Chapter 16

477 12 3
                                    

Chapter 16

"Are you sure that I can sleep on the same bed with you?", Theo was staring at me while I'm combing my hair.

"Uh... I guess it's fine", hindi ko siguradong sagot sa kanya.

I don't know what pushed me to offer my place to him. I just know that he needs someone right now and maybe the reason why he drove himself here in my place was because it is me whom he needs.

"Baka mamaya kapag nalaman ng Kuya mo ay sumugod 'yon dito", nguso niya.

"Well- aray!", I said when the comb got stuck on the ends of my hair.

"Let me", he said and offered to comb my hair.

Ibinigay ko ang suklay sa kanya at hinayaan siyang suklayan ako. He combed my hair gently like he's scared he might hurt me. I smiled inwardly. Maalaga siya kaya siguro nababaliw ang mga babae niya sa kanya.

"Kapag nagalit si Pancho, ako na ang magpapaliwanag", saad niya habang sinusuklayan ako.

"He won't know. Hindi naman magsasabi roon ang mga kasama namin dito at hindi rin naman 'yon nagtatanong. If ever he finds out, so what right? I offered you my room. Hindi ka naman nagpumilit. I want to take care of you tonight", I said the last sentence in a whisper but I know that he heard me.

"Kapag naabutan tayo ng Mommy mo... baka iba ang isipin niya sa atin", may halong kaba sa boses niya.

I scoffed. If he only knew how much Mommy wanted me to make him fall for me. Ayaw ko na nga lang sabihin sa kanya dahil wala naman akong balak gawin ang gusto ni Mommy.

"Hayaan mo siya. Since when did you became so... cautious with things like this? Ganito ka rin ba katakot sa parents ng mga naging babae mo?", hinarap ko siya at hinawakan ang kamay niya para matigil sa pagsusuklay sa akin.

He raised his right brow and smiled amusedly at me.

"Wala naman na akong babae", saad niya at tinuloy ang pagsusuklay sa akin.

"Wala naman akong pakialam", irap ko at tumalikod na sa kanya.

"Hindi ka talaga naniniwala? Loyal 'to", proud niya pang sabi na 'loyal' siya.

"I don't believe you. You were always seen with girls and even my brother attests that you're a playboy kaya huwag mo nang linisin ang sarili mo sa akin. Maybe in the future, magkagusto ka sa iba at mambabae ulit", I finally voiced out my thoughts.

Maybe the reason why I wasn't really expecting anything from this fixed engagement was because even if Theo has been so good to me, I still have trust issues with him. I cannot fully trust him because I know his reputation with women.

Hindi naman sasama ang loob ko kung mambabae siya basta magsabi lang siya sa akin. At para na rin maputol na namin ang usapan namin na bawal makipaglandian sa iba.

"Dito ka nga", saad niya at binuhat ako palapit sa pagitan ng kanyang mga hita, kinukulong na naman ako.

"What?"

Nilapag niya ang suklay sa kama. He caged me in his thighs and arms and placed his hands on top of mine.

"Alam ko naman na mahirap paniwalaan na matinong lalake na ako. But believe me, when I agreed to this engagement, I already considered myself married to you. Hindi ko kayang lokohin ka", saad niya.

"Nasasabi mo lang 'yan dahil kapatid ako ng kaibigan mo", I pouted.

He intertwined our hands and placed his chin above my right shoulder. He likes doing this chin move, huh?

Lose to Win (Trazo Real Series #2)Where stories live. Discover now