Chapter 31

472 11 8
                                    

Chapter 31

"What the hell is this?", gusto kong matawa habang hawak ang ticket ng isang school play na inabot sa akin ni Pancho.

"Hindi ka ba marunong magbasa? Ang bobo mo naman", irap ni Pancho kaya tahimik na natawa si Naxus.

"Gago. Ano naman kasing gagawin ko rito? Hindi pa ako nakakapagreview 'e may quiz na naman kami sa Lunes", saad ko at taimtim na nanalangin na sana ay biglang magkaroon ng milagro sa Lunes na walang pasok at makaligtas sa quiz.

"Ang baduy mo! Kung kailan second year college ka na tsaka ka natakot sa quiz?", inagaw ni Pancho ang ticket sa akin.

"The prof's quizzes are deadly. I get his point", saad ni Naxus na himalang pinagtatanggol ako ngayon kay Pancho.

"Mga dalawang oras lang naman itong school play ni Pichi. Sige na, samahan niyo na kasi ako. Hindi makakapanood parents namin 'e naaawa nga ako dahil baka siya lang ang walang pamilyang manood", pagpupumilit ni Pancho.

Sa pagmamakaawa niya ay parang naging effective naman 'yon kay Naxus at pasimple niyang kinuha ang isa pang ticket at tahimik 'yong tinitigan.

"Bakit ba Pichi ang palayaw ng kapatid mo? Parang pangalan ng aso 'e", saad ko at nabatukan agad ng kupal na si Pancho.

"Gago ka ba? Baka kapag nakita mo ang kapatid ko ikaw ang maging aso't maghabol ka?", mayabang niyang asta.

Parang bigla kong gustong masuka. Imposible 'yon. 16 lang yata 'yung bunsong kapatid ni Pancho at 20 na ako. Makakasuhan pa ako kapag nagkataon. May konsensya naman ako!

"Kapal mo! Kung kamukha mo lang din 'e ayaw ko na. At hindi ako napatol sa bata 'no!", binato ko siya ng pinag-inuman ko ng mineral water.

Kanina pa kami nakatambay dito sa bahay nina Naxus. Sa totoo lang, ayaw niya nga na rito kami tumatambay ni Pancho dahil nagkakalat lang daw kaming dalawa. Ayaw din naman ni Pancho sa kanila dahil hindi naman 'yon nagdadala ng bisita sa bahay nila. Mas lalong ayaw ko sa amin dahil masyadong malaki ang bahay, masyadong tahimik.

"Oh 'e 'di mabuti nang nagkakaintindihan tayo. Ikaw, Nax, baka naman matipuhan mo ang kapatid ko kapag nakita mo? Bawal!"

"I'm not interested", saad ni Naxus.

"Alam mo naman na si ano lang ang ano niyan", mahina kong sabi pero pinukol ako ng masasamang tingin ni Naxus kaya nagpigil na lang ako ng tawa.

"Why can't your parents come? It's Sunday, right? Isn't Sunday supposed to be like a day off?"

"Alam mo naman sitwasyon namin, pre"

"At least for their youngest...", kibit balikat ni Nax. Ewan ko ba kung bakit ganito siya magsalita. Manang mana siya sa Kuya ko. Pakiramdam ko talaga, si Rafael ang kapatid ko at hindi si Kuya Xy. Dudugo ang ilong ko rito kay Naxus 'e.

"I'll see if I can come. You?", baling sa akin ng pinsan ko. Nakatingin na rin sa akin si Pancho na para bang asang-asa siyang pupunta ako.

"Oo na. Pupunta na ako. Libre mo kami ng merienda pagkatapos", saad ko at tumango lang si Pancho. Mahal na mahal nito 'yung kapatid niyang may nickname na pang-aso, ah?

Pagdating ko sa bahay ay agad akong gumawa ng lintek na mga paper na kailangan kong ipasa sa Theology. Mahal na mahal ko si Lord pero minsan kasi hindi ko na rin talaga maintindihan ang inaaral ko. May mga tanong na para bang wala namang sagot pero kailangan may sagot. O kaya naman obvious naman 'yung sagot at self-explanatory naman pero kailangan bidang-bida ang pagpapaliwanag mo. Kapangalan ko pa naman 'yung subject.

Sa Linggo ko dapat 'to gagawin dahil bukas, Sabado, may date ako kasama si Ygritte. Hindi ko 'yon girlfriend. Ayaw ko pang mag-girlfriend at dahil nagkakasundo naman kami lagi na wala kaming relasyon, pumapayag sila. Para sa akin naman kasi, depende 'yon sa kasunduan ng dalawang tao. Hindi ko naman sila pinipilit at hindi ko rin sila binabastos.

Lose to Win (Trazo Real Series #2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें