17

1.2K 104 5
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

"Morning wife," Nangunot ang noo ko nang maramdaman ko ang tapik sa pisngi ko.

"Hmm!" Napaungot dahil naudlot ang masarap kong tulog.

"My wife, you need wake up..."

Dumilat ako bago kinusot iyon. I yawned then smiled at him. "Morning too, hmm? May pupuntahan ka?" Tanong ko nang makitang naka-casual clothes siya.

Tumango siya kapagkuwan ay pinatakan ako nang halik sa labi, akmang palalalimin niya ang halik nang tinulak ko ang ulo niya.

Napanguso siya.

"Hindi ako nag-toothbrush, obviously kasi kakagising ko lang. Bad breath ako."

Pero ngumisi lang siya at parang hindi naman siya nakinig sa sinabi ko dahil hinalikan ulit ako at pinalalim pa ang halik na dapat ay dampi lang. Pagkatapos niyon ang hiningal-hingal niyang inipatong ang noo niya sa noo ko at napangiti ng matamis.

"I do not care if you haven't brush your teeth yet. Sarap na sarap nga ako sa halik mo eh."

"Tsk! Corny mo!" Ramdam ko ang init sa magkabilang pisngi ko, he chuckled. Yumakap ako sa batok niya. "Gusto kong umupo." Sabi ko na agad naman niya akong inalalayang umupo, sa sobrang laki kaso ng tiyan ko ay nahihirapan na akong gumalaw, kaylangan talaga na may laging naka-alalay sa akin.

"There." He said after I already sat on the edge of our bed, pinasandal niya ak sa headboard saka umupo sa harapan ko.

"Ano sasabihin mo sa akin?"

He pinched the bridge of his nose before speaking. "I don't really want to wake you up so early but we have an emergency, one of our companies in New York. Kanina lang tumawag iyong sekretarya ko na kailangan ako doon sa isang branch sa New York. May sunog daw na nangyari kahapon ng gabi at ngayong umaga lang sinabi sa akin."

Umawang ang labi ko. "Sunog? Paanong nasunog? Dahil ba sa kuryente o ano?"

"That's what I don't know yet but my secretary said they're still investigating it. But if someone caused the fire intentionally, he should be readying himself by now." His eyes darkened by anger.

"Alam ba ito nila mom at dad?" Tukoy ko sa mga magulang niya.

"Yes and they're on their way now to New York. I don't want to leave you guys alone."He pouted.

Buong puso niyang hinaplos ang tiyan ko at matagal iyong pinatakan ng halik, tapos ay inilapit ang teynga sa tiyan ko.

"Pangako na babalik ako pagkatapos ng dalawang araw bago ang gender reveal ninyo, pakabait kayo sa tiyan ni mommy niyo, huwag niyo na naman siyang papaiyakin, ha? Tsaka pag nakabalik na ako, bibilhan ko kayo ng favorite kiwi ninyo. Mahal ko kayo."

Pagkatapos niyang sinabi iyon sa mga bata sa sinapupunan ko ay binalingan ako nang tingin. Nagulat siya nang makita ang mukha ko.

"B-Bakit?" Mahinang tanong ko.

Sa halip na sumagot ay inilapit niya sa mukha ko ang kamay niya at idinampi ang kamay sa ibaba ng mga mata ko. Naramdaman kong basa iyon?

Forced Marriage (Completed)Where stories live. Discover now