kung di si Lyka.

Napansin naman agad ni Mr. Valdez na tila naghawakhawak kamay ang tatlong batang aampunin nya at ang batang dumating kanina.

"Mukang kinakailangan kong mag-ampon ng isa pa" nakangiting sabi naman ni Mr. Valdez sa kanila.

Tuwang tuwa naman sila ng marinig iyon dahil sa pagkakataon na iyon ay hindi sila maghihiwalay at magkakasama pa rin sila.

"Sige na kinakailangan ko pang puntahan si Sister upang ipaliwanag sa kanya ang kaunting pagbabago sa adoption letter" sabi ni Mr. Valdez sa kanila.

Matapos nito ay naglakad na si Mr. Valdez papunta mismo sa office ng madre na namamahala sa bahay ampunan upang ipaliwanag ang pagbabagong nais nyang gawin sa adoption letter.

"Mr. Valdez maupo ka, anong maipaglilingkod ko?" Tanong ng madre kay Mr. Valdez.

"Nais ko lang sanang baguhin ang adoption letter ko na imbis na tatlo ay gagawin ko ng apat ang mga batang aampunin ko." Sagot naman ni Mr. Valdez sa kanya.

"At sino naman itong batang gusto nyo pang ampunin" tanong ulit ng madre sa kanya.

"Ang babaeng ito" sagot ni Mr. Valdez sabay pakita ng litrato ni Lyka.

Sa larawan ay makikitang nakangiti sya habang nasa gitna ng dalawang tao at nakahawak sa mga kamay nila hindi rin makita ang mga mukha ng dalawa dahil sa nasunog ang larawan sa may bahagi nito.

"Sige naiintindihan ko Mr. Valdez ihahanda ko na agad lahat ng kakailanganin sa lalong madaling panahon" sabi ng Madre kay Mr. Valdez.

-to be continue

Magical Girl Academy Onde histórias criam vida. Descubra agora