Chapter 4: I sworn to protect you.

5 0 0
                                    

~Flashback from three year ago~

Kagura's POV.
Napakasimple at tahimik lang ng buhay ko noon. Mayroon akong kapatid na babae na dalawang taon lamang ang agwat sakin. Matatakutin sya at madaling masindak sa kahit na anong bagay kaya naman lagi akong natutuwa tuwing inaasar sya nakyukyutan kase ako sa kanya tuwing nakikita kong naiiyak na sya sa inis dahil sakin.

"Eto sayo wah" paulit ulit nyang bigkas habang pinaghahampas nya ko.

Nakangiti naman akong pinagmamasdan sya at niyakap sya ng mahigpit.

"Huh, Ate?" Nagtatakang tanong nya.

"Aika mahal na mahal ka ng ate mo" bulong ko sa kanya habang hinihimas ang ulo nya.

"Oo alam ko naman yun ate kahit na palagi mo kong inaasar" nakangiting tugon nya sakin.

Halos maging libangan na namin magkapatid ang mag-asaran hanggang sa isang araw pasukin ng masasamang loob ang bahay namin.

Isang malaking mama ang pumasok at nanlimas sa bahay namin at dahil nga sa nangyari ay tinangka ni papa na pigilan ang magnanakaw ngunit sa kasamaan palad ay nabaril sya at agad binawian ng buhay.

"Subukan nyong magsumbong dalawa kung di papaputukan ko mga ulo nyo." Pasigaw na sabi nya samin habang nakatutok ang baril nya sa mga ulo namin magkapatid.

Hindi na lamang ako kumibo at hinigpitan na lamang ang yakap ko sa kapatid ko habang nagbabakasali na iwan na lamang nya kami.

"Magiging ayos lang ang lahat Aika" bulong ko sa kanya habang pinapakalma ko sya.

Unti unti ng nabablanko ang aking pagiisip dahil sa takot sa mga nangyayari pakiramdam ko ay anumang oras ay mawawalan na ko ng malay.

"Iiiiihhhhhh" *bang* isang malakas na tunog ang nagpagising uli ng diwa ko at nung oras na nagkaroon na ko ng kamalayaan ay nakita ko mismo sa harapan ko si Aika na duguan at wala ng buhay.

Hindi ko namalayan na tinulak pala nya ko at sinugod ang lalaking nasa harapan namin.

"Ai....ka...." Sabi ko.

Tila ba nagunaw ang mundo ko ng makita kong wala ng buhay ang pinakamamahal ko na kapatid at mismong ako pa ang nakakita ng malagim nyang katapusan.

"Magbabayad ka" nanginginig na sabi ko habang pinipilit kong makatayo.

"Magbabayad ka!!!" Pasigaw kong sinabi sa lalaking nasa harapan ko habang pinagtatangkaan ko syang sugurin, wala na kong pake kung ano man mangyari sakin o kung may baril man sya ang importante sakin ngayon ay maipaghiganti si Aika.

Bago pa lamang ako makalapit sa kanya ay naiputok na nya ang kanyang baril at tinamaan nya ko sa may kanang bahagi ng aking dibdib ngunit bago pa man ako tuluyan mawalan ng malay ay narinig ko mismo ang mga pulis na papunta sa bahay namin.

"Kagura, Kagura"

Unti unti ko mismong dinilat ang mga mata upang malaman kung sino ang taong tumatawag sakin.

"Kagura"

Isang kuneho mismo ang bumungad sa aking harapan habang hinahampas nya ko gamit ang maliliit nyang paa.

"Asan ako, Sino kayo, Ano ka, Asan si Aika?" Tanong ko sa kanya.

"Kagura nandito ka ngayon sa aking Academy dahil sa Ikaw ay may potential na maging isang magical girl candidate." Sagot sakin ng kuneho.

"Hahaha mukang nagdedelusyon ata ako." Sabi ko sa sarili ko.

"Hindi ka nagdedelusyon Kagura totoo lahat ng nangyari mula sa panloloob sa bahay nyo sa pagkamatay ng papa mo at sa pinakamamahal mong kapatid." Sabi ng kuneho sakin.

Magical Girl Academy Where stories live. Discover now