Chapter 28

408 10 2
                                    

Chapter 28

Wala na akong masyadong trabahong ginagawa ngayon maliban sa ilang TV commercials at endorsements. I guess it was also for the best since we just finished our movie. The sales were high so the management and network were very happy about it. Iyon nga lang, alam nilang hindi naman na gagana 'yong loveteam namin ni Neil sa mga tao dahil may boyfriend ako.

"Kahit anong angle talaga, ang ganda mo", saad ni Mela, iyong make-up artist dito sa studio.

"Talaga ba? I haven't visited my derma since last month kaya medyo worried ako because I have sensitive skin", sagot ko sabay tingin ulit sa mukha kong nilalagyan niya ng base para sa make-up.

"Oo! Sold out lagi 'yung mga ine-endorse mong beauty products", saad niya pa at napangiti na lang ako.

I am currently wearing a white spaghetti strap top. This shoot is for a skin care brand that I've been working with since I was 18 kaya alaga na nila ako rito. Naka-bun din ang buhok ko para mas maaliwalas mamaya kapag nagkaroon ng close-up shot sa mukha ko.

Hapon nang matapos ang shoot at mabilis lang din naman akong nakapagligpit ng gamit dahil kasama ko si Ate Len. Minsan nga naaawa na rin ako kay Ate Len kasi kapag hectic ang schedule ko, ganoon din siya dahil lagi ko siyang kasama. Kapag din simple lang ang ayos ko, si Ate Len na ang gumagawa kaya dinadagdagan ko lagi ang sweldo niya sa akin.

Maybe I should get myself my own glam team para naman hindi ko masyadong naabala si Ate Len. Paglabas ng building ng studio ay nakasalubong ko si Jane na mukhang may gagawin din. Tumingin siya sa akin at umirap, pagkatapos ay nilagpasan lang ako.

I sighed and just went straight to my car. Naghihintay na si Kuya Lito sa amin para i-drop ako sa unit ni Kuya Pancho. I didn't tell my brother that I'll visit him. Sobrang random nga dahil kanina ko lang din naisip na bisitahin ang unit ng kapatid ko.

Nakasama ko naman si Kuya Pancho noong birthday ko pero dahil may mga bisita, hindi kami masyadong nakapag-usap. Kung papayagan ako ni Theo, baka kay Kuya Pancho ako matulog dahil may spare room naman sa unit ni Kuya at kama ko rin naman ang naroon.

"Kain muna kayong dalawa sa labas ni Ate Len, Kuya Lito. I'll call na lang if I'll sleep sa unit ni Kuya", saad ko at inabot ang isang card ko kay Kuya Lito. Nahihiya niya 'yong tinitigan at umiling.

"Hindi na po, Ma'am. May pera pa naman kami rito", saad ni Kuya Lito.

"Oo nga, Ma'am. Nabusog kami roon sa mga pagkain sa studio 'e", dagdag pa ni Ate Len.

"No, it's okay. Just in case lang naman para may pambili. Feel free to use it", I said and handed the card to them.

Pagpasok ko sa condo ay pinagtinginan ako ng ilan. Para ngang gusto nilang lumapit sa akin kaso hindi nila alam kung paano. I just smiled and went to the lobby.

"Juan Patricio M. Del Rio", I said and showed them my ID. Tumango naman kaagad ang babae kaya dumiretso na ako sa elevator.

Pagpasok ko sa condo unit ni Kuya Pancho ay naabutan kong bukas ang mga ilaw at mukhang may nagluluto. I thought my brother was home but it surprised me to see Liannon. Why is she here?

"H-hi?", alanganin kong saad nang maabutan ko si Liannon na mukhang may kinukuhang ingredient sa ref ni Kuya Pancho.

Halatang nagulat din siya sa pagdating ko. Pareho kaming hindi alam kung anong magiging reaksyon dahil hindi naman yata namin parehong inaasahang makita ang isa't-isa sa condo ni Kuya Pancho.

"Uy! Ikaw pala, Clara. U-upo ka", awkward niyang saad. Hindi mapakali si Liannon dahil bukod sa nagluluto siya ay may unexpected na bisita pa si Kuya rito sa condo unit kung saan nagluluto siya.

Lose to Win (Trazo Real Series #2)Where stories live. Discover now