Daddy Wang 10

321 11 1
                                    

Naoki's POV

Ang boring ng buhay. Wala si Susu na nambubuwisit sakin tuwing umaga! 

Isang linggo narin ang nakakaraan mula noong lumipat ako dito. Medyo nasasanay narin ako sa buhay mag-isa. Gigising ako, maliligo, papasok ng school, uuwi, kakain, matutulog. 

Ni hindi narin ako umaattend ng training. Pinagbabawalan ako nung anim na tatay ng anak ko. Tae daig pa nila magulang kung pangaralan at pagbawalan ako!

"NOOONAAAAA" 

Kinuha ko na yung bag ko saka lumabas na. Narinig ko na kasi ang boses ni Yugyeom. Simula pa noong isang linggo tuwing umaga nandito na agad si Yugyeom sa loob ng bahay para sunduin ako at ihatid sa school. May spare key kasing pinagawa si Mark at binigay kay Gyeom at sakanya para just in case na may emergency makapasok sila agad o diba san ka pa? Sa school naman, araw araw akong binubuntutan ni Youngjae at Bambam, pagkabell palang nandun na sila sa labas ng room, sinasamahan nila akong maglunch, magmeryenda, instant utusan pa. Buwisit kasi si Mark, bantayan daw nila ako at baka madapa ako lalo pa't may pagka engot daw ako. Ang sweet diba? Tangena nya!

"Noona sumisipa na ba baby mo??" sabi ni Gyeom habang naglalakad kami papuntang sakayan. Taeng yan, ilang months palang sisipa na?

"Hindi pa eh pero ako naninipa!" nakangiting sabi ko. 

"Noona naman eh," ( '́з'̀) nakanguso nyang sabi. "...teka maiba ako, si Jackson hyung ba hindi ka pa dinadalaw?" 

Buwisit pinaalala pa yung duwende. Aba malay ko kung nasan na yun, baka nilamon na ng lupa. >.<

Umiling lang ako. "Hayaan mo yun. Wala naman akong pakialam sakanya." sabi ko. Sakto nasa sakayan na kami kaya sumakay na kami ng bus. 

"Noona galit ka ba kay Jackson hyung?" pagpapatuloy ni Gyeom habang nakaupo kami sa loob ng bus. Doon ako sa bandang bintana.

Nakatingin lang ako sa tanawin sa labas. "Kung alam mo lang kung gaano ko sinusumpa yang duwende mong kaibigan Gyeom. Kung pwede ko lang syang palunukin ng isang drum ng konsensya ginawa ko na. Tang ina nya!" 

"Noona... diba sabi ko sayo iwas iwasan mo na ang pagmumura? Gusto mo bang ang first word ng baby mo imbes na mommy, pakyu?"  dinemo pa nya. May pagkagago rin to!

Pero may point naman sya, paano nga naman kung pakyu o di kaya tangina ang first word ng magiging baby ko? Ayoko nun! Pero pwede narin, turuan ko kaya syang murahin yung walangyang tatay nya? Aish!

"Nakakaput---" natigil ako sa sinasabi ko nang takpan nya yung bibig ko. Abay put---

Daddy Wang [On-Hold]Where stories live. Discover now