Chapter 5: I just can't accept it.

0 0 0
                                    

Matapos ang mga pangyayari nung gabing iyon ay pinulong ng kuneho sina Lyka at ang ilang miyembro ng mga Rebellion Club sa kanyang opisina.

"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Danica sa kanya.

"Gaya nga ng sabi ko isang ganap na ngayong magical girl si Lyka" sagot ng kuneho sa kanya.

Agad naman sya nilapitan ni Danica at sinakal ito ng sobrang higpit.

"Noong gabing iyon wala akong magical trait na nadetect lamang sa kanya." Sabi ni Danica sa kuneho.

Nakatingin lamang sa kanya ito habang nakikinig ng maayos sa mga sinasabi nya.

"Alam kong may nalalaman ka magsalita ka" sabi ni Danica sa kuneho sabay hagis sa kanya ng malakas.

Tumama naman ang buong katawan ng kuneho sa may pader ngunit tila ba baliwala lang sa kanya ito at naglakad sya pabalik sa direksyon nila Danica.

"Tama ka nga wala akong nakitang magical trait kay Lyka nung gabing yon." Sagot ng kuneho sa kanya.

"Kung ganun, bakit ka nagsinungaling sa lahat?" Tanong muli ni Danica sa kuneho.

Napabuntong hininga na lamang ito na tila ba nakikipagtalo sa isang batang paslit.

"Hays! Danica hindi maipagkakaila na mahika lamang ang makakapigil sa mahika at napatunayan iyon ni Lyka" sagot ng kuneho sa kanya.

Dahil dito ay nagkaroon ng isang theory si Danica kung ano nga ba ang Mahikang ginamit ni Lyka noon.

"Kung hindi madetect ng mga kapwa magical girls nya ang magic trait na ginamit nya isa lang ibig sabihin nito." Sabi ni Danica sa sarili nya.

Napansin naman ito ng kuneho at tila ba napabilib sya sa sinabi nya.

"Danica kung hindi ako nagkakamali ang iniisip mo ba ay ang bagay na iyon?" Tanong ng kuneho kay Danica.

"Ewan ko walang makakapagsabi nyan" sagot naman ni Danica sa kanya.

Umalis na ng principal office si Danica habang sina Lyka naman at ang mga kasama ni Danica sa club nya ay tahimik na umalis palabas ng office.

Lyka's POV

Hanggang ngayon ay gulong gulo pa rin ako sa mga nangyari kung pano ako nakaligtas sa unang pagkikita naman ni Kagura, kung pano na lamang biglang nawala ang mga mahikang ginamit nila nung gabing iyon at kung ano nga ba ang magical trait ko na tinutukoy nila.

"Kain ka muna" habang nagiisip ako ng malalim ay inalok ako ni Shiro ng kinakain nyang tsitsirya.

"Ah! Salamat" sabi ko sa kanya sabay kuha ng ilang piraso mula sa plastic na pinaglalagyan nito.

"Ngayong miyembro ka na ng Rebellion Club kapamilya ka na rin namin" nakangiting sabi sakin ni Shiro.

Hindi pa rin ako makapaniwala na sa huli ay makakasali ako sa club ni Kagura noong una inisip ko na kung sakaling maging miyembro nila ko ay aalilain nila ako at papahirapan pero hindi ko nakitang ginawa nila iyon niminsan.

Habang kami pa lamang ni Shiro ang nasa loob ng room ay naglakas loob na kong tanungin sa kanya kung ano ang nasa isip nila ng panahong gusto nila akong patayin at kung bakit.

"Shiro maari ba kong matanong kung bakit gustong gusto nyo kong patayin noong una at bakit nung huli ay niligtas nyo ko?" Tanong ko kay Shiro.

"Ah..." Bago pa man tuluyan masagot ni Shiro ang tanong ko ay sakto namang pagpasok nila Kagura at Danica sa room.

Agad naman tumakbo palapit sakin si Kagura at niyakap ako na tila ba wala ng bukas.

"Wah! Ayos ka lang ba Lyka may masakit ba sayo?" Tanong sakin ni Kagura habang nakayakap pa rin sya sakin.

