Chapter 12

450 14 9
                                    

Chapter 12

Sa hallway ng building namin ay naghintayan kami ni Shawn para sabay na umuwi. Malapit lang ang condo ni Shawn sa school kaya nilalakad lang niya minsan o kaya naman ay sumasakay si7ya ng tricycle kapag maulan. Ngayon naman, isasabay ko siya pauwi dahil natatakot na akong hayaan na lang siyang umuwi mag-isa.

"How are you?", I asked him.

It's been a week since he told me about what Frank did to him but I still make sure that he's doing fine and that Frank isn't really bothering him anymore.

"Ayos lang, baks. Maganda pa rin", saad niya at ngumiti sa akin.

I laughed at him and we both started walking towards the elevator to go down.

Makalabas ng building ay natanaw ko si Frank na naglalakad kasama ang grupo ng kanyang mga kaibigan at hindi nakatakas sa akin ang paninitig niya sa amin ni Shawn. It almost seemed like he's glaring at us and it made me really uncomfortable.

I looked at Shawn and saw him furrow his brows. He just rolled his eyes and pulled me to him so that we can walk closer to each other.

"Bakit parang siya pa ang galit 'e siya na nga itong napakasahol ng ugali at nanakit sa'yo?", inis kong baling sa kaibigan.

"Nakakainis 'di ba? Subukan lang talaga akong baliktarin niyang hayup na 'yon. May mga picture ako ng mga pasa na tinamo ko sa kanya"

"Kapag ginulo ka niyan, tawagan mo ako", I told him.

"May takot pa rin ako sa kanya pero... kaya ko 'to. Siya dapat matakot sa akin dahil ako ang tinarantado at inabuso niya"

"I'm here for you"

Pupunta talaga ako kahit pa anong oras para kay Shawn. Everytime his bruises flash on my mind, I almost want to faint. Parang ako rin 'yung binubugbog. Parang nararamdaman ko 'yung sakit kaya paano pa mismo si Shawn na nakaranas 'non?

"Thank you talaga, baks. Hindi siya makakagraduate kapag nagsalita ako", saad niya pa.

"We're not really sure about that. Some students get away with it. It sucks but like what you said, we have the upperhand here. Anyway, sasama raw ba sina Jane at Nicole sa pagpunta natin sa condo ni Troy?", I asked him.

I sent messages to the two but they weren't replying.

"May taping si Jane 'e. Nakachikahan ko saglit sa mezzanine. Si Nicole naman try niya raw makasama", Shawn said.

We're planning to visit Troy's unit since he told us that he's allowed to invite some visitors.

I shopped some groceries for him. Hindi ko alam kung may stock ba siya ng pagkain pero dinamihan ko na rin. Hindi na baleng sobra.

"Bakit may paganito ka, madam? Para akong nanalo sa raffle ah?", tawa ni Troy dahil may dala akong groceries, may dalang air diffuser si Shawn, at may dalang bagong bed sheets at blankets si Nicole.

"Sira! Hayaan mo na at minsan lang naman 'to", saad ko at nilagay ang mga groceries sa cabinet niya sa kusina.

"Ang bongga ng unit mo! Fully furnished na agad kaya hindi na ako nagdala ng rice cooker 'e", hayag ni Shawn habang umiikot sa unit ni Troy.

"Baliw. Hindi sa akin 'to. Pinagamit nga lang dahil walang tatao", Troy explained.

No matter how many times he tells us that the unit isn't his, we're kind of like treating it as his unit already. Nicole was just standing silently, admiring the paintings on Troy's wall.

"Did you paint these?", I heard her ask Troy when Troy passed by her in the living room.

"Oo. Maganda ba?"

Lose to Win (Trazo Real Series #2)Where stories live. Discover now