Chapter 7: Where it all begin

0 0 0
                                    

Tila ba may piyestang nagaganap ngayon dahil sa dami ng mga handang pagkain at dekorasyon na nakasabit sa bahay ni Mr. Valdez.

Habang naglalakad sya kasama ang mga bata ay kapansin pansin rin ang maayos at disenteng pagpila ng kanyang mga kasambahay upang batiin siya sa pagbabalik nya.

"Maligayang pagbabalik Mr. Valdez" sabay sabay na sabi ng kanyang mga kasambahay.

"Lorico ihatid mo ang mga bata sa kanilang mga kwarto at pagkatapos bilhan mo sila ng mga damit." Utos ni Mr. Valdez sa isang kasambahay niya.

Agad naman umalis si Lorico upang mamili ng mga damit at si Mr. Valdez naman ay sinamahan ang mga bata sa kanilang kwarto.

"Simula ngayon eto na ang magiging kwarto nyo" wika ni Mr. Valdez sa kanila.

Napakalaki ng buong silid na ito masmalaki kung para sa napakaliit at napakasikip na kwarto nila noong nasa ampunan pa sila.

Dali dali naman tumakbo si Kagura papunta sa kama.

"Wow! Tingnan nyo sobrang lambot ng kama" sabi ni Kagura habang patalon talon sya sa taas ng kama.

"Uy! Bumaba ka nga jan" awat naman ni Danica sa kanya.

"Nakakahiya kay Mr. Valdez" dagdag pa nya.

"Wala kayong dapat ikahiya dahil simula ngayon ito na ang magiging tahanan nyo, malaya nyong gawin ang kahit anong gusto ninyo sa pamamahay na ito." Sabi ni Mr. Valdez sa kanila.

Tuwang tuwa naman si Danica ng marinig iyon at agad syang hinila ni Kagura sa kama.

Makalipas ang ilan minuto ay nakabalik na si Lorico dala ang mga damit na pinamili nya.

Isa isa naman nyang binigay kayla Danica ang bawat bag ng damit na dala nya.

Agad naman nilang sinukat ang mga damit na bigay sa kanila at manghangmangha sila na sakto lamang ang sukat ng mga ito sa kanila.

"Wow! Ang ganda ng damit na ito" wika ni Lyka.

Lumapit naman si Kagura kay Lorico at hinila hila ang uniporme na suot nito.

"Lilico Lilico pano mo nga pala nalaman ang mga damit na sasakto samin?" Tanong ni Kagura kay Lorico.

"Nasanay na kase ako noong bata pa ko na manahi ng mga damit kaya ngayon isang tingin ko lang alam ko na ang sukat ng isang tao." Sagot nya kay Kagura.

"Woah! Ang galing naman nun" sabi ni Kagura sa kanya.

Matapos nilang tingnan ang mga damit na pinamili para sa kanila ay sinamahan sila ni Lorico sa bathhouse ng mansion.

Napakalaki nito at tila isang buong kwarto na punong puno ng pampaligo sa may pasukan ay makikita mo ang mga lalagyanan ng mga damit at tuwalya sa kabilang pinto naman ay nandoon ang mga shower at sa pinakalikod ay ang isang open hotspring na matatanaw mo ang mga bituin tuwing gabi at sa may pahingahan nito ay matatanaw mo ang ganda ng kagubatan.

"Whoa, ang ganda naman dito!" wika ng bawat isa sa kanila.

"Masaya ko at nagustuhan nyo ang paborito kong lugar sa mansion na ito." sabi ni Mr. Valdez na kanina pa palang nasa likuran nila.

Nakabuhad ito sa pangitaas na bahagi at tanging tuwalya lamang mismo ang tumatakip sa ibabang bahagi nya.

"M-mr. Valdez" nauutal utal na wika ni Lyka.

"Ahahaha hindi ko alam na may tinatago ka palang ganyan pagkatao" biro ni Mr. Valdez sa kanya.

Agad naman dumiretso si Mr. Valdez sa kanyang munting hotspring at doon ay nagrelax sya.

Magical Girl Academy Where stories live. Discover now