Napahawak na lamang sa ulo nya si Danica habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Kagura sakin habang si Shiro naman ay umalis na sa tabi ko bitbit ang kanyang mga dalang pagkain.

"Hays! Sabi nga ba" bulong ni Danica sa sarili nya.

"Teka anong ibig mong sabihin Danica?" Tanong ko kay Danica.

"Ugali na talaga ni Kagura ang mag-aalala ng husto sa mga taong tinuturing nyang kaibigan" sagot ni Danica sakin.

Samantalang patuloy pa rin sa pangungulit sakin si Kagura.

"Wah! Lyka Wah!" Paulit ulit nyang sabi sa harapan ko at niyakap nanaman nya ko ng mahigpit syempre pumalag na ko ng mga oras na iyon at pinipilit na makaalis sa mga braso nya ngunit sobrang lakas nya na kahit anong pilit ko ay hindi ako makawala.

"Ah hindi ako makahinga" sabi ko na lamang sa kanya.

Ilang saglit pa lamang ay tumigil na si Kagura at humanap na ng kanyang mauupuan.

"Congratulations! Lyka isa ka ng ganap na member ng Rebellion Club" nakangiting sabi sakin ni Kagura.

"Nananaginip ba ako?" Tanong ko sa sarili ko.

Ibang iba ang ugaling pinapakita sakin ngayon ni Kagura kumpara sa ugaling pinakita nya sakin noon.

"Wag kang mag-aalala natural ng ugali ni Kagura yan masasanay ka rin jan" sabi ni Danica sakin.

Medyo magulo sakin ang mga nangyayari ngunit para sakin mas gugustuhin ko ang ganitong ugali ni Kagura kaysa sa Kagura na nakakatakot at halos hindi mo makausap.

Di nagtagal ay tila ba naging malapit na kami ni Kagura sa isa't isa napagkwekwentuhan na rin namin ang halos lahat sa buhay ng bawat isa.

Habang nag-uusap kami ni Kagura ay kaagad na lumapit sakin si Danica at tinanong ako.

"Lyka gusto mo bang umalis na sa club na ito?" Tanong ni Danica sakin.

Bago pa man ako makasagot ay tila nablanko na ang isip ko.

"Kung di mo masasagot ang tanong ko makaalis ka na" dagdag pa ni Danica.

Napagtaasan naman ng boses ni Kagura si Danica dahil sa mga sinabi nya.

"Anong ibig sabihin nito Danica ang buong akala ko ba hindi mo na sya tatanungin tungkol jan?" Galit na tanong ni Kagura kay Danica.

Hindi naman sya pinansin ni Danica at nagpatuloy sa pagsasabi sakin ng mga nasa isip nya.

"Tandaan mo Lyka hindi pa kita tinatanggap na maging miyembro ng club na ito at sa lahat ikaw lang ang hindi ko papayagan na makasali dito kahit anong mangyari sinusumpa ko yan" sabi ni Danica sakin.

"Ikaw!!!" Agad naman syang sinugod ni Kagura at nilukot ang kwelyo ng suot nya.

Hindi ko alam kung bakit pero nasaktan ako ng husto sa sinabi nya pakiramdam ko noon ay gustong gusto nya kong pagtabuyan.

"Aalis na ko" tumayo naman ako at naglakad na palabas ng room habang nasa isip ko pa rin ang mga sinabi ni Danica sakin.

"Sandali lng" pigil sakin ni Kagura habang hawak hawak pa rin nya si Danica.

Patuloy lamang sa paglalakad si Lyka na tila ba walang naririnig sa paligid nya hanggang sa tuluyan na syang nakalabas ng pintuan.

Dahil sa galit ay naitulak ng malakas ni Kagura si Danica at agad naman syang tumakbo palabas para hanapin si Lyka.

"Lyka" bulong ni Danica sa sarili nya tumingin naman sya paitaas at naiyak habang iniisip nya ang lahat ng mga salitang binitiwan nya kay Lyka.

-To be continue-

Magical Girl Academy Where stories live. Discover now