Chapter 8: Snow Forest

0 0 0
                                    

Kagura's POV

"Sandali saan ka pupunta?"

Aalis na sana ako ng bigla akong pigilan ni Danica.

"Hahanapin ko si Lyka"

Sagot ko sa kanya.

Agad naman nyang hinawakan ang braso ko at tila ba nagpupumilit sya na pigilan ako.

"Desisyon ko ang paalisin ang mga taong walang pakinabang sa grupo bilang lider"

Tiningnan ko naman sya ng maigi at napansin ko na namumula ang mga mata nya at kitang kita ko rin ang bigat ng paghinga nya.

"Talaga lang, Eh bakit parang tila labag sa kalooban mo ang mga sinabi tungkol kay Lyka?"

Tanong ko sa kanya at tuluyan na kong umalis upang hanapin kung asan man sulok ng Academy nandun si Lyka.

Lyka's POV.

*3 hour earlier*
Naglakad lakad muna ako sa paligid upang makapaglibang at makapagisip na rin kahit papano kung papaano ko kakausapin si Danica.

Sa paglalakad lakad ko ay hindi ko na namalayan na nakarating na pala ko sa isang kagubatan. Hindi normal ang kagubatan na ito dahil napupuno ng makakapal na fog at snow ang buong paligid nito at bukod pa roon ay ramdam na ramdam mo pa rin ang normal na klima na nararamdaman mo tuwing nasa Academy ka.

"Teka asan ako? Nasa labas na ba ko ng Academy? Gano na ba kalayo ang nilakad ko?" Tanong ko sa sarili ko nang mapansin ko na naliligaw na ko sa gitna ng kagubatan.

Hindi ko alam kung saan direksyon ako nagmula o saan ako pupunta. Ilang oras din ako naglakad sa kagubatan na ito sa padiretsong direksyon ngunit lagi pa rin akong napapadpad sa gitna nito.

Dahil sa pagod sa ilang oras na paglalakad ay napagpasyahan ko na magpahinga muna. Sa pagtatanto ko ay naisipan ko magiwan ng mga bakas sa mga punong dadaanan ko upang magkaroon ako ng palatandaan kung sakali man maligaw ulit ako.

Matapos ang mahaba habang pahinga ay nagsimula na ulit ako maglakad. Ginuhitan ko ng mga marka ang bawat puno na nakita ko bilang palatandaan na nanggaling na ko sa lugar na iyon. Ilang oras din na paglalakad at pagmamarka sa mga puno ay sa wakas nakarating na rin ako sa dulo nito. Ang gitna ng kagubatan.

"Hindi ako susuko makakalabas ako dito" sabi ko sa sarili ko.

Magsisimula na sana ulit akong maglakad ng makita ko ang isang taong papalapit ng papalapit sakin.

"Hindi ka makakalabas sa kagubatan na ito hangga't hindi ka nya binibigyan ng permiso" sabi ng misteryosong babae sa harap ko.

"Teka? Anong permiso galing sa kanya?" Tanong ko sa babaeng may malaking gunting na nakasabit sa likuran nya.

"Halika, kanina ka pa nya inaantay" sagot naman nya sakin.

Hindi na ko nagdalawang isip na sumama o magtanong man lang kung sino ang tinutukoy nya na nagaantay sakin. Ang mahalaga ay makalabas ako sa kagubatan na ito at makabalik sa Academy.

Ilang minuto lamang ng aming paglalakad ay nakarating kami sa isang malaking mansion sa pinakamalalim na parte ng kagubatan na ito.

Sa labas nito ay sinalubong kami ng isang magandang babae na nakaputi.

Yumuko sya bilang pagbati at ngumiti sya sakin.

"Kanina pa kita hinihintay Lyka" sabi nya sakin habang tinitingnan ako ng diretso sa mata.

"Pano mo nalaman kung sino ako?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti lamang sya sakin at sumagot.

"Natatandaan mo pa ba kung bakit ka nandito sa Academy?" Patanong nyang sagot sakin.

"Syempre, para....." Napahinto ako ng sandaling iyon.

Hindi ko maalala kung bakit nandito ako sa Academy o kung kailan ako nagsimula na mag-aral dito, hindi ko rin maalala ang buhay ko noon wala pa ko sa Academy.

Magical Girl Academy Where stories live. Discover now