Chapter 41

512 13 5
                                    

Chapter 41

"Anong ginagawa mo rito?", halos sakalin ko si Theo dahil narito rin siya sa gym kung saan ako madalas nagwo-work out.

Walang tao dahil hating gabi noong nagpunta ako rito. Ganitong oras ko pinipili na magwork-out sa gym na ito ng kaibigan ni Kuya Pancho dahil wala akong nakakasabay. Isa pa, binubuksan lang yata ito ng ganitong oras para sa akin.

"Magwowork-out din?", tanong niya kaya napairap ako.

"At 12 am, really? Hindi ako naniniwalang nagkataon lang ito. Sa tagal ko na rito, ngayon lang kita nakasabay", nagpameywang ako nang harapin ko siyang nakangisi pa rin sa akin.

"Gusto lang kitang makasama", diretso niyang sagot kaya natameme ako.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa treadmill kaysa pa makipagtalo sa kanya. Mabuti na lang at mabait itong si Joe. Ang alam ko kasi ay dito lang din sa taas ng building na ito siya nakatira kaya naa-access ko ang gym kahit ganitong oras na.

"Ganitong oras ka lagi naggi-gym dito?", tanong niya sa akin.

Pinabagal ko ang speed ng treadmill para masagot siya. Hindi ko kayang magjogging nang mabilis dito habang kausap siya 'no!

"Depende. Kapag may issue tungkol sa akin, oo. Kapag tahimik ang buhay ko, sa ordinaryong oras nakakapag-gym ako", sagot ko sa kanya.

"If you move back to my condo, may gym na roon. Hindi ka na mahihirapan pa"

"Huwag na lang. Nanliligaw ka pa lang, live in na ang gusto mo? Sinuswerte ka naman yata", pang-aasar ko sa kanya ngunit nakisakay siya roon.

"Unless you say yes to me now, you'll be my girlfriend again by the time you move back"

Napailing ako ngunit natawa rin sa mga hirit niya. Hindi ko nga rin alam kung magandang ideya ba talaga na nagpalitan kami ng numero ni Theo. He's been texting me nonstop na aakalain ko talagang wala siyang trabaho.

Madalas pa ay halatang pumi-pick up lamang siya sa akin sa mga text niya.

"Pupunta ka ba sa anniversary party ng RFC?", tanong ko.

Nagpupunas na ako ng pawis habang nakaupo sa bench at siya naman ang nasa treadmill ngayon. Kanina ay nagbuhat siya ng weights at nagcardio rin bago lumipat sa treadmill. Kaya naman pala batak na batak ang katawan ng isang 'to.

"Not sure. I'm busy with work", saad niya at napatango na lang ako.

Hindi pala kami magkikita kung ganoon.

"Bakit, inimbita ka ba roon?", pahabol niya.

"Hindi ako. Si Mommy at Daddy lang pero ako ang pinadadalo ni Mommy. Hindi ako maka-hindi dahil may sakit si Dad at magkaibigan si Daddy at Tito Ped"

"Pupunta na pala ako!", halos matisod siya sa pagtakbo kaya tumigil na siya treadmill at pagkatapos ay dali-daling lumapit sa akin.

"Magpunas ka ng pawis", inabot ko ang towel sa kanya.

Tinanggap niya naman 'yon pero tila wala siyang pakialam sa pawisan niyang katawan.

"Pupunta na ako! Escort mo ako, pwede?", parang bata siyang excited sa fieldtrip.

Pinigilan ko ang sarili na mangiti dahil sa hitsura niya. Kung pwede ko lang pisilin ang pisngi ng isang 'to, ginawa ko na. Ang tanda na niya... he's turning 29 next year but he's still a baby. Wala pa ring pinagbago.

"Hindi pwede. Si Kuya Pancho ang escort ko", saad ko at umirap naman kaagad siya.

"Hindi ba pwedeng mag-isa na lang siya? Baduy naman 'non! Ako na lang, please", nagpa-cute pa nga.

Lose to Win (Trazo Real Series #2)Where stories live. Discover now