Daddy Wang 6

254 8 0
                                    

<Naoki's POV>

"BUNTIS KA??" 

"TITA LET ME EXPLAIN"

"DIKO KAILANGAN NG EXPLANATION MO ! ANG TINATANONG KO ANG SAGUTIN MO! BUNTIS KA BA O ANO??" tumaas na ang boses ni tita. Nakakatakot.

"Ma, ikalma mo muna yang puso mo pwede? Bat di muna natin hayaan si insan mag-explain!??" sabi ni Susu saka hinawakan si tita.

"ANO? ANO? SO BUNTIS KA NGA!!!!!???" 

"Tita..... sorry po" yan nalang ang tanging nasabi ko habang nakayuko at nagpipigil ng luha

"WALANG HIYA KANG BATA KA LUMAYAS KA DITO!!" lumapit sya sakin saka ako kinaladkad papunta sa pintuan, "LAYAS!!!" sigaw nya habang pilit akong tinutulak, ako naman pilit na kumakapit sa braso nya, 

"SORRY TITA, DIKO SINASADYA"

"MA TAMA NA! MAKAKASAMA YANG GINAGAWA MO SA BABY NYA" kita ko kung panao pigilan ni Susu si tita pero wala syang magawa, masyadong malakas si tita.

"WALA AKONG PAKIALAM SIMULA NGAYON WAG KA NANG BABALIK SA BAHAY NA TO!"

Buong pwersa nya akong tinulak at napaupo ako sa sahig saka tumama ang likod ko sa corner ng pader. Bigla akong kinabahan

Yung baby ko, okay lang kaya sya?

"Ma naman eh! Kahit na galit kayo kay Naoks, isipin mo naman yung baby sa loob ng tyan nya! Wala syang kasalanan!" sabi ni Susu saka ako nilapitan at tinulungang tumayo "...okay ka lang Naoks??" sinagot ko sya ng mahinang pagtango. Lahat ng luhang pinigilan ko kanina naguunahan nang kumawala ngayon.

"SINONG TATAY NYAN? ANO PATI PA BA NAMAN YANG BUNGA NG KALANDIAN MO MAGIGING PABIGAT PA DITO? PALAMUNIN KA NA NGA MAGDADAGDAG KA PA NG ISANG HAYOP KA!!" sigaw nanaman ni tita. Nakakatakot talaga sya.

Bigla syang lumapit sakin saka ako piningot sa tenga at kinaladkad palabas ng bahay saka ako tinulak paupo sa kalsada. 

"SIMULA NGAYON HINDI KA NA MAKAKAPASOK SA BAHAY NA TO NAIINTINDIHAN MO!!??" sigaw nya saka binalibag yung gate "...AT IKAW SUSUMO PUMASOK KA DITO KUNG AYAW MONG PATI IKAW PALAYASIN KO!!!" pahabol pa nya.

Daddy Wang [On-Hold]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin