Daddy Wang 16

431 12 2
                                    

"Your wife is fine. Napagod lang siguro siya kaya kumirot ang tiyan niya"

"Yung baby? my baby? How is he??" 

He?? Wala pa ngang gender yung baby prinoproclaim na niyang he? Gusto ko babae, para kamukha ko! Huehue. Pero teka nga. Kumusta nga kaya yung baby ko? Pag may masamang nangyari sa baby ko I swear kakapunin ko tong gagong--

"The baby's okay. Reresetahan ko nalang siya ng Vitamins na pampalakas ng kapit. Mabuti nalang at hindi masyadong naapektuhan ang baby. And may I advise you to keep track of your wife's daily activites? Avoid tiresome activites, iwas iwasan niya ring mastress dahil makakaapekto yun sa baby."

"Yes doc."

"Sige iho, mauuna na ako't nagugutom na ako!"

Pagkalabas ng doctor lumapit na siya sakin kaya mega ultra tulog acting naman ako. DIpa niya alam na nagising na ako kaya pumikit ako agad. 

Maya maya naramdaman ko nalang na may humawak sa kaliwang kamay ko at naramdaman ko nalang ang pagdampi nito sa isang malambot na kung ano. Hindi ako pwedeng magkamali. Bibig yun!

Nagugutom narin ba siya't balak na niyang ulamin yung kamay ko? Tarntado tong ga---

"Sorry for stressing you" mahinang sabi niya. Natouch naman ako bigla. 

Maya maya naramdaman ko nalang ang pagbukas ng pinto at ang sunod sunod na nakakairitang boses na isa isang bumalot sa buong kwarto!

"Noona!"

"Naoki noona! Okay ka lang?" boses ni Yugyeom yun!

"Anong okay? KIta mong comatose siya tapos tatanungin mo kung okay??" Boses ng lecheng si Bambam yun! Anong comatose? Di ba pwedeng tulog lang? SIpain ko kaya siya sa spinal chord nang siya ang macomatose? 

"Yung baby okay lang ba??" yieeee Youngjae kay baby concerned! 

"Naoki! What happened to you?"

"Tanginang yan Jaebum hyung kita mong tulog may pa what happened what happened to you ka pa jan! Utak hyung utak!" 

"Tangnamo Bambam manahimik ka. Gusto mo ipain kita sa zombie" 

"Di papansinin ng zombie yan! WALA NAMANG UTAK YAN EH!" tangina pigilan nyoko! Baka mabuking ako sa pagpapanggap kong sleeping beauty! Kahit kelan talaga tagos sa buto bumanat si Mark. 

"Jackson anong ginawa mo sakaniya?" Ayan na ang nakakatakot na boses ni Jinyoung. 

"Gago ka talaga ano nanaman bang ginawa mo kay Naoki??" At heto narin si bff Markeu! Eheh! My prince!

Daddy Wang [On-Hold]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang