21

1.6K 115 18
                                    

Late night, I was staying outside the house to stargaze and think when I felt that someone is approaching. I felt at ease when I saw that it was my serious husband.

"Napapadalas ang pagtingin mo sa kalawakan?" Tanong niya bago tumabi sa aking kinauupuan. Ah! It feels like home.

I look at him sideways. "Hindi ko akalain na napapansin mo pala ang pinanggagawa ko?" I asked, staring at his adams apple. It bobbed.

I smirk.

"Silence means yes!" Katahimikan ang namayani sa pagitan namin na ako ang bumasag. "Ewan ko ba, pero kapag tumitingin ako doon pakiramdam ko kasama ko iyong asawa ko." Sabi ko at tiningnan siya pero nanatili ang walang emosyon sa mukha niya.

"Kapag kasi minsan yayakap iyong asawa ko sa likuran ko tapos sabay kaming titingin sa pinakamalayong mga bituin." Turo ko sa butuin na may ngiti sa labi pero nawala iyong ngiti ko nang maalala na hindi niya ako naaalala.

Tumingin ako sakanya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Pero hindi siya umiwas ng tingin. Tinitingnan niya ang bawat anggulo ng aking mukha dahilan para lumunok ako.

"Hindi mo man ako maalala pero may pangako na gusto kong tuparin mo. Sana..."

Bumuntong-hininga ako at humarap sa kanan. Ibinaba ko ang kamay ko at ginawa iyong unan ko. Tulala ako habang inulit-ulit sa aking isipan ang sinabi ni Miss. Hindi ako makatulog kanina pa dahil doon.

"Sana balang araw, maalala mo na ako. Sana lang, hindi kita pipilitin at hindi kita pipilitin. Kung payag ka lang na luluwas tayong Maynila dahil hinihintay ka ng mga magulang at kaibigan mo."

"But what if I don't want?" Nagulat nga ako't lumabas iyon sa bibig ko. Nangunot ang noo ko kasi sabi ni Hilda hindi naman ako marunong mag-ingles.

Sakit ang dumaan sa mata niya pero agad ding nawala.

"Pwede naman, pero titira ako rito sa isang kondisyon."

"Buntis ka—"

"Kaya ko pa." Humina ang boses niya, sa tingin ko ay paiyak na pero nakatingin sa aking mga mata, pakiramdam ko na pamilyar ang mga tinging iyon. "Para sa pamilyang ito, kakayanin ko, isa akong Montes na palaban. Pero may hangganan rin iyong pagiging palaban ko. I just hope you won't be happy with that Hilda, Hilda isn't your wife because I am your legal wife. I am carrying our kids. Thus, you have no relation to Hilda."  Sabi niya bago tumayo.

Tumigil nalang nang parang may naalalang sasabihin pa. "Kunti lang ang araw ko rito kasi malapit na akong manganak. Sabihan mo nalang ako kung ano ang magiging desisyon mo. And about Hilda, sana kahit hindi man para sa akin, kahit para lang sa mga anak natin, gusto ko na layuan mo siya."

~~~~

Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos sabihin ang gustong sabihin sa asawa ko. Naiwan ko siyang nakatulala. Pero masakit.

"Sabi ko na nga ba at nilalandi mo iyong boypren ko!" Biglang sumulpot si Hilda sa harapan ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.

Agad kong tinapangan ang mukha para hindi ako magmukhang kawawa sa harapan niya. Ni asawa ko nga hindi kinawawa, ako pa kayang buntis na?

"Hilda, naririnig mo ba iyang sinasabi mo? Asawa ko iyon, eh! May karapatan akong landiin iyon. At ikaw? Anong karapatan mo? Gusto mong maging kabit o gusto mo ng pera, kasi mukha kang pera!"

Forced Marriage (Completed)Where stories live. Discover now