Daddy Wang 13

349 11 2
                                    


Naoki's POV

May masama akong aurang nararamdaman. Papasok palang kami ng compound ni Mark may nararamdaman na akong iba.

"Tangina kaya naman pala! May mga masamang espiritung nakapasok sa bahay ko!!!"

Bumungad agad sakin yung mga pukinginang sapatos nilang nagkalat sa pintuan na animo dinaanan ng ipo ipo. Yung sofa kalat kalat, yung isa nga umabot na sa pinto. yung mga popcorn nakakalat sa sahig. Eto na nga bang sinasabi ko eh! Gusto kong magpakabait at iwasang magmura pero sino bang hindi mapapamura sa mga pakingshet na nilalang na 'to!

"Hoy nakailan ka na ba? Sapakin kaya kita everytime na magmumura ka??" Sabi ni Mark

"Ako ba ginagago mo Mark!!!!"

Bigla nya akong binatukan pero mahina lang naman.

"Gaguhan? Buntis ako oh buntis!" Protesta ko habang tinuturo ang tiyan ko kahit dipa naman halata. Ang gago eh, tama bang batukan ako!

Binatukan nya nanaman ako.

Inirapan ko sya saka nagmartsa papasok at di pa man ako tuluyang nakakapasok, nag-init na ang ulo ko.

"Bat late kang umuwi noona??"

Mabilis kong hinubad ang suot kong sapatos saka binato kay Bambam.

"MAGSILAYAS KAYO SA BAHAY KO. MGA DONUT KAYO!" sigaw ko.

"Bakit donut?" Sumulpot si Youngjae may hawak na apple saka sinalaksak sa bibig nya

"Walang donut dito noona, pero eto, may isa pa akong burger sayo nalang!!" Sumulpot din si Yugyeom na may daladalang dalawang burger. Ang isa'y kagat kagat nya at ang isa inooffer nya sakin.

I give up. Bahala na sila sa buhay nila. Ang sarap nilang i-slaughter!

Pumasok nalang ako at walang sabing umupo sa sofa nang maramdaman kong may naupuan akong basa. 

Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko. PUTANG-- Kalma! Ikalama mo singit mo Naoki Kalma baka mapaanak ka ng di oras!

Tumayo ako saka tiningnan kung ano yung kinginang naupuan ko. Presto! Saan ka nakakita ng mayonaise na nasa sofa?! PAK--

"Noona upo ka" Bambam

"Anong gusto mong kainin? Gusto mo ng juice?" JB

"Mainit ba? Gusto mo i-on ko yung aircon?" Youngjae

"Nakakahiya naman sainyo, isa lang naman akong hamak na BISITA dito wag na kayo mag-abala" sarkastikong sabi ko. Feeling ko tuloy ako ang bisita sa sarili kong bahay. Tindi rin naman ng kapal ng mukha ng mga 'to eh!

Daddy Wang [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon