Chapter 2: Rebellion club.

2 0 0
                                    

~Ang grupong ito ay binuo ng isang taong minsan na nakita ang di makataong sistema nito. Layunin nila na patalsikin ang sino man namamahala sa academy na ito upang mapalaya ang lahat ng mga estudyante na sa ngayon ay kontrolado nila.~

Shiro's POV.

"Sigurado ka ba sa ginawa mo Kagura?" tanong ko kay Kagura.

"Sigurado kong hindi lamang ako ang nakapansin ng pagdududa nya sa kunehong yun nung unang araw palang nya dito." Sagot ni Kagura kay Shiro sabay tingin sa taong nakaupo at nakadekwatro.

"Tama ba ko?" Tanong ni Kagura sa kanya.

"Hindi ka nga nagkakamali pero...." Sagot naman nito sa kanya.

"Pero ano?" Pahabol na tanong ni Kagura dito.

Di na lang nya pinansin ang sinabi ni Kagura at tumayo na lamang sa kanyang kinauupuan upang maglakad papalabas ng silid nila.

"Teka, wag mong sabihin...." Alam ni Kagura ang binabalak nya ngunit hindi nya maaring pigilan ang gusto nito dahil ang kaharap nya mismo ay ang pinakamalakas na magical girl sa lahat at ang sya rin mismong nakakita ng maling sistema ng academy nila.

"Hindi mo ba sya pipigilan?" Tanong ni Shiro kay Kagura.

Umiling na lamang sya at pinagmasdan na lamang na lumabas ng silid ang pinuno nila.

Lyka's POV.

Habang nasa kalagitnaan ako ng aking pagkain ay kaagad akong nilapitan ng dalawang pamilyar na tao sakin.

"Anong ginagawa nila Kagura dito?" Tanong ko sa sarili ko.

Kaagad ko naman naalala ung sinabi nya sakin kahapon.

"Naku po baka kaladkarin nila at isama ng pilit dahil hindi pa ko nagpupunta sa club nila" bulong ko sa sarili ko.

Habang nalilito si Lyka sa kung anong hakbang ang susunod nyang gagawin ay di nya namalayan na nasa harap na nya pala ang mga ito.

"Hoy!" Tawag ni Kagura sa kanya.

"Oo sasama na ko ng kusa" dahil nga hindi makapagisip ng maayos si Lyka ay agad na syang pumayag na sumama sa kanila kahit na di pa nya alam ang sasabihin nila.

Bago pa lang maproseso ni Lyka ang mga nangyayari ay bigla na lamang sya hinila ni Kagura at nagtatakbo palabas ng canteen.

Tumakbo sila ng tumakbo hanggang sa makapunta sila sa pinakacentral park ng academy.

"Teka lng ano bang nangyayari?" Tanong ko kay Kagura.

"Sa ngayon kinakailangan mo muna magtago kung gusto mong mabuhay pa ng matagal" sagot ni Kagura kay Lyka.

Tila ba nakakapagtaka na ang taong balak syang patayin noon ay tumatakbo kasama nya upang iligtas sya sa isang misteryosong tao na balak din na patayin sya.

"Sagutin mo nga ang tanong ko, ano bang nangyayari?" Tanong ko sa kanya habang hinahabol namin dalawa ang hininga namin.

Bago palang masagot ni Kagura ang mga tanong nya ay naramdaman nya na tila ba mas lumalala pa ang pagkakapos nya ng hininga.

"Anong nangyayari sakin?" Tanong ni Lyka sa sarili nya habang hawak hawak ang leeg nito at pinipilit na huminga.

Tila ba nilulunod ang pakiramdam nito sa malalim na karagatan.

Habang nanghihina sina Lyka at Kagura dahil sa kakapusan ng hangin sa paligid nila ay isang tao ang naglakad papalapit sa direksyon nila at sa bawat hakbang nito ay sya rin palalim na palalim ng hirap na nararamdaman nila sa paghinga.

"Mukang naunahan na pala ko sayo ni Kagura" masayang sabi nya sa dalawa.

Ilan minuto lang din ay tuluyan ng nahimatay si Kagura dahil sa kawalan ng hangin habang si Lyka naman ay pinipilit na makita ang taong nasa harap nya kahit na nanlalabo na ang mga patingin nya.

"Ako si Danica En Esperanza ang Deep sea terror ng academy" pagpapakilala nito kay Lyka.

Tila ba natutuwa ito habang pinagmamasdan na nahihirapan si Lyka sa harap nya.

"Nga pala sasabihin ko sayo...." bago palang marinig ni Lyka ang sasabihin nya ay tuluyan na syang nawalan ng malay.

-To be continue.

Magical Girl Academy Where stories live. Discover now