Chapter 30

443 10 8
                                    

Chapter 30

Nagmamadali akong lumabas sa venue ng event. Hindi na ako nakapagpaalam pa sa mga magulang o kahit man lang sa parents ni Theo. Ang mahalaga naman ay naibigay ko ang donation ko.

Kahit na kinakabahan at hindi sanay ay pumara ako ng taxi sa labas ng hotel. Wala na akong pakialam kung makilala pa ako ng taxi driver basta ang gusto ko na lang munang gawin ay umuwi. I don't feel comfortable in that place anymore. And I don't think staying there will do me any good especially now that that woman's words were repeating on my mind.

Hindi ko na hinintay na masuklian ako ng driver at nagpasalamat na lang ako. Pakiramdam ko nga ay nakilala niya ako dahil panay ang tingin niya sa akin noong inaabot ko ang cash.

Pagdating sa loob ng unit ay doon ko lang din napansin na panay ang tawag sa akin ni Theo sa phone ko. I turned off my phone and quickly changed my clothes. Hindi ko na alam kung ano ang una kong iisipin.

Magulong magulo ang isip ko ngayon. Una, inalok ng mga Tan si Theo na ipakasal sa babaeng kausap ko kanina at kapalit 'non ay maaareglo rin kaagad ang issue sa pagitan ng dalawang mayamang pamilya. Pangalawa, crisis ngayon sa Deltrazo Holdings dahil sa pag-pull out ng investment ng mga Tan dahil sa pagtanggi ni Theo sa kasal. Pangatlo, umuutang si Dad sa mga Deltrazo at alam 'yon ni Theo.

"Bakit hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka na?", iyon agad ang bungad sa akin ni Theo. Wala pang isang oras simula noong umalis ako sa hotel pero narito na agad siya ngayon.

Pawisan siya at hinihingal, halatang tensyonado at nagpipigil ng galit.

"Masyadong maraming tao roon at busy ka – "

"We agreed that if something goes wrong, we'll both leave. Bakit ikaw lang ang umalis? Sana hinintay mo ako o nagsabi ka dahil sasama ako sa'yo", saad niya at lumapit sa akin.

"Theo... may hindi ka ba sinasabi sa akin?", diretso kong tanong sa kanya.

Bakas ang gulat sa mga mata niya pero mas nakita ko ang takot. That was when I confirmed that he's hiding something from me. O baka nga hindi lang isang bagay ang tinatago niya sa akin. Baka nga marami pa akong hindi alam dahil wala siyang balak sabihin sa akin.

"May lumapit ba sa'yo kanina sa event?", he asked me instead.

"Just answer my question! May hindi ka ba sinasabi sa akin, Theo?"

He looked down and breathed heavily. His hands were balled into fists and he's all red now.

"What is it that you want to hear from me?", mahina niyang sambit na tila sumusuko na.

"Why are the Tans pulling out their investment on DH? Anong nangyari?"

"Because they want... they want me. Ako 'yung bayad na gusto nila"

"Bakit ikaw?", naguguluhan kong tanong dahil hindi lang naman si Theo ang Deltrazo. Naroon din naman si Xythos kaya bakit si Theo lang?

"Dahil ako ang gusto ni Helena Tan", lumapit ulit siya at tumayo naman ako para makaalis sa ibabaw ng kama.

"Pero hindi ka pumayag", dugtong ko dahil alam ko naman na at kung hindi ako nagkakamali, ang babaeng kausap ko kanina ay si Helena Tan.

"They withdrew their investment in DH all because of that and yes, DH is under crisis right now but we can handle it. Magagawan namin 'yon ng paraan nina Kuya at Papa. Kaya wala ka dapat ipag-alala", saad niya at lumapit ulit pero umurong ako.

"What about my parents? Totoo ba na umuutang sa inyo ang mga magulang ko dahil palugi na ang Del Rio?", halos hindi ko matuloy sabihin ang huli kong tanong.

Lose to Win (Trazo Real Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt