Chapter 42

506 11 10
                                    

Chapter 42

Pagkarating sa condo namin ni Kuya Pancho ay hindi ko na napigilan pa ang pagbuhos ng mga luha ko. Sa lakas ng pagsarado ko sa main door ay kamuntikan na rin yatang matanggal sa dingding ang malaking wall clock ni Kuya.

"Good Lord!", I heard Kuya Pancho in shock as I closed the door. "Bakit ka nagdadabog – wait, what? Umiiyak ka ba, Pichi?", he asked in a worried voice.

Umiling lamang ako at nagkulong sa kwarto. Umupo at inihagis ko ang phone ko sa kama na kanina pa ring nang ring dahil tumatawag sa akin si Theo.

"Pichi, bakit ka umiiyak?", kumakatok si Kuya Pancho.

Kumawala ang isang hikbi mula sa akin kaya napatakip na lamang ako ng mukha. Lalong lumakas ang bawat katok ni Kuya.

"Putangina, Clara! Anong nangyari? Pinaiyak ka ba ni Theo? Clara!", lumakas na rin ang boses ni Kuya Pancho, halatang nag-aalala sa akin.

"Okay lang ako!", with a broken voice, who am I fooling?

Narinig ko ang pagkalansing ng susi mula sa labas ng kwarto ko at ilang sandali pa ay nabuksan na ni Kuya Pancho ang kwarto ko.

Hindi ko siya nilingon. Hindi rin siya lumapit sa akin. He stood there, on the doorway, just staring at me.

"I don't know what happened. But can I at least hug you?"

Sa sinabi ng kapatid ay lalong bumuhos ang mga luha ko. Lumapit sa akin si Kuya at tumabi sa akin sa pag-upo sa kama. Niyakap niya kaagad ako. Ngunit imbes na gumaan ang pakiramdam ay lalong bumigat ang loob ko. Hindi dahil ayokong narito si Kuya kung hindi dahil nahihiya akong makita niya ulit akong ganito.

My phone rang and my brother took the call.

"Fuck you! I trusted you, Theo! Gago ka!", his voice thundered.

Sa galit ni Kuya ay inihagis niya ang phone ko at sa lakas 'non ay hindi ko na alam pa kung maayos pa ba 'yon o sira na.

"Did he hurt you?"

He searched for my eyes but I can't even see his face clearly. My eyes were filled with tears and I can't even utter a single word now. Basta ang alam ko, nasasaktan ako. Ang alam ko, galit na galit ako kay Theo.

Sa pagtitig pa lamang sa hitsura ko ngayon ay hindi na kinailangan pa ni Kuya ng kahit na anong sagot pa mula sa akin. Muli niya akong niyakap at kung anu anong mura ang lumabas sa bibig niya, sinusumpa si Theo.

Nakatulog ako sa pag-iyak at pagkagising ko ay gabi na. Wala na si Kuya Pancho sa kwarto ko. Dahan dahan akong bumangon at sinapo ang ulo ko. Kakaiyak ko kanina ay para akong lalagnatin dahil na rin sa panghihina.

"You slept on my shoulders", si Kuya na nasa pinto na.

"Sorry. Nangalay ka ba? Do you have work?", I asked him. Umiling si Kuya at tuluyan nang pumasok na may dalang tray ng pagkain.

"How are you? You look like shit", inayos niya ang buhok kong napakagulo. Pinilit kong umirap ngunit sa sobrang pamamaga ng mga mata ko ay hindi ko na rin halos maidilat 'yon.

"Did he call again?", tanong ko.

"Nasira ko yata ang phone mo. I blocked his number on my contacts so I don't really know if he tried to call me", inabot ni Kuya ang baso ng tubig sa akin at halos naubos ko iyon.

"I saw Jane inside his unit. She's wearing her nighties while Theo's just wearing his boxers", I told him.

Halos malaglag ang panga ng kapatid ko nang malaman ang nangyari. He cursed Theo's name again. Hindi pa rin makapaniwala na ganoon ang nangyari.

Lose to Win (Trazo Real Series #2)Where stories live. Discover now